Chapter 10

8.6K 331 127
                                    

LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 10

Tumingin ako kay Jacob at kay Miss Tessa na busy pa rin sa pag uusap, tangina, nakakahiya yung message ko, baka kung ano ang isipin ni Miss Tessa kapag nabasa niya 'yon.

"P're, may load ka ba? Pa -text naman ako." Mabilis na sabi ko kay Jacob, alam kong hindi nag l-load ang isang 'to, pero mabilis pa rin ang tibok ng puso ko, putangina kinakabahan ako sa ginagawa ko.

"Ha? Wala eh, sensya na p're."

"Ako meron." Sabi ni Miss Tessa at kinuha ang cellphone niya mula sa bulsa niya, hindi pa man niya naiiabot sa akin 'yon ay kinuha ko na kaagad, nahalata ko naman na medyo nagulat siya pero hindi na lamang ako umimik, nag usap lang naman ulit sila ni Jacob habang mabilis kong binura ang message ko at nagkunwari na nag text, makailang sandali ay ibinalik ko rin naman kay Miss Tessa yung cellphone niya at nagpasalamat sa kanya.

Habang nag uusap silang dalawa ay nag ring 'yung cellphone ni Jacob na agad namang sinagot ni brad dahil si Ma'am Rachel daw niya ang tumatawag.

"Oy p're, Miss Tessa, una na po muna ako sa inyo, sa susunod po ulit, sunduin ko lang si Rachel." Paalam ni Jacob sa'min. Lihim naman akong napangiti dahil sa sinabi ni brad. "Pips, hatid mo si Miss, madilim na."

"Ge." Sagot ko lang kay Jacob.

"Sige po, una na ako."

"Sige, ingat, thank you rin." Si Miss Tessa tapos tuluyan ng umalis si Jacob at naiwan na kami ni Miss Tessa.

"Uwi na po ba tayo o dito muna?" Tanong ko kay Miss.

"Maya -maya, masarap pa pwesto ko rito eh. Anyway, ang tahimik mo kanina?"

"Ah, wala lang, ang ingay kasi ni Jacob."

"Sabagay, kahit naman sa klase ganyan ka, hindi ka masyadong umimik pero hindi ka naman suplado."

Ngumiti ako ng bahagya, pero sa loob ko ay natuwa talaga ako.

"Hindi naman po talaga ako suplado."

"Yan na nga ang sabi ko, diba?"

"Oo nga po. Pasensya na po kayo kay Jacob, ang daldal ng isang 'yon, sarap na lagyan ng tape ng bibig, eh."

"Nagugulat nga ako sa kwento niya eh, hindi ko lang inasahan na ganoon pala sila ni Rachel, nakakatuwa sila."

"Lagi ring nagtatalo minsan 'yung dalawa, pero ang nakakatuwa po mukhang under si Jacob pero si Rachel nag a-adjust din siya, hindi 'yung si Jacob lang palagi ang sumusuyo."

"Talaga? Ang tapang ni Rachel pero gan'on siya kay Jacob? Ayos pala sila."

"Opo, inggit na nga ako minsan eh." Sabi ko tapos sumulyap ako sa kanya at umiwas din kaagad ng tingin.

"Hanap ka na rin ng sa'yo." Parang balewalang sabi ni Miss Tessa sa'kin.

"Saka na." Sabi ko lang at tumayo na ako. "Tara na po, ihahatid ko na kayo."

"Aalis na tayo? Akala ko ba dito muna tayo?" Hindi siya tumayo at nakatunghay lang siya sa'kin.

Ewan ko ba, para kasi akong nabadtrip nang sabihin niya na maghanap na rin daw ako ng sa akin na para bang wala lang, wala naman akong ineexpect, alam ko naman ang limitations ko at alam ko rin ang sa kanya kaso basta, medyo nakakabadtrip lang.

"Naalala ko lang na may game pa bukas, maaga pa ako kasi mag w -warm up pa kami." Dahilan ko.

"Ay oo nga pala, sige tara na." Naglakad na kami, nag yosi ako habang naglalakad kami. Hindi ako masyadong umimik, isang sagot isang tanong kami ng dalawa, siya ang nagtatanong. "Sino pala tinext mo kanina?" Tanong niya

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon