Chapter 29

8.4K 319 187
                                    

LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 29

Pagmulat ko ng mata , ayun nandoon pa rin ako sa loob sa sasakyan ko at naramdaman ko na may humihila sa akin palabas. Ang kasunod ko ng nakita ay putting kisame at putting kurtina na may pattern na asul. Ospital. Agad akong napabalikwas ng bangon ng marealize kung nasaan ako.

Mabilis akong dinaluhan nung nurse na nakakita na bumangon na ako at tumawag siya ng doktor. May lumapit sa akin na babaeng doktor na magulo na ang buhok, naka ponytail siya pero marami na doon ang nakalaglag sa noo niya, mababakas mo yung pagod sa mukha niya. Napalingon ako sa paligid ko at napansin kung gaano ka-busy doon sa may emergency room.

​​

"Kumusta yung tao sa nabangga kong sasakyan?" Agad kong tanong. Nag aalala ako dahil baka malaki ang damage na nagawa ko dahil sa katangahan ko.

"You should worry about yourself first." Sabi nung doctor at tinuunan ako ng marahan sa balikat at napangiwi ako. May kirot doon na hindi agad nawala maski ng bitawan na niya ako.

​​

"I can handle myself well, doc. Tinatanong ko kung kumusta na yung nabangga ko, kung hindi mo kayang sagutin ang tanong ko at sa iba ako magtatanong." Medyo may kataasan yung boses ko.

"Well Mister, hindi pa namin alam ang information tungkol don dahil hindi naman dito dinala yung nabangga mo!" Sabi nung doctor at pinandilatan ako, nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya pero ako rin ang nagbaba.

"Lalabas na ako." Sabi ko at nagsimula akong tanggalin yung nakatusok sa may braso ko.

"No, may gagawin pa kaming test sa'yo." Sabi niya pero hindi ako nag paawat kaya nagulat ako nang mahigpit niya akong hawakan sa braso. "You will stay and you will do as I say, Mister." Napalunok na lang ako at hindi na ako kumibo. Baka kung anong itusok sa akin neto. Maya -maya ay may isang naka kulay asul din na scrub suit ang lumapit sa akin, may dala siyang papel at umalis na yung naunang doctor na lumapit sa akin.

-

Pina x-ray nila ako pero nang wala namang makitang malalang damage sa akin ay hinayaan na rin nila akong makalabas ng araw na yon. Yung balikat ko lang ang kailangan ko pa ulit patingnan sa susunod at huwag daw muna akong maggagagalaw. Isa pa ay may mga pulis na rin na hinahanap ako dahil sa aksidenteng kinasangkutan ko.

Tumawag ako kay Jacob para sabihin ang nangyari sa akin. Kinamusta niya ako kung ayos lang daw ba ako, nang sabihin ko sa kanya na ayos naman ako ay tinawanan na ako. Siya na raw ang bahala kay Boss kaya asikasuhin ko na raw muna ang pagpapahinga pati na ang mga gastos na mukhang babayaran ko.

Tinanong naman ako ni Julian at Esso kung nasaan na raw ba ako at dadalhan daw nila ako ng pagkain. Sinabi ko lang na pagkatapos kong magpunta sa police station ay uuwi na rin ako sa bahay para magpahinga.

Nakahinga ako ng maluwag nang wala rin namang natamong pinsala yung nabangga ko. Humingi ako ng sorry sa kanila at nangakong ako ang mananagot sa lahat ng magagastos para sa pagpapaayos ng sasakyan nila. Mabuti na nga lang din at hindi ako kinasuhan. Baka makulong pa si Pipo.

-

Pasado alas quatro na ng hapon ako nakarating sa building na inuuwian ko. Magsasara na sana ang elevator nang may narinig akong nagpapahintay. Nagulat ako nang makilala ko kung sino ang pumasok sa elevator, may kasunod pa siyang dalawa pero napakurap ako nang makita ko yung masungit na doctor kanina doon sa ospital.

Parang hindi niya yata ako nakilala o baka hindi na niya ako maalala kaagad?

Nakita kong ang sa 29th floor siya.

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon