Chapter 20

2.4K 94 2
                                    

Heaven's POV

  
Hinatid ako ni John saamin. Pagkatapos kasi ng malaman ko ang tunay niyang pangalan ay nag aya na siyang umuwi.

"Salamat John--- Hope."

Umiling siya. "Heaven, pwede bang isikreto nalang natin ang pangalan ko?"

"Ha? Sinabi mo saakin tapos isesekreto---" Pinigilan niya ako.

"May dahilan..."

"What's your reason?"

"Can you please---"

"John or Hope, iisa parin yun. Ikaw parin yun! Pero bakit?" Tanong ko. Napahilamos siya ng mukha niya.

"Okay okay! Sa ngayon, magulo. Alam ko yun, pero may rason kung bakit ko sinabi sa'yo yun. May dahilan kung bakit. Sana maunawaan mo." Sabi niya. Tila natigilan ako. Bakit ba kasi ang kulit kulit ko? Dapat kasi ay itinitikom ko nalang ang bibig ko at sumang ayon nalang.

"S-sorry..." sabi ko.

"H-hindi. Okay lang, salamat sa oras." Sabi niya at sinuot ang helmet niya saka pinaandar ang motor niya. Pinagmasdan ko lang siya habang papalayo siya hanggang sa may kumalabit saakin.

Paglingon ko nagulat ako nang makita si Delia na naka crossed arms at taas kilay na nakatingin saakin.

"Now tell me... do you like him?" Tanong niya. Nagulat man ako pero umiling ako.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko.

"How about the cute guy named Miko?"

'Ano bang pinagsasabi ni Delia?'

"Hindi. Bakit ba?"

"Edi okay." Sabi niya at tumalikod saka naglakad papasok sa loob ng bahay.

Taka akong napatingin sa pintong pinasukan niya. Edi okay? Anong okay sa narinig niyang wala akong gusto kay Miko? Wait--- hindi kaya may gusto siya sa lalaking yun?

Seryoso?

"Ano pang hinihintay mo diyan Heaven? Ang umulan ng yelo?!" Isang sigaw ang nagpagising saakin sa realidad. Ang sigaw ni Tita na nakaabang sa pintuan ng bahay namin.

"T-tita..." sambit ko at nagmadaling lumapit sa kanya. Nagmano ako at nagmadaling pumasok sa loob.

"Ikaw, Heaven! Hindi mo sinasabing nakikipag date ka pala sa lalaking yun! Tapos nung nasa Clinic ka, iba naman!" Sigaw ni Tita nang makapasok siya.

"Who?" Tanong ni Delia. "Don't tell me si Miko? Oh my gosh..."

"Tita Jona, wala pong ibig sabihin yun. Hindi po ako nakikipag da---"

"Tumigil ka! Alam ko na yang mga galawan na yan!" Sabi niya. "Umayos ka! Pinapaaral ka ni Egdar at malaki ang utang na loob mo sa kanya--- pati na saakin!"

"Opo..." sabi ko at yumuko. Umupo ako sa sofa kung saan nakaupo din dun si Delia.

"I have something to tell you!" Sabi niya at tumawa ng mahinhin. "Look at this!" Sabay pakita niya sa isang cellphone.

'Iphone 7'

"Latest 'to. Regalo saakin ni Lola hihihihi." Sabi niya. Hindi ko alam kung nang aasar ba siya o nang iinggit. "Anong brand ng cellphone mo?" Tanong niya.

"Kailangan pa bang malaman mo?" Inis kong tanong.

"Ofcourse! So, ano?"

"Cherry mobile."

"Cheap." Rinig kong bulong niya at tumawa saka tumayo at umakyat ng hagdan.

'Porket naka Iphone 7'

Umiling iling ako at dumeretso sa kusina para ilagay ang pinamili ko sa Ref. Pagkatapos nun ay dumeretso ako sa kwarto.

'Hope'

'Hope'

'Hope'

'Hope'

"Hoy! Gumising ka! Gising!" Malakas na sampal at sigaw ang nagpagising saakin. Napahawak ako sa pisngi ko at bumangon.

"HOPE!" Sigaw ko.

"Hope? Funny hahahahaha."

"Bakit mo ko sinampal?!" Hindi ko maiwasang mainis dahil masakit ang pagkakasampal niya. Natutulog lang naman ako--- paano siya nakapasok sa kwarto ko?

"Paano ka nakapasok sa kwarto ko?!"

"Ulyanin kaba? Iisa lang ang kwarto natin." Sabi niya at inirapan ako. "Sinampal kita dahil gusto ko. Ginising kita dahil gusto ko."

Hinawakan ko siya sa pulso at hinila siya dahilan para matumba siya sa sahig.

"How dare----!"

"Dahil gusto ko." Sabi ko at dumeretso ng banyo. Hindi ko alam pero inis na inis ako.

Pagkatapos ko maghilamos ay lumabas ako ng kwarto ko. Naabutan ko si Delia na masama ang tingin saakin. Lumabas nalang ako ng kwarto.

Bumaba ako ng hagdan at naabutan ko si Tita na nanunuod ng balita.

"Magsaing, mag urong ka ng pinggan, walisin mo itong sala, punasan mo ang mga bintana, ayusin mo yung pagkakaayos ng pinggan. Linisin mo yung CR."

Yun agad ang bungad ni Tita. Wala na akong magagawa kundi ang dumeretso sa kusina at magsimulang mag saing.

Kakatapos ko lang maglinis ng CR. Saktong kakauwi palang ni Uncle. Nagmano ako sa kanya at binigyan siya ng tubig.

"Pawis na pawis ka?" Tanong ni Uncle.

"Edgar---" naputol si Tita nang magsalita ako.

"Nagsaing po ako, nag urong ng pinggan, inayos ang pagkakaayos ng pinggan, pinunasan ang mga bintana at kakatapos ko lang pong mag linis ng CR." Sabi ko na ikinagulat ni Uncle.

"Hindi mo na dapat ginawa ang lahat ng yan. Nandiyan naman ang Tita at si Delia."

"Ah, busy po sila sa kakapanuod ng balita sa Channel seven." Sabi ko na ikinagulat ni Tita at Delia. Sinamaan nila ako ng tingin pero nginitian ko sila at nag peace sign.

"Channel two yun!" Singit ni Delia na ikinagulat lalo ni Tita.

Hindi ko maiwasang matawa. Imbis na pagtakpan ay tinama pa. "Hahahahahaha--- Channel two po pala." Sabi ko at umupo sa sofa at napabuntong hinga.

Gulat na gulat si Uncle na nakatingin saakin. Nagpeace sign nalang ako at pinahinga ang sarili ko. Grabe! Ang sakit ng katawan ko ah.

END OF CHAPTER 20
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon