Chapter 11

3.3K 105 0
                                    

Heaven's POV

One week later...

Nag iba ang lahat

Nagbago ang lahat

Naninibago ako sa nangyayari simula nung pangyayari sa Hospital. Nagbago si Tita, nagbago yung turing niya saakin. Yung para bang isa akong kakaibang nilalang.

Lagi niya na akong tinititigan tapos minsan naniningkit pa ang nga mata niya. Mabait parin siya saakin pero hindi tulad ng dati.

Naging tahimik na siya ngayon at minsan napapansin ko ay binabantayan niya ang bawat kilot at galaw ko.

Hindi ko alam pero kinikilabutan at kinakabahan ako...

"Kamusta ang pag aaral mo?" Bungad saakin ni Tita nang makapasok ako sa loob ng bahay.

"Mano po." Sabi ko at nagmano sa kanya. "O-okay naman po..."

Tumango siya at umalis na sa harap ko. Dumeretso siya sa sofa at umupo nang naka dekwatro.

Dumeretso ako sa hagdan pero napatigil ako nang magsalita si Tita. "Pagbaba mo, maghanda ka."

Natigilan ako. "P-po? Bakit po?"

"Bakit ba ang dami mong tanong?!" Nagulat ako sa sigaw ni Tita. Nakakapanibago dahil ngayon niya lang ako nasigawan.

"P-pasensya na po..." sabi ko at nagmadaling umakyat ng hagdan. Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong nilock ang pinto.

Bakit kailangan kong maghanda?

____________

Idinilat ko ang mga mata ko. Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.

Nakarinig ako ng ingay mula sa baba. Parang may nag uusap.

Pero si Tita lang naman ang naiwan sa baba ah? Si Tita lang naman ang kasama ko ngayon?

Bumangon ako sa kama at binuksan ang pinto. Lumabas ako at sumilip sa ibaba kung sino.

Nakita ko si Tita na may kausap sa telepono. Tumatawa tawa siya habang may hawak na...

k-kutsilyo?

"Nandiyan kana pala, Heaven!" Nakangising sabi ni Tita at binaba ang telepono. "Bumaba kana dito, bilis."

Nag dadalawang isip man pero itinuloy ko parin ang pagbaba sa hagdan.

Umupo ako sa tabi ni Tita nang makarating ako sa sala. "Anong pakiramdam mo ngayon?" Malambing na tanong ni Tita.

"M-maayos naman po..." sabi ko at tumayo bigla. "B-bakit po kayo may hawak na kutsilyo?" Tanong ko.

Hinawakan niya ako sa pulso at hinatak ako paupo sa sofa. "Natandaan mo pa ba yung nangyari sa Hospital?"

Hindi ako sumagot.

"May kakayahan kang magpagaling?"

Yumuko ako at umiling. Nagulat ako nang hawakan ako sa baba ni Tita. Sobrang higpit ng hawak niya sa baba ko.

"Anong hindi?! Ako mismo ang nakakita at nakaramdam! Sinungaling na bata!" Galit na sigaw ni Tita.

"N-nasasaktan po ako..." Sabi ko at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya saakin.

Binitawan niya naman ako at nagpabuntong hininga.

"Panoorin mo ako." Utos niya.

Pinagmasdan niya ang kutsilyo at nagulat ako sa susunod na pangyayari--- Hiniwa niya ang braso niya.

Unti unting umagos ang dugo na ikinagulat ko.

"Ngayon... pagalingin mo ako, Heaven." Sabi niya. "Pagalingin mo ang sugat ko!" Sigaw niya.

Nanginginig ang kamay kong itinapat sa braso ni Tita. Pumikit ako--- pero nagulat ako nang itinulak ako ni Tita.

"Anong nangyari? Bakit hindi ito gumaling?!" Sigaw niya sabay turo sa sugat niya sa braso.

"T-tita..."

"Gawin mo ang ipinag uutos ko!" Sigaw niya. Tinapat ko muli ang kamay ko pero wala akong naramdamang init.

Pinilit kong ilabas ang init sa palad ko--- hanggang sa nakaramdam ako ng sakit ng ulo.

Napakasakit!

Unti unti akong nawalan ng malay... pero bago ako mawalan ng malay ay narinig ko si Tita.

"Magaling, Heaven."

END OF CHAPTER 11
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!


The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon