MAAGANG natapos ang klase namin kung kaya't mabilis akong nagligpit ng gamit ko. Hindi ko muna pinansin sina Anna dahil ang dami dami pang gumugulo sa isip ko. Pakiramdam ko nga ay marami pa akong mga bagay na hindi ko alam. Gusto ko sanang magtanong kay Tita Jona kaso baka magalit lang siya saakin.
Everything was mysterious...
"Hey." May humawak bigla sa balikat ko kung kaya't mabilis akong lumingon kung sino ito, dahil narin sa gulat. "Chill, Carlos. Ang lalim ng iniisip natin ah?" Si Anna pala.
"Ah wala 'to." Ngumiti ako. "Sige na guys, aalis na ako. May kailangan pa akong dapat gawin ngayon." Habang sinasabi ko iyon ay abala ako sa pagligpit ng gamit ko.
"Okay." Lumayo na si Anna. "Mauna na kami nila Kira. May pupuntahan pa kami eh. Sige, Heaven. See 'ya tomo." Saktong kakadating lang nila Kira at mabilis naman silang naglakad paalis habang nagtatawanan.
Sinukbit ko na ang bag ko at lumabas narin ng classroom. Pagkalabas ko sa gate ay agad akong nakakita ng nakahintong Jeep kung kaya't sumakay na ako doon. Napansin kong may mga kasama din akong kapwa ko estudyante. Mga ka-schoolmates ko. Nakatingin saakin ang iba habang yung iba naman ay busy sa Phone nila at pakikipagdaldalan sa katabi.
"Manong, sa Yellow Street ho." Sabi ko at iniabot ang bayad. Napansin kong nakatingin parin saakin ang isa kong ka schoolmate nasa tingin ko ay nasa second year high school palang.
"Taga-Yellow street ka ate?" Tanong niya. Magkaharap lang kami kung kaya't hindi na ako nahirapan pang lumingon sa kanya.
"Hindi, may pupuntahan lang." Nginitian ko na lamang siya. Tumango tango naman ay at inilabas ang phone niyang dipindot lang.
Ibinaling ko nalang ang tingin sa labas. Familiar na ako sa lugar na'to, kabisado ko na rin ang daan papunta sa liblib na lugar kung saan nakatira kami ni Tita Jona. At kung saan ang daan pauwi at papunta sa may Volaue.
"Para ho!" Pumara na ako nang mapansin ko ang isang signa na kulay dikaw at ang mga hile-hilerang bahay. Bumaba na ako pero nagtaka ako nang mapansin kong kasabay kong bumaba ang batang kausap ko kanina. Morena siya at hindi katangkaran. Bagay sa kanya ang mahaba niyang buhok na nakalugay.
"Kaklase mo po si Ate Anna hindi po ba?" Nagulat ako nang kausapin niya ako. Tumango ako. "Ako nga pala ang step sister niya. My name is Joy!" Pagpapakilala niya.
"Heaven." Sabi ko na lamang. Napatingin ako sa relo ko at napansin kong kailangan ko nang puntahan ang matanda hangga't maliwanag pa.
"Bagay sayo ate." Ngumiti siya. "Uuwi na po ako. Baka nakauwi na si Ate Anna sa bahay..." Hindi ba't umalis si Anna kasama si Kira?
"Teka anong meron?" Hindi ko maiwasang hindi magtanong sa kanya. "Birthday niya po ngayon, Ate." Nabigla ako sa sagot niya. Kaarawan niya pala ngayon pero hindi ko siya pinansin man lang kanina.
Nagpaalam na si Joy at mabilis na tumakbo pauwi sa bahay nila. Umiling iling ako at nagsimula na ring maglakad. Lakad lang ako ng lakad at hindi lumilingon sa iba. Kailangan ko kasing makausap ang matanda hangga't maaga pa.
***
NAKATAYO na ako sa harap ng bahay ng matanda. Nakakapagtaka lang dahil wala bang benteng minuto akong naglakad samantalang naka thirty minutes naman kami noon ni Anna. Hay, siguro tumagal lang dahil sa kadadaldal niya ng mga oras na iyon."Tao po!" Kumatok ako sa kahoy nitong pintuan pero walang sumagot. Wala rin akong naririnig na tunog mula sa loob. Wala ring apoy na nagliliyab sa harapan ng bahay nito dahil na rin sa maaga pa. Kumatok katok ako ng ilang beses pero wala paring sumagot o bumukas man lang ng pinto kaya napagpasyahan ko nalang na umupo nalang sa isang lumang bangko na nasa tabi ko lang.
Lumipas ang dalawampu't minuto wala parin. Panay ako sulyap sa relo ko at sa kalangitan. Kailangan ko talaga siyang makausap. "Tao po! May tao po ba diyan?!" Nilakasan ko na ang boses ko pero wala paring sumasagot.
Napagdesisyunan ko nalang na umuwi dahil padilim na ang paligid. Tumayo ako at tatalikod na sana nang may narinig akong boses mula sa likuran ko.
