Delia's POV
Yeah, nabasa niyo. It's my Point of view! Hindi kay Heaven. Lagi nalang kay Heaven haist!Nandito ako sa kwarto ko--- namin ni Heaven, nakikihiram nga lang pala ako. Bakit nga pala ako makikihati kay Heaven kung pwede lang kay Mommy?
The answer is... I don't know. Hindi ko alam kung bakit mas pinili kong makihati kay Heaven. Hindi ko maitatangging maganda si Heaven. Makinis at maputi, mahaba ang straight nitong buhok na laging nakalugay kahit na hindi siya naglalagay ng kung ano mang kaechosan tulad ng ribbon, headband... hindi niya ba hilig iyon? Ni hindi nga siya nagsusuot ng hikaw at kwintas or kahit singsing. Tshirt and Pants lang ang laging suot.
In short walang ka-fashion fashion! Heaven is so mysterious! Mabait naman siya pero pagdating saakin ay maldita siya like what the... ako lang ang pwedeng magmaldita at hindi siya! Ako lang! Only Delia, only me!
Nung araw na may dumating na gwapong binata at pumunta kami sa malasquater area, yung pinasok namin ang isang masikip at maliit na bahay ay may mag asawang umiiyak. Nakakaawa lang... marunong naman akong maawa!
May isang batang babaeng may sakit at kaunti nalang ang natitirang araw at oras sa kanya--- doon na naging misteryoso saakin si Heaven. Maluha luha niya itong kinausap at pinaalis muna kami tapos paglabas niya at nakangiti siya pero malungkot ang mga mata niya tapos sasabihin niyang...
"Nakatulog po siya." Tapos tatanungin ko siya pero sasabihin niyang ayaw niya munang magsalita tapos...tapos dun sa lalaki kinausap niya! Ugh!
PURE AMERICAN ako, wala na akong balita sa Daddy ko. Dave Mendoza, yan ang pangalan ng Daddy ko. Oo, adopted child lang nila ako pagkatapos ng tatlong taon iniwan lang niya kami.
"Oh my god... Heaven." Sabi ni Tita Katrina habang pinapaypayan si Heaven na naka higa sa kama niya. Nakaupo lang naman ako sa katabi nitong kama. Bale magkatabi lang ang kama namin ni Heaven na binili ni Tito Edgar. Hindi naman ako papayag na magtabi kami sa iisang kama! No way!
"Ano bang nangyari?" Nag aalalang tanong ni Tito Edgar habang chinecheck si Heaven, oo nga pala isa nga pala siyang Doktor.
"H-hindi ko alam... pagkadating ko sa kusina ay nabitawan niya ang plato at natumba nalang siya." Paliwanag ni Tita Katrina.
"Dapat hindi ko nalang iniwan sa kusina si Heaven." Sabi ni Tito Edgar. Nasa dining room nga pala sila ni Mommy at naghahanda. Magkahiwalay kasi ang Kitchen at Dining room, malaki laki naman kasi ang bahay ni Uncle.
"Hindi mo yun kasalanan, Edgar." Sabi ni Mommy at nahuli ko pa itong palihim na umirap. Tsk, kay Mommy yata ako nagmana?
"Ano ba kasing nangyayari kay Heaven... ilang beses na siyang nahihimatay pero wala naman akong makuhang sagot." Sabi ni Tito Edgar at napatingin kay Heaven.
Tuloy parin sila sa pag usap habang ako ay nagfefacebook lang. Nakahiga at wala paring malay si Heaven.
Bakit nga ba? Ilang beses na ba siyang nahimatay? Isang Doktor si Tito Edgar pero wala siyang makuhang dahilan o sagot.
'Napaka misteryoso mo talagang babae ka.'
Heaven's POV
Unti unti kong idinilat ang mata ko. Malabo ang paningin ko kaya kinusot ko ang mata ko. Pagdilat ko ay maayos na.
Napabangon ako sa kama. Nakita kong naka upo si Uncle sa upuan na katabi ng kama ko at natutulog.
Si Tita Katrina na nakahiga sa kama ni Delia at natutulog. Napatingin ako sa babaeng naka upo at busy sa pagpindot ng cellphone.
Nakadekwatro ang upo sa upuan ng study table ko.
"Gising na pala si Sleeping Beauty." Sabi niya nang hindi tumitingin saakin.
"Anong nangyari?" Tanong ko.
"Nahimatay at nakatulog ka lang naman ng tatlong oras, mahal na prinsesa." Sagot niya at napatingin saakin.
"B-bakit nandito sila?" Tanong ko sabay turo kila Uncle at Tita Katrina.
"Ang dami mong tanong! Aba'y syempre hinintay ka nilang gumising. Paarte kapa eh." Sabi niya at tumayo saka lumabas ng kwarto ko.
Napakamaldita talaga! Tinatanong naman ng matino eh, tsk.
Napabuntong hininga ako. Ano nga ba talagang nangyari saakin? Ang tanging natandaan ko lang ay nakabasag ako ng pinggan.
Pero bakit? Bakit nararamdaman ko ang mga ito? Ano bang mali saakin?
Ito na ba ang tinatawag na pagsubok?
Pero bakit kailangan pa akong pahirapan ng ganito at guluhin sa mga nangyayaring hindi ko alam ang dahilan?
END OF CHAPTER 23
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...