Healer's POV
Maaga kaming nagising ni Delia dahil inutusan kami ni Uncle na mamalengke. Sa una, gustong gusto na sumama ni Delia dahil hindi pa daw siya nakakapunta sa palengke. Ni hindi pa nga daw siya nakakasakay ng Jeep.'Rich kid'
"Are you sure baby?" Tanong ni Tita kay Delia.
"Yeah, i'm sure. I just want to try it, Mommy."
"Okay..." Mukhang ayaw talaga ni Tita na sumama si Delia saakin at pumunta ng palengke. Hindi ko rin alam kung bakit gustong gustong masubukan ito ni Delia lalo pa't anak mayaman ito.
"Bantayan mo ang anak ko, Heaven!" Matigas na bilin ni Tita. Tumango lamang ako. "Kung pwede lang sana akong sumama pero kailangan kong umalis."
"Don't worry, Mommy." Sabi ni Delia. "Okay! Aalis na kami ni Heaven, bye!" Sabi niya at naunang naglakad palabas ng bahay.
Nagpaalam narin ako kila Tita at Uncle. Pagkalabas ko ay naabutan kong balot na balot si Delia sa suot nito na halata namang ayaw niya at naiirita siya.
"Ugh! Bakit pa kasi kailangan balot na balot ako eh?!" Inis na sabi niya at tumutok muli sa cellphone niya at nagpipindot.
"Aalis na tayo."
"Anong sasakyan natin?"
"Jeep."
"What?!" Sigaw niya. Gulat akong napatingin sa kanya. May halong gulat at excitement ang mukha niya. Ewan ko pero para siyang hindi tao.
Saktong dumaan ang Jeep at pumara naman ako. Sumunod lang saakin si Delia. Pagkapasok palang namin ay puno na ang jeep. Saktong dalawang tao nalang ang pwedeng maka upo. Umupo ako sa isang bakante at dahan dahan namang umupo si Delia sa tabi ko na para bang naiilang.
"Heaven, ang sikip! Umusad ka nga." Bulong niya. "Kaya nga masikip dahil wala nang mauusudan. Umupo ka nalang diyan at manahimik." Sabi ko.
"Inuutusan mo ba ako?"
"Wala ka sa lugar para mag inarte." Sabi ko at kitang kita ko kung papaano niya ako irapan.
"Everyone is looking at me!" Naiinis na bulong niya saakin. "Heaven, what's wrong? May dumi ba or something sa mukha ko? Please answer me!"
"Baka naninibago lang sila sayo." Sabi ko at napatingin sa mga tao na nakatingin nga kay Delia. "Tumingin ka sa paligid mo. Ikaw lang ang naiiba sa ating lahat. Para kang isang naliligaw na foreigner."
"Duh? Ako lang kaya ang pretty dito. Kaya siguro napapatingin sila pero nakakainis lang." Bulong niya.
Nagsimula na akong magbayad at nanahimik muli habang si Delia ay mukhang naiirita dahil may iba parin talagang nakatingin sa kanya. Natatawa lang ako dahil iba ang reaksyon niya, parang may something na pinipigilan niya.
"Para po!" Sabi ko na ikinahinto ng Jeep. Kinalabit ko si Delia at sinenyasan na sumunod saakin. Nang makababa na kami ay saka napabuntong hininga si Delia.
"Dukutin ko mga mata nila eh!" Sigaw niya. "Nandito na ba tayo?"
"Oo." Sabi ko. "Sumunod ka lang saakin, huwag kang mag inarte sa loob okay?"
Inirapan niya lang ako kaya nagsimula na kaming maglibot sa loob ng palengke. May pagkakataon na kumakapit si Delia saakin.
Huminto ako sa nagtitinda ng bangus. "Lea's Bangus" Suki kami ni Tito dito.
"Heaven! Mabuti't naman ay namalengke ka ulit. Nasaan ang Uncle Egdar mo? Dali! Fresh pa ang bangus namin dito." Masayang sabi ni Ate Lea.
Lumapit ako at pumili ng bangus habang nagkwekwentuhan kay Ate Lea. "Ganun ba? Sino iyang kasama mong magandang dalaga?"
"Delia." Singit ni Delia.
"Si Delia po, P-pinsan ko."
"Kay gandang bata!" Sabi niya at ibinigay na saakin ang bangus na binili namin. Binigay ko sa kanya ang bayad at naglakad ulit.
"Eww! Bakit ganun nalang nila tanggalin ang eww something sa loob ng isda? Yuck!"
"Manahimik ka muna diyan. May makarinig sayo diyan eh." Sabi ko.
"Duh, look."sabi niya sabay turo sa pwesto ng mga nagkakatay ng baboy at baka. "Hindi ba sila nandidiri sa dugo ng kinakatay nila? Kung papaano nila chop chopin---"
"Ganoon naman magkatay, Delia." Sabi ko at huminto sa tapat ng nagtitinda ng gulay. "Kumuha ka ng talong." Sabi ko.
Tumango siya at kumuha ng talong habang ako ay pumipili ng sayote at kamatis.
"Aaahhhh!" Sigaw niya at nagtago sa likod ko. "Heaven! May worm! May worm dun sa eggplant! Heaven!"
Para siyang naiiyak habang nakakapikit sa damit ko. Sinaway ko siya pero hindi parin siya makapag move on sa talong na yun.
"Anong nangyayari dito?' Tanong ng tindera.
"Wala po. Bibilhin ko po tong sayote at kamatis saka---- talong po." Sabi ko at ibinigay sa kanya.
Natapos na kami sa pamamalengke at kumain ng Buko Juice at Bananacue. Todo parin siya sa pandidiri na ikinailing iling ko.
Nakauwi na kami sa bahay at agad na dumeretso sa banyo si Delia. Nag alala namang lumapit si Uncle at nagtanong. Kwinento ko ang nangyari at hindi niya mapigilang matawa.
"Hashtag... FTFT!" Narinig naming sabi ni Delia habang bumaba ng hagdan.
"FTFT?" Tanong ko.
"For the first time!" Sagot niya at dumeretso sa kusina. Bumalik siyang kumakain ng Dairy Milk na tsokolate.
"Aalis na ako." Paalam ni Uncle. Nang makaalis na si Uncle ay dumeretso ako sa sala kasama si Delia na busy parin sa pagkain ng Dairy Milk.
"You want this?" Tanong niya sabay pakita ng Chocolate. Tumango agad ako dahil kumalam ang tiyan ko.
"Edi kumuha ka." Sabi niya at itinaas ang cellphone niya.
"Ugh! Bakit nawalan ng signal? Mapipilitan tuloy akong mag data." Sabi niya at inis na tumayo at iniwan ang isang dairymilk na hindi pa nakakain.
Inis siyang umakyat ng hagdan habang ako ay nakatitig sa chocolate. Akmang kukuhanin ko na iyon nang dumating bigla si Delia sa sala.
"Nakalimutan ko." Sabi niya sabay dampot ng chocolate at umalis.
Inis naman akong humiga sa sofa at pinilit nalang matulog. Well, maiiwan lang naman akong kasama si Delia kaya mas gugustuhin ko nalang na matulog.
Ipinikit ko ang mata ko pero nagulat ako nang makaramdam ng sakit sa kanang paa.
Bigla itong namanhid at hindi ko ito maigalaw. Idinilat ko ang mata ko at sinubukang iangat ito pero nanatili itong nanigas at namanhid.
END OF CHAPTER 16
Thanks for reading!
Vote and Comment!
Godbless us!
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...