Chapter 33

8.2K 335 183
                                    

LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 33

Sinundan ko si Martha sa loob ng convenience store at agad akong tumayo sa may likuran niya para ikubli siya sa ilang napapatingin sa binti niya. 

"Hey." Tawag ko sa kanya, lumingon naman siya at parang nagulat siya na nasa likuran na niya ako.

"Hey, Mr. Rodriguez!" Sabi niya at kinipit sa dibdib niya yung dala niyang bibilhin niya. Automatic naman akong napatingin sa dibdib niya pero agad ko ring itinaas yung mata ko saa mukha niya. Tangina eh, pinagpala rin siya sa bahaging iyon. 

Gusto ko sanang sabihin na hindi ako Santo pero nakakahiya sa ibinigay na pangalan sa akin ng nanay ko. Tama si Chino, nakakahiya na ako kay San Pedro at kay San Pablo, baka pag sinalubong ako ni San Pedro sa pintuan ng langit ay tadyakan ako pabalik sa lupa.

"Pipo na lang, ang pormal naman ng tawag mo sa akin kung apelyido ko pa." Sabi ko sa kanya at ngumiti ako.

"Okay, Pipo. Ano pa lang ginagawa mo rito? May bibilhin ka rin ba?" Tanong niya sa'kin.

"Ah, oo." Sabi ko at hinagip ang bagay na unang nakita ng mga mata ko.

"Bibili ka ng napkin?" Sabi niya habang nakatingin sa hawak ko. Nang tingnan ko ang ang kinuha ko ay nanlaki ang mga mata ko at mabilis ko iyong ibinalik sa rack, mabilis ko ring ini-scan yung rack para tingnan kung ano ang pwede kong kuhanin.

"Tissue. Tangina, akala ko tissue." Excuse ko. Talk about lame. Napahawak ako sa noo ko at naramdaman ang namumuong pawis doon. Mabilis kong dinampot yung tissue na nakalagay malapit sa rack ng napkins. 

"Okay." Sabi lang niya at lumakad lang papunta sa kasunod na rack, lumakad naman ako kasunod niya. 

"Nag dinner ka na?" Tanong ko. 

"Hindi pa, ikaw ba?" 

"Hindi ka pa kumakain? Alas nueve na." Sabi ko at tumingin sa relo ko.

"Kakain na rin ako pagbalik ko sa itaas."

"May pagkain ka na bang nakahanda r'on o maghahanda ka pa lang? Tara kain tayo." Tanong ko at hindi ko siya nilulubayan. 

"Hindi pa, wala pa akong makahanda pero kkay left over food ako mula kaninang umaga, nasa freezer naman yon, iinit ko na lang." Sabi niya at naglakad papunta sa counter.

"Busy ka ba?" Tanong ko kahit dapat kanina ko pa iyon tinanong.

"Medyo eh, saka my baby is waiting for me." Sabi niya. Para akong sinasagasaan ng truck nang marinig ko ang sinabi niya.

"Baby?! May baby ka na?" Sa gulat at pagsasabi ko ay napatingin sa aming dalawa yung staff na nasa counter. Baby? Teka, may asawa na rin ba siya, agad akong napatingin sa daliri niya at nang wala akong makitang singsing ay hindi ko napigilan ang tanungin siya.

"Yes, he's a corgi." Sabi niya habang inilalagay sa counter ang mga pinamili niya

Ha? Ano raw? Corgi? Anong corgi? Nang mapagtanto kung ano ang tinutukoy niyang "baby" ay napangiti ako. Naalala ko si Esso kay Nixie, gumagamit din ng ganoong endearment. 

"Akala ko ..."

Pota, kinabahan ako eh.

"738. 75 pesos po." Sabi n'ung nasa counter at naputol ang sasabihin ko. Kukuhanin ko sana ang wallet ko pero mas mabilis sa akin si Martha. Kinuha ko naman ang pinamili niya at ako na ang nagdala n'on, hinayaan na naman niya ako.

Paglabas namin ay kita ko yung dalawang lalaki na mukhang mga estudyante pa ang napatingin kay Martha. Putangina, nag sikuhan pa yung dalawa kaya tiningnan ko sila ng mmasama at sabay silang tumalikod. 

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon