Chapter 21

2.3K 83 0
                                    

Heaven's POV

 
Makalipas ang ilang araw ay itinutok ko na lamang ang sarili ko sa pag aaral. Madalas pagkauwi ko sa bahay ay susungitan at tatarayan lamang ako ng aking Tita at ni Delia na puro cellphone lagi ang inaatupag.

Madalas ay madaling araw na nakakauwi si Uncle at pagod sa tarabaho. At nakalipas narin ang maraming araw ay wala parin akong balita kay Annie.

Malulusog na rin ang eyebags ko dahil napupuyat ako sa kakaaral ng lessons namin. Lalo na ang nakakapuyat na projects namin.

"Tulala ka na naman?" Napatingin ako kay Miko na punong puno ang bibig dahil sa kinakain nitong King Burger.

"Wag mo na nga lang akong pansinin." Sabi ko at humigop ng orange juice.

"Eh paano kasi kanina pa ako kwento ng kwento wala namang nakikinig." Sabi niya.

"Kung ano ano lang naman ang kwinekwento mo. Paulit ulit! Hindi ka ba nagsasawa sa kakakwento mo tungkol sa mga Drama na napapanuod mo?"

"Yahh! Iba iba naman ang kinekwento ko!" Sabi niya at ngumuso. Pa cute, eh hindi naman cute. Hindi ko man sabihin pero may hitsura din tong lalaking 'to.

"Hay! Nakakainis si Sir Alfaro, lagi nalang may pinapagawa kaya napupuyat ako eh." Reklamo niya.

"Talaga ba? Napupuyat ka ba talaga sa pinapagawa ni Sir?"

"O-oo! Yung Project natin, hay!"

"Huh?" Takang tanong ko at umiling. "Nevermind!" Sabi ko at uminom ng orange juice.

Panay ang kwento ni Miko pero palagi lang akong tumatango sa kaniya kapag nagtatanong siya.

Kahit hindi ko man sinabing maging malapit saakin si Miko ay siya ang kumukusa nito hanggang sa maging kaibigan na ang turing saakin. Naging malapit kami sa isa't isa at--- itinuring ko na rin siyang kaibigan.

Hindi ko alam pero si Miko lang ang kasundo ko ngayon sa kolehiyo imbis na kapwa ko babae.

Natapos na ang Break time at balik kami sa klase. Minsan ko naring nahuhuling natutulog si Miko kaya lagi siyang sinesermonan ng mga guro.

Uwian na. Dumeretso ako sa bahay at naabutan ko si Delia na nagwawalis ng sala. Taka akong tumingin sa kanya.

"Anong tinitingin tingin mo diyan?" Mataray na tanong niya.

"Ha? Wala..." sabi ko. Ngayon ko lang siya nakitang nagwalis dito sa bahay kaya nagulat ako nang makita ko siya.

Dumeretso ako sa kusina at naabutan ko si Tita na nagluluto. Himala din ata? Dahil ang aga magluto ni Tita Jona. Nang mapansin niya ako ay tinaasan niya ako ng kilay. Lumapit ako sa kanya at ngamano.

"Tita, ano pong meron?" Tanong ko.

"Anong meron ka diyan?"

"Ay? Wala po..." sabi ko at nagmadaling umakyat ng hagdan at dumeretso sa kwarto.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay bumaba agad ako at tinulungan si Delia. Pero imbis na magtulungan kami ay pinasa niya saakin ang gawain niya.

"Yes Tita? Wait--- what? Oh my gosh! When?" Napatingin ako kay Delia na may kausap sa cellphone at ngiting ngiti. "Mommy! Wait! Mommy Jona!" Sigaw niya at tumakbo papunta sa kusina.

'Bakit kaya?'

Hindi ko na lamang iyon pinansin at itinuloy ang pagwawalis sa sala. Nilinis ko ang buong sala habang nag uusap pa sila Tita at Delia sa kusina.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Uncle kay Tita Jona. Nasa hapagkainan na kami dahil hapunan na. Kanina pa ako nagugutom kaya pagkatapos magdasal ay agad akong kumuha ng pagkain.

"Talagang talaga! Kilala mo pa si Katrina?" Tanong ni Tita kay Uncle. Nagisip naman si Uncle at tumango.

"Oo, pero anim na taong gulang palang ako nang huli kong makita si Katrina."

"Ah oo nga pala..." sabi ni Tita at tumango. "Pupunta siya dito!" Tuwang tuwa na sabi niya.

"Kailan ba?"

"Hindi ko pa alam eh pero tumawag siya kanina at sinabing dito muna siya pansamantala at magbabakasyon dito." Ngiting ngiti na sabi ni Tita.

"Sino pong Katrina?" Hindi ko maiwasang mapatanong dahil kanina pa nila binabanggit ang pangalan na iyon. Pero sino nga ba siya?

"Ugh! Can you please shut your mouth muna Heaven? Nakiki sali karin sa usapan ng matatanda eh." Sabi ni Delia na katabi ko lamang at umirap pa pagkatapos sabihin iyon.

"S-sorry..." sabi ko.

"Si Katrina C. Rivera ay pinsan namin ng Tita Jona mo, Heaven." Sagot ni Uncle na ikinagulat ko.

"P-pinsan?"

"Narinig na nga, pinapaulit pa tsk!" Rinig kong bulong ni Delia. Hindi ko na lamang siya pinansin at tumingin kay Uncle.

"Oo at dito muna siya pansamantala para magbakasyon. Makikilala mo rin siya, mabait naman ang babaeng iyon." Sabi ni Tita saakin at uminom ng tubig.

Natuwa naman ako bigla dahil may makikilala akong kamag anak nila Uncle. Ano kayang hitsura niya? Edad? Mabait naman daw siya sabi nila Tita pero bakit--- bakit parang kinakabahan ako?

END OF CHAPTER 21
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon