Chapter 1

41.6K 698 189
                                    

LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 1

"Am I pretty?" Palagiang tanong sa'min ni Ms. Tessa at syempre dahil teacher namin siya nasagot kami ng "Oo", mahirap na baka matandaan kami, tapos nagtatawanan kami at ngumingiti siya sa'min, teacher namin siya sa philosophy at sa ethics. Humorous siya, hindi nakaka bored ang klase niya, hindi mo namamalayan na natatapos na pala ang tatlong oras na klase mo sa kanya at kapag tapos na ay ayaw mo ng lumabas ng classroom. Hindi mo rin napapansin na marami ka na pa lang natututuhan sa kanya. Curious ako kung bakit niya kami tinatanong every meeting, para kasing hindi lang 'yon ice breaker tulad ng sinasabi niya, palagay ko may mas malalim pang dahilan 'yon, di naman kasi siya mukhang mababaw na tao.

Well, "Oo" ang sagot sa tanong niya, maganda naman kasi talaga siya, simple lang, medyo geeky at nerdy tingnan kasi nga ginugol na yata talaga niya ang buhay niya sa pag aaral, makapal na salamin niya, makapal pa yata sa mukha ng presidente ng eskwelahan, eh. Alumnus din siya sa university at summa cum laude pa, tangina saan ka pa? 1st year ako dati tapos third year siya, "Ate" pa tawag sa kanya ng ibang estudyante pero dahil magkaibang department naman kami at hindi naman kami naging close ay Ms. Tessa siya sa'min.

Si Jacob ang sipag magsusulat ng notes sa tabi ko, masipag mag aral ang isang tao kahit pa ba girlfriend is life. Tinitigan ko si Ms. Tessa, as usual ay naka itim siya, ang sabi niya ay iyon daw kasi ang kakulay ng pagkatao niya. Sabi niya "Black is my colour, it matches my soul."

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin pero may kakaiba sa kanya, parang misteryo ang pagkatao niya at ni minsan ay hindi ko pa siya narinig na mag share ng kahit ano tungkol sa sarili niya sa klase, at wala pa rin naman akong absent sa klase niya kaya nasisiguro ko na wala talaga. Well ang sabi ng ibang kaklase namin ay may boyfriend daw dati si Ms. Tessa noong nag aaral siya kaso parang wala na raw ngayon, maraming nag a -attempt na manligaw sa kanya na estudyante. Ewan, pantasya ng estudyante magkasyota ng teacher niya, lalo na sa aming mga lalaki siguro, bulungan pa mga loko kung virgin pa raw kaya si Ms. Tessa, tangina ang lakas lang maka -brazzers ng dating, pero wala naman siyang sinasagot, napaka professional niyang makitungo sa aming lahat.

Natapos na yung klase namin, lumabas na si Ms. Tessa pagkatapos niyang i-announce yung coverage ng exams namin next week sa subject niya. Exams na naman namin, tinatamad akong mag aral.

"P're tara na." Aya ko kay Jacob na nagtitiklop ng papel na pinagsulatan niya ng notes. Tumayo na si Jacob at naglakad na rin kami palabas, dederetso na kaming apartment dahil last na klase na namin si Ms. Tessa.

"Ano kayang ulam sa bahay? May luto na si Julian sigurado." Tanong ko kay Jacob.

"Oo, maaga mga 'yon ngayon, eh, gusto ko na rin kumain, gutom na ako."

"Si Rachel ba?" Tanong ko.

"Kasama si Maya, nasa mall may bibilhin lang daw sila ni Maya, susunduin ko mamaya, pag uwi nila."

"Ah, p're bili lang akong yosi." Sabi ko kay Jacob, hindi na pumasok sa loob ng 7Eleven si Jacob, ako na lang.

Kumuha muna ako ng razor sa may dulong aisle bagong bumili ng yosi. Papalapit ako sa counter nang makita ko si Ms. Tessa na bumili rin ng yosi, napatalikod ako bigla at nagtago doon sa rack, sumilip lang ako at si Ms. Tessa nga 'yon at bumibili rin talaga ng yosi, hindi ako niloloko lang ng mga mata ko, siya talaga 'yon. Isinilid niya sa bag niya 'yung yosi tapos ay lumabas na siya, nang makalabas na siya ay saka lamang ako pumunta sa may counter para bayaran ang binili ko.

"P're nakita mo ba si Ms. Tessa? Bumili ng yosi p're." Sabi ko kay Jacob nang makalabas ako.

"Huh? Si Ms. Tessa? Di ko napansin, tumawag si Rachel eh." Sabi lang ni Jacob sa'kin.

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon