Chapter 12

3.3K 113 2
                                    

Heaven's POV

 
Naramdaman kong may nakatingin saakin. Agad kong idinilat ang mga mata ko.

Nagulat ako nang makita ang nakangiting si Tita na nakatayo sa gilid ko at kumakain ng mansanas.

Atsaka ko lang nalaman na naka higa pala ako sa Sofa. Bumangon ako at takot na tumingin kay Tita.

Agad akong naglakad palayo pero napatigil ako nang marinig kong nagsalita si Tita.

"Tsk, Faith's daughter." Narinig kong sabi ni Tita. Lumingon ako sa kanya. Nakangisi siya habang hawak hawak ang mansanas.

"Magaling ka, napagaling mo ang sugat na ginawa ko." Sabi niya. "Huwag na huwag mong ikwekwento ang nangyari kay Edgar, naiintindihan mo ba?"

Hindi ako nakasagot. Si Uncle ang tinutukoy niya. Tiningnan ko lang siya na ikinataas ng kilay niya.

"Hindi ko naiintindihan." Matigas na sagot ko na ikiagulat niya.

"Papaano ko maiintindihan kung iyong kadugo ko pa ang nagmalupit at pwinersa ako?" Nanghihinayang kong sagot.

"Bastos na bata..." Sabi niya at umiiling iling pa. "Sinusubukan lang naman kita, Heaven. May mali ba doon?"

"Ano po bang isinubok niyo doon saakin? Ang panoorin ko po kayong saktan ang sarili niyo? At uutusan akong pagalingin ko po kayo?" Hindi ko maiwasang maging sarkastiko. Masyado akong kinabahan sa nangyari, para akong na trauma kay Tita. Feeling ko ay dapat ko siyang katakutan.

"Tumigil ka!" Utos niya at galit na tumayo. "Dapat kasama mo na ang Nanay mo sa kung saan man siya!" Sigaw ni Tita na ikinagulat ko.

"Huwag niyo pong idadamay dito ang Nanay ko, Tita!" Sigaw ko. "Tita, hindi ko po kayo maintindihan!"

"Pwes, intindihin mo!" Sigaw niya. "Huwag mong tangkain na isumbong ako kay Edgar kundi baka sarili mo na ang pagagalingin mo!"

Hindi ko maintindihan si Tita. Matatalim na salita ang ibinibigay niya saakin. Nasasaktan akong marinig ko iyon. May halong takot...

Naluluha akong lumabas ng bahay. Lakad lang ako ng lakad sa kalsada at hindi lumiligon sa bahay namin.

Hanggang sa makarating ako sa isang parke. Naglakad ako patungo sa may swing at umiyak.

"Heaven Carlos?" Gulat akong napatingin sa tumawag saakin.

"Ako nga pala si John, yung sa Hospital." Sabi niya sabay abot ng kamay niya.

Tiningnan ko lang siya. Umupo siya sa katabi kong swing. "Ice cream?" Alok niya. Agad ko namang kinuha ang hawak niyang ice cream na naka popsicle stick.

"Salamat..." sabi ko at tinikman iyon. "Heaven nga pala."

"May problema kaba?"

Hindi ako sumagot. "Wala kana dun." Tanging sabi ko lang.

"Hmm, okay." Sabi niya. "Pumunta ka ng Park ng naka panjama at tshirt ka?"

Gulat akong napatingin sa suot ko. Spongebob na Panjama tapos Patrick the star ang t shirt.

"Cute!" Sabi niya.

"Hehehe..." sabi ko at namula sa hiya. Hindi ko napansin ang suot ko.

"Ayun! Ngumiti na siya!" Sabi niya. Nawala tuloy ang ngiti ko at inubos ang ice cream.

"Smile ka naman diyan!" Sabi niya.

"Anong Duck ang bansot?"

"Ano?"

"Edi Panduck!" Sabi niya at humagalakpak ng tawa. "Hahahahahahahaha!"

Huminto siya nang mapansing tahimik lang ako.

"Ay? Corny, hehehe." Sabi niya at tumahimik.

Doon na ako napatawa ng mahina kung papaano ko makitang namumula siya sa hiya.

Biglang gumaan ang pakiramdam ko ng maka usap ko siya at makakain ng Ice cream.

"Thank you, John." Nakangiti kong sambit.

  
 
END OF CHAPTER 12
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!


The Healer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon