LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 32
"So bakit wala kang number niya?" Tanong ni Martha sa'kin habang kumakain ng crepe.
"Huh? Uhm, well nagpalit siya ng cellphone?" Alangan kong sabi.
"I don't think lying suits you well." Sabi niya at nakangiti siya sa'kin. Her eyes sparkling.
"Sorry, matagal na kasing nangyari eh, hindi ko na maalala." Sabi ko at nag iwas tingin ako sa kanya.
"Kung matagal nang nangyari at hindi mo na maalala, then why are you still calling her name?" Sabi niya, hindi pa rin nawawala yung ngiti sa labi niya. Geez.
"Doctor ka ba talaga? Bakit parang pakiramdam ko prosecutor ka at ini -interrogate mo ako?" Biro ko sa kanya, tumawag ako ng staff at muling nag order ng kape.
"Nagtatanong lang naman ako eh. Okay lang kung hindi mo sasagutin." Sabi niya at siya naman ang humigop sa kape niya. Napabuntong hininga naman ako.
"She's married now." Bulong ko.
"Oh, so ex mo siya?"
"Hindi yata, ewan."
"Huh? Anong ibig sabihin n'on?" Tanong niya ulit sa akin at napabuntong hininga na lang ako.
"Wala naman kaming label talaga noon eh." Sabi ko lang.
"Hmm, ang komplikado naman pero mukhang gusto mo pa rin siya." Sabi ni Martha at tumingin sa mga sasakyan sa kalsada. Hindi ako sumagot at tumingin din lamang sa labas.
"But I think you should start moving on since she's married, kasi kung aasa ka pa rin, anong plano mo? Maging kabit?" Tanong niya sa'kin at napailing naman ako kaagad.
"Hindi."
"Then give yourself a chance, free yourself from her." Sabi niya. Muli akong humigop mula sa tasa ko at hindi na ako umimik.
-
Alas dos y media na kami umalis doon sa café at inihatid ko siya sa mismong harap ng pintuan niya.
"Hindi mo na ako kailangang ihatid, sa iisang building naman tayo nakatira." Sabi niya pero sumunod pa rin ako sa kanya.
2907, iyon ang number ng bahay niya. Hindi na ako pumasok dahil hindi rin naman niya ako inalok na pumasok sa loob ng bahay niya. Nag good night lang siya sa akin at nagpasalamat, umalis na rin ako kaagad at umakyat na. Pinaalis na nga niya ako hindi pa man niya nabubuksan yung pintuan eh. Sa totoo lang au nabitin ako, parang napakabilis lang ng oras naming magkasama.
Nang gabing iyon ay naisip ko yung sinabi ni Martha. Ano nga bang plano ko? Sa puntong ito ay wala na akong pag asa. Kahit na ano pa man ang gawin ko ay wala ng mararating. Tapos na, may asawa na siya at hindi ko rin naman gusto ang maging kabit. Ang tagal ng panahon na wala si Miss Tessa, pero ang tanginang puso ko siya pa rin ang isinisigaw.
-
Kinabukasan ay pumunta naman akonsa restaurant para maging waiter nila Julian. Wala si Jacob kaya pinag usapan namin sila ni Rachel. May pustahan pang nalalaman eh lahat naman kami umaasang magkakabalikan sila.
Pinagusapan na rin namin kung anong mga gagawin para paglapitin yung dalawa. Tinawagan ko na rin si Boss Zac na wala namang reklamo sa mga plano namin, nakisali pa nga eh.
Tawang tawa ako nang i-suggest ni Boss na si Jacob na lang daw mag tour kay Rachel sa site. Ang napag usapan kasi talaga ay lahat ng NGOs ang itu-tour at hindi kami ang maghahatid sa kanila. Tangina, matchmaker na si Boss.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...