Chapter 33

1.9K 68 4
                                    

Heaven's POV

Sabado ngayon at nandito lang ako sa kwarto at nagkukulong. Para kasing ayoko nang lumabas nang kwarto simula nung umalis nasi Uncle kahapon ng umaga. Si Delia naman ay nasa bahay ng kaklase niya at may Party. Hindi naman ako pwedeng sumama at wala rin naman akong balak sumama.

Tanging kami lang ni Tita Katrina ang nandito sa bahay. Nakakaramdam din ng Awkward samin ni Tita K. Dahil hindi naman namin alam kung papaano magsisimula ang usapan.

Napabangon agad ako mula sa pagkakahiga ko nang may kumatok ng tatlong beses sa pinto ng kwarto ko. Babangon na sana ako para buksan iyon nang bigla nalang may biglang nagbukas nun--- si Tita Katrina.

"Heaven!" Tawag niya. Napakamot ako sa ulo at nagtaka kasi nakangiti siya saakin. Pinunasan ko pa ang bibig ko dahil nakaidlip nga pala ako kanina at tulo laway pa.

"Bakit po?" Tanong ko. Lumapit siya saakin at hinawakan ako sa pulso ko at hinila ako papunta sa may bintana ng kwarto ko. Sumilip ako nang makitang nakatingin siya sa labas ng bintana. Nagulat ako nang may makita akong matandang lalaki na nakaupo sa wheelchair. Tapos sa likuran nung matanda ay may babae na sa tingin ko ay kasing edad ni Tita Katrina. May hawak siyang payong habang nasa labas ng gate namin at para bang may inaabangan.

"Hinahanap ka nila, Heaven. Humihingi sila ng tulong sa'yo." Sabi no Tita Katrina. Iniwas ko ang tingin sa matanda at tumingin kay Tita Katrina na hindi makapaniwala.

"P-po? H-hindi ko naman---"

"Alam nilang may kakayahan ka. Naaawa ako sa matanda nung makitang humihingi siya ng tulong sa'yo." Sabi ni Tita Katrina na ikinagulat ko. Papaano naman nila nalaman ang sikreto ko?

"Hindi ko nga po kayo maintindihan." Sabi ko at humakbang paatras kay Tita K.

"Hahayaan mo nalang ba silang mabilad sa araw kakahintay ng tulong mo?" Tanong ni Katrina at lumapit saakin pero umiling ako at humakbang paatras.

"Tita, pauwiin niyo na po sila. Hindi po ako lalabas dahil wala po akong dapat patunayan sa kanila." Sabi ko at napaupo sa kama. Gulat siyang napatingin saakin at lumapit saakin saka hinila ako patayo.

"Look, Heaven! Siguro dahil may kakayahan kang ganyan ay para makatulong sa ibang nangangailangan diba? Hindi naman porke naiiba ka ay dapat mong isikreto yan..."

"Yun na nga po Tita! Paano naman nila nalaman ang sikreto ko?!" Hindi ko maiwasang mainis. Nakita ko namang nagulat si Tita pero agad iyong napalitan ng ngiti.

"Diba may tinulungan kang bata? Siguro naman... sinabi niya?"

"Po? Nangako po siya na isesekreto niya yun at alam kong hindi siya ang nagsabi nun..."

"Papaano ka naman nakakasiguro?" Tanong ni Tita Katrina. Napayuko ako at umiling. "Hahayaan mo nalang ba sila diyan sa labas ng bahay at naghihintay ng tulong sa'yo?" Tanong niya. Napaangat ako ng tingin at napapikit. Kahit ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na gagamitin ang kakayahan ko ay gagamitin ko ngayon dahil may naghihintay ng tulong ko.


"Thank you! Thank you so much!" Sabi nung matandang lalaki na ngayon ay nagagawa nang makatayo habang nakaalalay naman sa kanya ang asawa niya. Isa palang foreigner ang matandang lalaki habang ang asawa naman niya ay isang Filipina.

"Welcome po." Sabi ko at ngumiti. Tuwang tuwa ang matanda nang makatayo siya. Napatingin ako sa asawa niya na si Lilian na nakaalalay sa kanya. Nakatingin ito kay Tita Katrina na para bang nag uusap at nagkaka intindihan sa mga tingin nila.

"We need to go home... thank you, Hija." Sabi nung babae na si Lilian na ngayon ay nakatingin saakin. "And you too, Trina." Sabi niya at napabaling ng tingin kay Tita Katrina. Saka teka... Trina?

Tumango si Tita Katrina at lumapit sa babaeng si Lilian. May inabot na papel si Lilian at mabilis itong binulsa ni Tita Katrina sa bulsa ng suot niyang Jacket.

Umalis na ang dalawa sakay ang itim na kotse na dala pala nila kanina. Napatingin ako kay Tita na nagtataka dahil napakalaki ng ngiti niya saka ko lang natandaan na...

"Tita, bakit po Trina ang tawag sayo?" Tanong ko.

Tumingin siya saakin at nginitian ako. "Katrina... to make it short 'Trina'" sabi niya kaya napatango tango ako.

"Eh yung papel po na binigay sainyo?" Tanong ko.

Nagulat siya at pinanliitan ako ng mata. "It's a letter, so don't worry little Angel..." sabi niya at tinap ang ulo ko. Pumasok na siya sa loob at naiwan akong nagtataka.

Bakit parang may kakaiba sa kilos ni Tita Katrina?

Napabuntong hininga ako at napaupo sa maliit na upuan na nasa gilid ng pintuan. Natandaan ko na dito pa kami nagusap ni Uncle nung gabing naguguluhan ako at tumambay sa labas.

Nakita kong naiwang nakabukas ang gate kaya tumayo ako at nilapitan iyon. Isasarado ko na sana nang may dumating na tricycle sa tapat namin at bumaba dun ang isang babae na kasing edad ko lang siguro at kasunod nitong bumaba ang isang lalaking muntikan pang matumba kaya tinulungan ko siyang alalayan.

"I-ikaw ba si Ms.Trina?" Tanong niya. Umiling naman ako at nagtaka.

"Siya ba ang sadya niyo dito?" Tanong ko. Tumango naman siya at tinuro ang lalaking inaalalayan namin. Napatingin ako sa paa niya. Yung kaliwang paa niya ay may mahabang hiwa pero ngayon ay naghihilom na.

"A-anong nangyari sa paa niya?" Gulat na tanong ko. Hindi siya sumagot at sinenyasan ako mamaya na siya magpapaliwanag. Natataka naman ako.

"Teka lang... anong kailangan niyo dito?" Tanong ko. "Kailangan namin ng tulong kay Ms. Trina..." sabi nung babae na ikinagulat ko.

"Ano namang maitutulong niya?" Tanong ko. Base sa boses ko ay nagdududa na ako.

"May nakapagsabi saamin na may makakatulong samin ng kuya ko..."

"P-pero... papaan---" napahinto ako nang lumabas sa gate si Tita Katrina.

"Sino yan?"

"Kayo po ba si Ms.Trina?" Tanong nung babae kay Tita. Tumango naman si Tita. "Ako po sa Lanie... nandito po kami para humingi ng tulong." Sabi niya.

Kinabahan naman ako nang mapatingin saakin si Tita. Huwag niyang sabihin na... gagawin ko na naman ang nangyari kanina?

Hindi... pero may kung ano saakin na gustong tumulong pero may part rin na sinasabi saaking lumayo ako.

Pero papaano?

END OF CHAPTER 33
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon