Chapter 30

2.2K 82 8
                                    

Heaven's POV

"ANO?!" Gulat na sigaw ko. Napansin kong napatingin saakin ang iba pang costumers pero si Maria ang humingi ng paumanhin sa kanila.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Kumirot ang puso ko nang marinig kong nasa Hospital ngayon si Miko at naComma.

"Shhh... Heaven." Sabi ni Maria at sinenyasan akong hinaan ang boses ko. "Alam kong nakakagulat, maging ako ay ganyan din ang reaksyon ko." Sabi niya at sumubo ng cake na nakatusok sa tinidor.

"P-pasensya na..." sabi ko. "Saang Hospital dinala si Miko? Gusto ko siyang puntahan." Sabi ko at hinawakan ang isang kamay niya.

"P-pero... kasi ano..."

"Please, Maria! Nagmamakaawa ako. Nag aalala ako kay Miko, please." Pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi naman siya makatingin saakin.

"Osige, sasabihin ko kung nasaan pero huwag muna tayong sumubok na pumunta doon."

"Pero bakit? Kaibigan ko si Miko---" Napahinto ako nang magsalita siya.

"Sikreto lang kasi ang nangyari kay Miko, maging ako ay pinilit si Eya dahil gusto kong malaman kung bakit siya umiiyak, tulala at wala sa sarili. Hindi niya napigilang sabihin saakin at ganoon din ang ginawa ko. Hindi ko mapigilang sabihin sayo dahil nakikita mismo ng dalawang mga mata ko at alam kong malapit at magkaibigan kayong dalawa ni Miko." Mahabang sabi niya at napatingin saakin. "Huwag kang mag alala. Hahanap ako ng paraan para makita mo siya." Dugtong niya at nginitian ako ng pilit.

"Salamat." Sabi ko at napatingin sa gilid ko na isang malaking wall glass. Unti unti ay nagkaroon ng ambon hanggang sa umulan ito ng malakas.


Tumila na ang ulan at naglalakad ako papunta sa bahay namin. Isang kanto nalang at mararating ko na ang bahay ni Uncle. Madilim dilim narin dahil maggagabi na at kakaulan palang. 6:30 pm na oras yung huli kong nakita sa Cellphone ko.

Tahimik ang labas at mga bahay. Medyo maaga pa naman pero bakit parang masyadong tahimik sa street na ito?

Iilan lang na tao ang nakakasalubong ko. Hanggang sa makaliko na ako sa street namin. Lalong tumahimik at lumamig. Naramdaman kong parang may sumusunod saakin. Kinabahan ako kaya nagmadali akong naglakad.

Hanggang sa may naramdaman akong humawak sa braso ko at hinila ako papunta sa makipot at masikip na daan. Nagulat pa ako ng mapansing nakalagay ang kamay ng taong humila saakin sa may bibig ko.

Saka ko lang napansin na nakasiksik kami sa dalawang magkaharap na pader ng dalawang magkatabi na malalaking tindahan na ngayon ay nakasarado na.

Sobrang lapit ng lalaki na nasa likuran ko para siyang nakayakap saakin habang nakatakip sa bibig ko ang kamay niya.

"Shhh..." Bulong niya. Nagulat ako na tinuro niya saakin ang nasa kabila namin. Napalingon ako at nagulat ako nang makita ang isang lalaki na nakaitim ang lahat ng damit na suot nito. Nakasuot pa siya ng itim na mask at sumbrero. Nagpalinga linga siya na para bang may hinahanap.

Hanggang sa may pumasok sa isip ko. Na sinusundan ako ng lalaking iyon.

Nang tumakbo na ang lalaki at makalipas ang ilang minuto ay binitawan na ako ng lalaking humila saakin. Nang makalabas na kami sa makipot na daan nayun ay mabilis ko siyang sinipa sa binti.

"A-aray!" Napadaing siya sakit habang nakahawak sa binti niya. Saka ko lang narealize na siya pala si...

"John?!" Gulat kong sabi. Nakangiwi siya pero pinilit niya paring ngumiti saakin.

"Hi!" Sabi niya at umayos na ng tayo. "Bakit mo ko hinila?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba napapansin?" Tanong niya. Napakunot nalang ako ng noo. "May taong sumusunod sa'yo. Sakto namang nakasunod din ako sayo nang mapadaan ka sa kabilang street." Sabi niya.

"M-may sumusunod saakin?"

"Hindi mo alam?" Tanong niya at napatango tango.

"H-hindi... bakit ako sinusundan?" Kinakabahan kong tanong.

"Yun na nga, bakit ka sinusundan?" Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.

"Eh bakit mo rin ba ako sinundan?!" Inis kong tanong sa kanya at napatawa naman siya.

"Buti nga sinundan kita kung hindi nagawa na nun yung masamang balak niya sa'yo." Sabi niya at nagulat ako nang kuhanin niya ang bag na nakasukbit sa balikat ko.

"Teka! Teka! Ano ba, John---" Napahinto ako nang sinukbit niya ang bag sa balikat niya at naunang naglakad saakin. Nagtataka man pero sinundan ko siya.

"Sasamahan kita, sumunod ka saakin." Sabi niya. Nagulat pa ako nang pumunta siya sa may gilid ng poste at mas nagulat ako nang pag labas niya ay nakasakay na siya sa motor niya. "Sumakay kana, iikot tayo." Sabi niya. Sumakay nalang ako at sinimulan niya nang paandarin ang motor at dumaan sa ibang daan. "Kuhanin mo ang sumbrero ko, suotin mo para hindi ka makilala." Sabi niya. Kinuha ko ang sumbrero na suot niya at sinuot yun sa ulo ko.

Nagulat ako nang may madaanan kaming itim na Van. Yumuko nalang ako hanggang sa makalipas ang ilang minuto at huminto ang motor ni John.

"Baba." Utos niya. Bumaba naman ako nang nakasimangot. Binigay niya saakin ang bag ko. Magpapasalamat sana ako pero mabilis niyang pinaandar paalis ang motor niya.

Nagpalinga linga naman ako pero walang tao kaya pumasok nalang ako sa loob ng bahay. Pagkapasok ko ay naabutan ko si Tita Jona at Tita Katrina na nag tatawanan sa kusina. Umakyat nalang ako ng hagdan at napadaan ako sa kwarto ni Uncle. Sinilip ko siya at naabutan ko siyang tulog sa kama habang may hawak pang papel na puro sulat.

Pumunta naman ako sa kwarto ko at nagulat ako nang binuksan ko ang pinto ay nakita ko si Delia na nakalagay ang cellphone sa tenga at nakasilip sa bintana.

"D-delia." Tawag ko. Gulat siyang napatingin saakin. Kitang kita ko ang takot at lungkot sa mukha niya kaya mabilis kong sinarado ang pinto at lumapit sa kanya.

Sinenyasan niya akong tumahimik kaya tumahimik nalang ako. Maya maya pa ay nakita kong tumulo ang luha niya kasabay nun ay ang pagbaba niya ng cellphone.

"Delia, bakit?" Tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palayo sa may bintana.

"H-heaven..." sambit niya sa pangalan ko.

"Bakit?"

"Pinasundan ka ni Moc sa mga tauhan niya. Kanina lang ay sinabi niyang mag ingat ka... tayong dalawa. Nawala ka daw bigla ng sundan ka ng isa sa mga tauhan niya." Sabi niya at bakas ang takot sa mukha niya.

"At..." Huminto siya. "Pwede nilang idamay ang taong naghatid sayo dito kanina." Nagulat ako sa sinabi niya.

"S-si John?" Tanong ko. Nakaramdam din ako ng takot at pangamba.

Tumango tango si Delia kaya biglang bumigat ang loob ko. May nadamay na sa ginawa naming gulo ni Delia.

'Bakit ba pakiramdam ko... unti unti kaming pinaglalaruan ng tadhana?'

END OF CHAPTER 30
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!

The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon