LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 19
Pinag uusapan pa rin nila yung tungkol sa blind item at kanina pa rin ako hindi mapakali sa kinauupuan ko dahil sa kanila. Si Chino umalis na dahil magbabayad pa raw siya ng bills namin. Gusto ko sanang sumama para hindi na ako mapasali sa topic na 'to, ang kaso pakiramdam ko mas mapanganib ang sumama kay Chino.
Kanina habang nagsasalita si Julian ay nakakatakot ng makatingin si Chino, tapos yung mukha pa niya hindi ko alam kung nang aasar ba siya o ano. Kinakabahan talaga ako sa isang 'yon, may tiwala naman ako sa kanya na hindi niya kami ibubulgar kung sakaling alam niya nga ang namamagitan sa amin ni Miss Tessa pero kailangan pa rin na mag ingat ako.
Isa pa itong si Jacob, sinusulyapan din ako. Tangina baka mamaya nahahalata na nito mga tingin at titig ko kay Miss Tessa sa tuwing may klase. Baka napansin din niya pagka badtrip ko nang lumabas yung issue r'on sa mga nangodiko sa exam. Pahigop higop ng kape yung dalawa ni Chino pero hindi talaga maganda ang pakiramdam ko, para akong pinapawis ng malamig na hindi ko maintindihan. Nagiging uneasy na rin ako sa kinauupuan ko.
"Idol ko na 'yan, kung sino mang estudyante at teacher 'yan. Putangina, akalain mo, sa library pa nila napili? Matindi p're, biruin mo tahimik d'on tsaka bawal mag ingay, idol ko na talaga, hahanapin ko 'yon, Master ko na siya." Si Esso tapos ay humigop mula sa tasa niya. Itinaas ko rin ang tasa ko para uminom at saka ko lang naalala na wala na nga pa lang laman ang tasa ko. Napapalunok ako sa pinag uusapan nila pero mas pinili kong hindi umimik at tumingin na lamang ako sa cellphone ko, may binuksan akong pdf file na hindi ko naman na aabsorb ang content kahit anong basa ang gawin ko.
"P're ano 'yan? Nag rereview ka pa ba? Tapos na exams ah." Puna ni Julian. Putangina muntikan ko ng maihagis yung cellphone ko eh.
"Kinekwenta ko kasi kung ilan yung possible na mali ko r'on sa subject na isa. Alangan ako sa mga sagot ko kasi." Hangga't kayang lumusot, lulusot.
"Teka Julian, babae ba o lalaki yung teacher sa blind item?" Tanong ni Jacob mula sa tabi ko.
"Ah, may nakalagay dito na "Sir" kaya lalaki yung teacher tapos mukhang sa department ng accountancy." Sabi ni Julian, para akong biglang nabunutan ng tinik. Ininom ko ang isinalin kong kape sa tasa ko at muli ko iyong nalasahan. Putangina, akala ko kami na 'yung na blind item.
"Lalaki? Tangina, ang lilibog ng ibang prof talaga eh, pinapasadahan ang estudyante." Si Esso na umiiling iling pa.
"Okay ka lang, Pips? Tahimik ka." Puna ni Jacob.
"Ha? Iniisip ko kasi kung saang part ng library sila?" Pagsisinungaling ko, tangina eh.
"Bakit mo tinatanong? Wag mo na testingin d'on, siguradong mainit na sa madla yung library." Tatawa tawang sabi naman ni Esso. "Sa BioSci building ka na lang p're, d'on sa may fourth floor, pwede r'on."
"Naka testing ka na r'on?" Curious naming tanong na tatlo.
"Ha! Wala akong sinasabi." Sabi ni Esso pero yung mukha niya halata mo na kaagad na guilty siya.
"Tangina, kadiri ka eh." Si Jacob
"Isusumbong kita kay P –" Si Julian naman na din a natapos ang sasabihin niya dahil mabilis na siniko ni Esso.
"Shh, 'wag ka nga p're."
Pangisi –ngisi lang si Esso.
-
Nang matapos kaming kumain at makapagligpit ay nag text ako kay Miss Tessa.
"Hi, Miss, good morning po, umiwas na tayo sa library, meron na pa lang ibang dumidiskarte r'on, nabasa namin sa newspaper ng university. Bali sa iba na lang po tayo tumambay. I miss you."
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romantizm[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...
