5:00 PM
Bumaba agad kami ni Anna sa Jeep. Pagkababa namin ay agad na bumungad saakin ang isang deretsong daan na kung saan ay dikit dikit at nakahilera ang mga bahay sa magkabilang side nito. Yun nga lang ay tahimik at iilan lang ang nakikita ko na nasa labas.
"Welcome!" Tumalon bigla sa harapan ko si Anna at itinaas ang magkabilang kamay habang shinishake ito.
"Eto na ba ang Yellow Street?" Bahagya pa akong napatawa nang bigla siyang napasimangot.
"Yep." Maikling sagot niya. "Gusto mo bang dumeretso muna sa bahay namin?" Tanong niya.
"Sige para makapagbihis ka narin at makapag-paalam."
Sarkastiko siyang tumawa at umiwas ng tingin. "Tsk, wala namang naka-abang saakin sa bahay. Wala sila." Sabi niya.
"Ha?"
Ngumiti siya bigla. "Nako! Wag nalang, halika na." Hinawakan niya ang pulso ko at hinila ako.
"Saan ba?" Tanong niya.
"Yellow Street 1976."
Napaawang ang bibig niya.
"Bakit?" Takang tanong ko. "Sigurado ka ba, Heaven?" Tanong niya saakin na mukha pang nagulat.
Tumango ako.
"Sa pagkakaalam ko... isang matandang babae na nag-iisa lang ang nakatira doon. Ni-hindi nga siya lumalabas o nagpapakita. Kaya maraming naniniwala na aswang ang matandang iyon." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"Eh nakita na ba nila para sabihin nilang aswang yung matanda?" Tanong ko at inayos pa ang buhok kong humarang sa mukha ko.
"Ewan ko ba sa kanila." Umirap pa siya. "So? Tuloy na tayo?" Tanong niya. Tumango ako kaya nagsimula na kaming maglakad.
5:30 PM
Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad ni Anna. Hindi ko nga alam kung may dulo pa ba itong daan nila na Yellow Street dahil kanina pa kami naglalakad dito. Napasilip ako sa relo ko at napakamot sa ulo ko nang makitang thirty minutes na kaming naglalakad."Malapit na ba?" Tanong ko. Imbis na magsalita ay tumango na lamang siya at inakbayan ako bigla.
"Ang bahay kasi ng matandang iyon ay malayo at nakahiwalay sa mga bahay bahay." Mabuti naman at nagsalita na siya.
Hindi na ako nagkomento pa at nagpatuloy sa paglalakad nang mapahinto ako dahil may nakita akong isang kubo na hindi kalayuan saamin. May apoy sa harapan ng kubong ito at napakadilim. Tanging ang apoy lang ang nagbibigay ng liwanag. Idagdag mo pang padilim na ang kalangitan. Tsk! Mukhang uulan pa.
"Nakikita mo ba ang kubong iyon?" Tumango ako. "Iyon ang bahay ng matanda. Nako, ikaw nalang ang magpakita. Ano ba ang kailangan mo't hinahanap mo ang matandang iyon?"
"Hindi ko rin alam." Mabilis kong sagot.
"Eh?"
Nauna na akong naglakad hanggang sa mapahinto ako ng marating ko ang kubo. Nasa harapan ko pa ngayon ang apoy nang bigla kong naramdaman na may kumapit sa braso ko. Si Anna.
"Tao po!" Paninimula ko. Lumapit ako sa may pintuan ng kubo at nagsalita ulit. Pero walang lumabas o nagpakita. Mukhang walang tao.
"Walang tao... umalis na kaya---" napahinto si Anna sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa iyon ng isang babae na pinapalibutan ng dilim sa loob ng kubo nito.
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...