"Anong kailangan mo?" Bigla nalang nagsitaasan ang mga balahibo ko pero nagawa ko paring mapangiti dahil nandito na ang matanda. Mabilis akong lumingon at nakita ko ang matanda na lumapit sa mga kahoy upang magsindi ng apoy. Nakagawa naman agad ito ng apoy at napatingin sa akin.
"K-kayo po ba si Lenora?" Tanong ko. Tumango naman siya. "Alam kong kanina mo pa ako hinihintay. Importante ba ang sasabihin mo bata?" Tanong niya saakin.
"Importante po." Tumango naman siya at sinenyasan akong sumunod sa kanya sa loob ng maliit niyang bahay kubo. Pumasok nalang ako sa loob at dilim agad ang bumungad saakin. Nagulat ako nang biglang nagkaliwanag, paglingon ko ay ang matanda pala iyon at may hawak na lampara.
"Kayo lang po ba ang mag-isang tumitira dito?" Tanong ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa matanda dahil abala ito sa kakalikot ng kung anu-ano. Nilibot ko ang tingin ko at napag-alaman ko ngang isa itong maliit na kubo na kakaunti lang ang kagamitan. Sa katunayan nga ay mukhang ito ang kusina niya. Napansin ko rin ang makapal na tela na nakalatag sa lapag.
"Maupo ka." Sabi ng matanda pero nanatili siyang nakatalikod at para bang may hinahanap. Umupo nalang ako sa may lapag kung saan ay nasasapanin ito ng makapal na tela. "Sabihin mo ngayon saakin kung ano ang kailangan mo." Sa wakas at humarap na ang matanda at seryoso akong tiningnan mata sa mata.
"Bakit hindi ko po kayo pwedeng makilala?" Direktahan kong tanong sa kanya na ikinakunot ng noo ko.
"Sino ka ba?" Bakas ang pagtataka sa boses ng matanda. "Ako po si Heaven Carlos. Anak ni Mond at Faith." Pagpapakilala ko. Tumango naman siya at seryoso akong tiningnan.
"Sino ka po ba at ano po bang koneksyon niyo sa mga nangyayari saakin ngayon? Lola, may alam po ba kayo tungkol sa nangyayari saakin? Ilang taon na akong naghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong ko... kaya po sana ay matulungan niyo ako." Hindi ko maiwasang mapaluha. Mabilis ko itong pinunasan at tumingin sa matanda na para bang binabasa ang kung anong nasa isipan ko.
"Sumunod ka saakin." Utos niya. Nagtataka man pero tumayo na lamang ako. "Pumunta ka sa likuran ko ngayon na." Mabilis naman akong sumunod.
Pero nagulat ako nang yumuko siya at tinanggal ang tela sa may lapag. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may parang pintuan sa may lapag nito na nakakandado. Gamit ang susi ay ginamit ito ng matanda upang buksan. Nang buksan niya ito ay tanging katahimikan at kadiliman ang bumungad saamin.
Kinuha nito ang lampara at lumusot sa may butas. Sumunod ako upang hindi mahuli pero mas lalo akong nagulat nang may makita akong isang mahabang hagdan pababa.
Humakbang na siya pababa kaya sumunod na lamang ako kahit litong lito na ako sa mga nangyayari ngayon. Umabot kami ng ilang minuto bago kami makarating sa isang pintuan na halata namang matibay. Kusa na lamang itong bumukas. Parang isa itong sliding door. Pagtapak namin dito ay bigla na lamang siyang bumukas na ikinalayo ko.
Pumasok na ang matanda loob. Madilim din sa loob pero may ilang maliit na ilaw sa may kisame. Buti na lamang ay may dala siyang lampara. Nang mapansin kong hinihintay niya ako ay nagmadali naman akong lumapit at pumasok. Napaatras pa ako nang makarinig ako ng kaiibang tunog. Napalingon tuloy ako sa likod at sumarado na pala ang pintuang gawa sa metal.
"Lights on." Pagkasabi palang nun ng matanda ay bigla na lamang nagkailaw ng malakas ang ilaw na hile-hilera sa kisame. Halos hindi kumurap ang mga mata ko sa mga nakikita ko ngayon. May iba't ibang machines at mga kagamitan na ang tanging Laboratory lang ang mayroon.
May Lab sa ilalim ng lupa?
"Heaven." Tawag saakin ng matanda na nagpabalik saakin. Gulat naman akong napatingin sa kanya. "Isa akong scientist. Isa ako sa gumawa ng maling imbensyon." Ani niya.
END OF CHAPTER 40
BINABASA MO ANG
The Healer
Science FictionSiya si Heaven Carlos. Isang normal na teenager na lumaki kasama ang kaniyang Uncle Edgar. Ngunit nagbago ang lahat nang siya ay tumungtong sa 13 na taong gulang. Isang kakayahan ang ibiniyaya sa kaniya na ginamit niya sa pagtulong sa iba. Ang saril...