Chapter 45

2.6K 72 0
                                    

SOMEONE'S POV


Inihinto ko ang sasakyang dala ko. Pinatay ko ang makina at bumaba na ng sasakyan. Isinarado ko agad ang pintuan at inilibot ang tingin sa madilim na paligid na tanging bato at matataas na puno lang ang nakikita.

Napatingala ako sa mataas na gusali na ngayon ay nasa tapat ko lamang na mga ilang hakbang na lamang.

Iniayos ko ang suot kong damit at nagsimula nang humakbang ngunit napahinto ako nang makarinig ako ng paglukot ng papel. Ibinaba ko ang tingin ko sa may paanan ko at nakita ko ang isang papel na ngayon ay nakatapak ng paa ko. Yumuko ako at pinulot iyon. Akala ko isa lamang normal na papel iyon pero hindi pala.

Isa iyong lumang litrato. Tatlong babae, dalawang lalaki. Kapwa mga seryoso at nakasuot ng lab coat.

Napangiti ako at itiniklop iyon atsaka isinuksok sa bulsa ng suot kong pants. Nagsimula na akong humakbang at naglakad hanggang sa makarating na ako sa harapan ng metal na pintuan. Halatang luma na pero matibay. Nilibot ko ang tingin ko sa may metal na pintuan at nakita ko doon ang isang button na kulay itim. Bigla na lamang dahan dahang bumukas ang pintuang metal. Para itong isang sliding door nasa isang gawi lang umuusad.

Pumasok ako sa madilim na silid na iyon. Kusa na lamang nagsarado ang pintuan nang makapasok ako. Kapansin pansin ang mga ilaw na nakahilera sa gilid ng kisame. Napag-alaman kong sa isang daan ito papunta. Sinundan ko ang ilaw at kapansin pansing nasa isa akong madilim na hallway. Napapansin ko rin ang mga sapot ng gagamba sa gilid gilid.

Nang makalabas na ako ay isang madilim na silid muli ang bumungad saakin. Umagaw pansin saakin ang isang pabilog na ilaw na naka sentro sa itaas. Malakas ang ilaw nito na siyang umiilaw sa gitna ng madilim at malawak na silid na ito.

Nakarinig ako ng kakaibang ingay. Sinundan ko iyon at napunta na lamang ako sa harapan ng isang napakalaking pintuang gawa sa metal. Narinig ko ang iba't ibang tunog mula sa loob. Humanap ako ng ibang bagay na maaaring makapagbukas ng pintuan na ito.

Napansin ko ang isang kulay pulang button sa gilid. Pinindot ko iyon at bigla na lamang akong nakarinig ng isang kakaibang tunog na paulit ulit. Maya maya pa ay bumukas ang pintuang metal pataas. Tumaas ang kilay ko, namangha ako sa mga bagay bagay na narito. Pumasok ako at nagsarado muli ang pintuang metal.


Bumungad saakin ang mga iba't ibang kagamitan. Anim na kataong mga nakamask, nakasuot ng puting lab coat. Seryoso ang mga tingin nila na nakatingin saakin.

"Anong ginagawa ng isang katulad mo dito?" Seryosong tanong saakin ng isang matandang nakaupo sa wheelchair.

"Nandito ako para tulungan kayo."

Hindi parin maalis ang tingin nila saakin. Nailang ako kaya napaubo ako ng mahina. Inayos ko ang salamin na suot ko at umayos ng tayo. Inayos ko rin ang suot ko at lumapit sa may sulok ng silid nang makita ko ang nakasabit na lab coat at mask. Isinuot ko iyon at humarap sa kanila.


"Ako si Michael Sevilino. Isa akong scientist mula sa Lab Cueba." Seryoso kong saad sa kanila. Nagkatinginan sila na para bang nag-uusap sa tingin.

"Ako ang nagpadala sa kanya dito." Bigla na lamang lumapit saakin si Jona. "Humingi ako ng tulong sa kanya. Kasamahan ko siya noon bago ko pa man kayo makilala. Magtiwala kayo, isa siyang mahusay na scientist." Halata ang seryoso mula sa tono ng pagsasalita ni Jona.

Tumango tango naman silang lima saakin. Kapansin pansin ang katandaan ng babae na siyang may suot ring lab coat. Sinabi ni Jona na nagtake din siya ng eksperimento na ginawa nila. Pati narin ang matandang nakaupo sa wheelchair. Halata sa kilos at mukha nila na seryoso sila sa ginagawa nila, walang biro. Halata ding mataas din ang pag-iisip nila.

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon