Heaven's POV"T-tita Katrina..." sambit ko. Hindi ko talaga akalain na sinundan niya ako.
"Paano mo nagawa yun?" Tanong niya at lumapit saakin. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ang palad ko na animoy sinusuri ito.
"A-ang alin po ba?" Tanong ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong nahuli niya na ako. "Tinatanong pa ba yan? Kitang kita ko na kung papaano mo napagaling iyong batang nahulog sa puno!" Sabi ni Tita at pinanliitan ako ng mata.
"H-hindi ko po alam ang sinasabi niyo." Sabi ko at lumayo sa kanya. "Uuwi na po ako, baka hinahanap na ako ni Tita." Sabi ko at nagmadaling tumakbo pauwi.
Pagkadating ko sa bahay ay agad akong dumeretso sa kwarto at nilock ang pinto.
"Hey." Agad akong napahawak sa dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Delia. Nakalimutan ko na nasa iisang kwarto nga lang pala kami. Napaharap ako sa kanya. "Why did you lock the door, huh?" Taas kilay na tanong niya.
Hindi ko siya sinagot at umupo sa sarili kong kama. Napabuntong hininga ako at napahiga. "Huwag mo nalang kasi akong pansinin." Sabi ko at pumikit.
"You're weird. Sa kinikilos mo, para kang may tinakasan." Sabi niya na ikinagulat ko. "Base of your reaction, parang tama rin ang sinabi ko." Dugtong niya na ikinabangon ko sa kama.
"Nagiging matalino kana ah?"
Inirapan niya ako. "It's natural duh!" Sabi niya habang nagpipindot sa cellphone.
Hapunan na at magkakasabay kaming kumaing lahat. Panay ang kwentuhan ni Tita Katrina, Tita Jona at ni Uncle tungkol sa mga karanasan nila noong bata pa.
Napapansin kong napapasulyap saakin si Tita Katrina at napapatahimik, tila ba may malalim na iniisip. "Hey, Katrina. You okay?" Tanong ni Tita Jona sa kanya.
"Uh... yeah, I'm okay." Sagot niya at sumulyap pa ng isang beses saakin bago ipinagpatuloy ang pagkain.
"Hayy... Tita Katrina is acting weird." Rinig kong bulong ni Delia na nasa tabi ko lamang. Napansin niya pa yun?
"You too." Gulat akong napatingin kay Delia. "A-ako?" Tanong ko. Umikot lang ang mata niya at uminom ng tubig.
"Obvious ba?" Sarcastic na tanong niya at tumayo. "Excuse me." Sabi niya nang mapatingin sila Uncle sa kanya. Umalis siya dala dala ang pinggan na ginamit at dumeretso sa kusina.
For sure huhugasan niya yung pinagkainan niya at aalis na pagkatapos ay dederetso ng sala o kaya sa kwarto. Ganyan naman siya palagi eh.
"Oh Heaven? Bakit tulala ka na naman?" Gulat akong napatingin kay Uncle nang banggitin niya ang pangalan ko.
"P-po? Inaantok po kasi ako, Uncle." Sabi ko at kunwari humikab.
"Ako na ang bahala sa hugasin." Nakangiting sabi ni Tita Jona kahit sa totoo lang ay ito ang unang beses na nagpresinta siya.
"Tutulong ako." Ngiting ngiti na sabi ni Tita Katrina at napatingin pa saakin.
Natapos na kaming kumain ay pinatulog na nila ako para daw makapag pahinga naman daw ako.
Pumunta ako sa labas at tumambay para magpahangin. Kinakabahan ako nang malaman ni Tita Katrina ang kakayahan ko. Para tuloy akong iniipit sa sitwasyon na'to.
Madami na ang nakakaalam...
Magugulo na ang lahat...
"Heaven..." Napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko si Uncle.
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...