LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 8
Kahit anong kantyaw ang gawin sa akin ng tropa ay wala akong sinabi kahit isa, pilit -pilit nila akong sabihin kung sino ang kausap ko pero hindi nila ako napatuga. Nagkibit balikat na lamang ako at ipinagpatuloy ang pag inom. Mabilis kong pinalitan ang pangalan ni Miss Tessa sa cellphone ko bago pa man makasilip ang mga gago kung sino ang nakausap ko. Inalis ko yung Tessa, Miss lamang ang nakalagay doon.
"Okay ka lang ba, Pipo?" May text si Miss Tessa, bago ko sagutin ang text niya ay inobserbahan ko muna yung apat. Nang yabangang yabangan na ay saka ako mabilis na nag type ng reply kay Miss Tessa.
"Opo, okay lang po ako, basta tandaan niyo po na maganda po kayo, Miss."
"Sige, salamat, Pipo." Sabi niya, may smiley iyon sa dulo na nagpangiti rin naman sa 'kin kahit papaano, hindi na ako nag reply kay Miss Tessa at pinatay na ang cellphone ko, sinigurado ko rin muna na may password iyon dahil baka mapakialaman ng mga gago.
-
Nang magising ako kinabukasan ay tulog pa sila Jacob, mukhang si Julian pa lamang ang gising dahil wala na sa kama niya. Binuksan ko ang cellphone ko at nag text kay Miss Tessa.
"Good morning po, Miss. Maganda po kayo."
Nang matapos akong mag text ay dumeretso ako sa banyo, nag toothbrush at naligo ako, bago ako lumabas ay naulinigan ko si Jacob sa labas.
"Sino kayang kausap ni Pipo kagabi? Parang may syino -syota si brad."
"Malalaman din natin kung sino 'yon, mag ke-kwento rin yang si Pedro." Sabi ni Esso.
Ngumiti ako sa likod ng pintuan bago tuluyang buksan iyon at lumabas.
"Oy, paps, kain." Si Julian ang tumawag sa'kin.
"Sige, magbibihis lang ako." Sagot ko at pumasok na ako sa kwarto. Napansin kong umilaw yung cellphone ko, pasimple ko iyong dinampot dahil nasa kwarto pa si Chino at nakaharap din sa cellphone niya. Maigi na 'yung nag iingat, 360º din ang mata ng isa nito sa galing mag obserba.
Pinigilan kong mapangiti nang mabasa ko ang reply ni Miss Tessa sa'kin.
"Thank you for your kind words, Pipo. Good morning."Kagaya kagabi ay may smiley ulit 'yon sa dulo. Ini -lock ko ang cellphone ko at nagbihis na ako, iniwan ko na si Chino na wala naman yatang planong bumangon.
-
Excited akong pumasok sa klase maghapon, tamang sabihin na inspired akong mag aral, pero walang nangyaring klase, may meeting daw kasi ang buong department. Nag announce ng event sa amin kaya mukhang wala ring klase next week, naalala ko yung fair nung nakaraan, noon yata naging mag syota si Jacob at si Rachel. May nag papa survey kung ano raw gusto naming gawin sa event ng department, si Jacob ang naka assign sa year level namin dahil siya ang representative ng batch namin, pero tangina si brad, missing in action. Sa'kin siya hinahanap ng president ng department, hindi ko siya ma -contact kaya mas minabuti ko na si Rachel na ang i-text, sigurado naman kasi na magkasama ang dalawang 'yon.
Si Miss Tessa, hindi raw siya mag kakansela ng klase sa'min dahil wala naman dawn aka schedule na event sa time niya. Angal na 'yung iba kong kaklase pero ako ay hindi, nakiusap na lang sila ng mas maagang dismissal sa klase, si Miss Tessa napa buntong hininga na lang at pumayag na rin naman sa pakiusap ng president. Sayang, mas gusto ko pa ngang mag klase kaysa sa mga event na ganyan, mas lalong okay sa'kin na mag klase si Miss Tessa sa'min, o kahit sa'kin lang.
Nag reply si Jacob sa'kin gamit ang number ang Rachel, pupunta na raw siya, kumain lang daw sila. Tsk tsk, talagang girlfriend is life si brad.
Pagdating ni Jacob, pangisi -ngisi lang kahit pinapagalitan n'ung president. Naglilista na si Jacob ng player daw ng basketball para raw sa batch namin, kumpleto na kasi ang sa mga lower years, talagang kung sino pa nga ang graduating ay sila ang pahulihin.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Lãng mạn[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...