LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 40
Ang palagian naming ginagawa linggo linggo ay ipinagpaliban na muna namin dahil inimbita kami ni Doc Erin na bumisita sa kanila. Kasama namin si Darcy na pumunga sa bahay nila Doc Erin.
Pagdating namin doon ay yung asawa ni Doc Erin na si Franz ang nagbukas ng gate sa amin. Naka apron siya at may hawak siyang sandok. Nagulat pa ako ng bahagya dahil ang angas niyang tingnan at parang maangas naman talaga siya tapos makikita mo siyang naka apron na yubg may ruffles pa. Nakangiti siyang pinatuloy kami sa bahay nila.
Sabi ni Martha ay huwag ko na raw pagtakahan dahil ganoon daw talaga ang bayaw niya.
Pagpasok namin sa bahay ay pinaupo kami ni Franz sa sala at babalik lamang daw siya sa kusina para sa niluluto niya. Si Doc Erin naman ay nasa dining area at inihahanda ang lamesa.
Doon sa sala ay nasa sahig ang maraming laruan ng mga bata na binalewala na nila dahil kasama namin si Darcy.
“I’ll just help Ate.” Sabi ni Martha.
“Sure.” Sabi ko at naiwan ako doon kasama ang mga bata.
Kung makikita ni Jacob itong bahay ay baka umiyak yon. Maganda at maayos ang pagkakayari ng bahay, pati ang disenyo ay maganda rin.
Natatanaw ko rin mula sa malaking sliding door ang garden at malaking playing area na pwedeng ooaglaruan ng mga bata. Halatang pinalaki ang labas para sa outdoor activities ng mga bata.
Inabutan ako ng story book ni Saxon at naupo sa tabi ko indikasyon na basahin ko iyon para sa kanya.
“The Three Little Pigs.”
Kinuha ko iyon at sinimulan kong basahin. Tumigil naman si Damon at si Amber sa paglalaro at binuhat si Darcy at itinabi na rin sa akin.
Kung makikita ako nila Jacob ay siguradong hahagalpak ng tawa ang mga gagong iyon.
Yumakap sa bewang ko si Saxon nang sumapit kami sa parte kung saan sinira na ng wolf ang bahay. Tumingin si Saxon na para bang nalungkot siya sa sinapit ng bahay. Marahan ko siyang tinapik tapik sa balikat. Sumiksik naman siya sa tagiliran ko, si Damon naman ay umunan na sa hita ko habang nakatingin sa binabasa ko.
Napatigil ako nang maramdaman kong may nakatitig sa akin. Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko si Martha naa nakasandal sa may hamba na naghahati sa sala at kusina.
Ngumiti siya sa akin at humalukipkip. She mouthed “Carry on.” Ngumiti naman ako sa kanya at kinindatan ko pa siya, mahina siyang tumawa.
“Engineer, continue please.” Sabi ni Amber at mabilis naman akong nagbalik sa pagbabasa. Narinig kong mas lumakas ang pagtawa ni Martha. Nang mag taas ako ng tingin ay parang lumundag ang puso ko. She mouthed “I love you” this time. Bago pa ako makasagot ay tinawag na siya ni Erin.
-
Sabay sabay kaming kumain at parang gusto kong sumaludo kay Franz, bago siya kumain ay inuna niya muna yung mga anak nila at si Doc Erin. Tangina, dapat ganito rin ako dahil kung hindi ay nakakahiya. Ang sabi ni Martha ay nag aaral pa lang siya sa college ng maging mag asawa ‘yung dalawa, matagal na ring panahon pero parang babago lang silang mag asawa palagi.
Nag prisinta kaming maghugas ng pinggan ni Martha habang nasa living room na yung mag anak.
“Ikaw naman ang iuuwi ko sa’min sa susunod.” Bulong ko sa kanya.
“Really?” Sabi ni Martha at nag ningning yung mga mata niya.
“Yes. Birthday ng Lola next week at pupunta tayo bago pa man siya mag birthday para hindi ka nama masyadonv mabigla kapag marami na ang bisita.” Sabi ko at marahan siyang hinalikan sa sintido.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...