LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 15
"Shit! I'm sorry." Nasabi ko nang marealize ko kung ano ang nagawa ko. Mabilis akong umalis sa pagkakayakap niya at naitakip ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Napansin kong lumabas yung doctor mula sa kwarto nila Jacob, buti na lang at hindi niya kami nakita, alam pa naman niyang teacher namin si Tessa.
"You don't look so sorry." Sabi ni Miss Tessa tapos ngumiti siya. "Tara na, titingnan ko ang kaibigan mo." Dugsong niya at nauna na siyang lumakad pabalik sa kwarto ni Jacob at Casey.
"Sorry talaga, sincere naman ako." Pag ulit ko habang naglalakad kasunod niya.
"Alam kong sincere ka, hindi ka nga lang mukhang nagsisisi." Inirapan niya ako at napabungisngis ako saka napakamot sa ulo ko. Hindi ko naman talaga pinagsisisihan, tangina bakit ko naman pagsisisihan ang nagawa ko? Oo nga at nabigla akong talaga sa nagawa ko, ewan, nag -automatic yung sistema ko kanina, siguro dahil kabado akong talaga at nag aalala kay Casey at Jacob, tangina, kapatid ko na sa ibang magulang 'yung dalawang 'yon at parang di ko na kayang mawala sa sistema ko ang kahit isa sa kanila, putangina, ang clingy lang pakinggan pero totoo. Tapos si Tessa, hindi niya kami iniwan, siya yung nakikipag usap at nag aasikasong talaga ng mga kailangan kaya sobrang nagpapasalamat ako sa kanya, ultimo yung nagastos para r'on sa dalawa siya ang umasikaso, sobrang laki ng utang na loob namin tapos utang sa kanya na cash ni Jacob at Casey, then ayun, nakahalik ako. Tangina.
-
Inihatid muna namin si Miss Tessa sa bahay niya, niyayaya namin siya sa apartment para kumain pero tumanggi na siya, may kailangan pa raw siyang asikasuhin, sa susunod na lamang daw niya pauunlakan sila Julian at Esso kapag hindi na siya masyadong abala. Nauna pa namang umuwi si Esso at Julian para ipagluto ang lahat. Muli kaming nagpasalamat sa kanya nang makababa siya ng sasakyan.
"Thank you ulit, Mahal." Text ko sa kanya. Gustung -gusto kong hawakan yung kamay niya kanina nang ilabas namin sila Jacob pero dahil maraming tao sa sasakyan ay ipinagpaliban ko na.
"You're welcome, alagaan niyo si Casey at Jacob."
"Yes po, Miss. Rest ka na, maraming salamat ulit."
"Okay, magpahinga na rin kayo, good night."
"Good night, Mahal. See you tomorrow."
Sa bahay naman ay pinabayaan na muna namin si Jacob at si Rachel, kanina pa nasa banyo ang dalawang iyon at kaming apat ay parang mga sira na may hawak na baso at nakikinig doon sa dalawa, nag iiyak yata si Rachel doon sa loob ng banyo, mukhang masinsinan silang nag uusap na dalawa hanggang sa di na kinaya ni Esso ang dami ng kinain niya at kinatok na yung dalawang palaging nag mo-moment sa banyo.
-
Wala akong seatmate dahil nga injured si Jacob, may tumabi sa'kin na kaklase naming babae, tinatanong lang niya kung kumusta raw si Jacob, sinabi ko lang naman na okay naman si brad. Pinagpatuloy ko lang yung pag take down notes sa klase ni Miss Tessa.
"So, Mr. Rodriguez, would you like to tell us something about what you are discussing with Ms. Santos?"
Tangina, nasa tabi ko na pala si Tessa, kinilabutan ako bigla lalo na nang ituon niya ang kamay niya sa balikat ko.
"Ah, ano po, si Jacob, opo, si Jacob kinukumusta niya." Pinawis ako ng malamig bigla, tumango naman si Miss Tessa sa akin pero lalo niyang idiniin ang mga daliri niya sa balikat ko bago lumakad papunta sa unahan habang napakagat labi ako, tangina, napayuko rin ako at napatingin sa "ethics" ko, pasimple akong nag cross legs at ipinatong sa hita ko ang libro namin, tangina talaga, tinigasan na naman si Pipo sa saglit na saglit na pagkakahawak ni Tessa. Lumipat naman ng upuan si Santos at nag sorry sa'kin at kay Miss Tessa.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...