Heaven's POV
Makalipas ang isang oras ay hinatid ako ni John sa bahay namin. Nagpasalamat ako sa kanya at nagpasensya na dahil sa istorbo. Hapon na nung makarating ako ng bahay at ang masasabi ko lang ay napakatahimik sa loob. Yung tipong wala kang maabutan na Delia sa sala at nagpipindot ng cellphone, wala si Tita Jona na lagi kong naaabutan sa kusina at wala rin si Tita Katrina at hindi ko alam kung nasaan sila.
Napahinga ako ng malalim at dumeretso sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig mula sa Ref at sinalin sa baso. Pagkatapos kasi nung umiyak ako sa sementeryo ay nakaramdam ako ng matinding uhaw kahit na kumain kami ni John ng tanghalian sa bahay nila.
Uminom ako ng tubig hanggang sa maubos iyon. Pero naramdaman ko parin ang uhaw ko kaya sumalin ulit ako at uminom.
Nang maayos na ako ay umakyat ako ng hagdan at dumeretso sa kwarto ko. Wala pa ako sa loob nang makarinig ako ng iyak.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto hanggang sa makita kong nakaupo siya sa sulok ng kwarto at umiiyak.
"Delia? Delia!" Sabi ko at nilapitan siya. Mas lalo siyang umiyak nang lumapit ako.
"P-please... tulungan mo ako, Heaven." Sabi niya at umangat ng tingin saakin. Hinawakan niya ang kamay ko na ikinagulat ko. "I need your hep! H-hindi ko na alam ang gagawin ko..." sabi niya kaya gulat akong napatingin sa kanya.
"A-anong k-kailangan mo?"
"Gusto ko nang matapos ang lahat ng yun! P-pero hindi parin nila ako t-tinigilan." Sabi niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko dahilan para mapangiwi ako.
"D-delia, hindi kita maintindihan." Sabi ko.
"G-gusto ni Don na gumawa ako ng paraan para p-pagalingin si M-moc..." sabi niya. "H-heaven, tulungan mo ako... guguluhin nila ang b-buhay ko." Pagmamakaawa niya.
"D-delia... ano ba talaga ang pinupunto mo dito?" Tanong ko.
Bigla siyang napangisi. "May alam akong paraan para matapos ang problema ko." Sabi niya hababg nakangisi.
"T-teka... ano---"
"Ang gamitin ang kakayahan mo..." sabi niya. Natigilan ako at binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Napaatras ako.
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo." Deretsong sabi ko.
Nawala ang ngisi niya at umiyak ulit. "N-nalaman ko lang naman na may kakayahan kang mag pagaling, Heaven... kaya humihingi ako sayo ng tulong." Sabi niya.
"K-kanino mo naman narinig yan?"
Tumigil siya at napatingin saakin. "Kay Tita Katrina." Sagot niya para matigilan ako.
Hindi ko alam ang gagawin ko.. hindi ko alam ang sasabihin ko.
"T-tama siya hindi ba?" Tanong niya at tumayo. Nagulat ako nang makitang dumudugo ang noo niya. Bakit hindi ko agad napansin yun?
"P-please... Heaven..."
Napapikit ako at napaupo sa kamang nasa likuran ko. Napahawak ako sa ulo ko. Anong gagawin ko?
Minulat ko ang mga mata ko at sinabi sa kanyang---
"S-sige..."
Nandito kami sa harap ng malaking Mansion. Talaga ngang mayaman ang sinasabi ni Delia na si Moc at Don.
Kahit anong mangyari, pinsan ko parin si Delia. Kailangan niya ng tulong ko kaya dapat ko parin siyang tulungan matapos ang lahat ng mga nangyari.
"Tayo na." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Bumukas ang gate at may dalawang bodyguard ang nakatayo sa gilid.
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...