Chapter 44

8.8K 389 63
                                        

LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 44

Hindi na ako nakadaan sa restaurant para mag almusal dahil inumaga na kami ni Martha sa labas. Inihatid ko siya sa bahay niya at nanatili ako roon ng halos dalawang oras lang at naidlip.

Marami kaming pinag usapan ni Martha doon sa café tungkol sa nakaraan naming pareho. Wala na akong tinago sa kanya at palagay ko ay siya man ay ganoon din. Nag desisyon kaming gawin iyon para na rin mas makilala namin ang isa’t isa.

Niyakap ko siya nang mahigpit nang maramdaman kong parang may panibugho siya nang ikwento ko sa kanya yung sa amin ni Miss Tessa. Hindi ko intensyon na saktan siya, nilinaw ko sa kanya na kaya ko iyon sinasabi ay para siguraduhin sa kanya na ayos na ako, na buong buo na ako at talagang siya lang sa puso ko. Ayaw ko rin naman na pagdudahan niya ang damdamin ko para sa kanya. Isa pa ay baka mas lalo lamang siyang masaktan kung sa iba pa niya maririnig o ibang tao pa ang magsasabi sa kanya, hindi na rin kasi naiiwasan ang mga ganoon.

Mga ilang sandali rin bago siya makipagbiruan na sa akin. Sumubsob muna siya sa leeg ko at alam kong umiyak ulit siya pero tumahan din kaagad. Nagpasalamat siya sa akin dahil sinabi ko iyon sa kanya.

Ako man ay nagpapasalamat dahil napaka maunawain niya. Alam kong masakit pa rin ito sa kanya pero pinilit niya akong unawain.

Nang makahuma ay inasar niya ako na marami nga raw siyang naging boyfriend. Ako naman ang naging uneasy nang sabihin niya iyon.

Tangina, ayokong isipin iyon. Pero may pang bala na kaagad ako sa tira niya tungkol sa bagay na iyon.

Biniro ko siya na sa dami ng naging boyfriend niya ay ako lang ang nakalusot. Literal na lumusot. Sa dami ng mga iyon ay ako lamang ang hinayaan niya. Hinampas lamang niya ako sa balikat at sinabihan na napakayabang ko raw pero agad ding yumakap sa akin.

Hindi naman requirement ‘yon pero tangina, ibang ligaya talaga yung naramdaman ko nang ibigay niya ang sarili niya sa akin.

Binalikan naman niya ako na ako raw naman ay laspag na. Muntik na akong mapahagalpak ng tawa sa salitang ginamit niya sa paglalarawan sa akin. Bukod pa roon ay sinabi niya na kaya lamang daw siya pumayag sa akin ay dahil alam niyang negative ako sa nakakahawang sakit. Kinuhanan niya raw ako ng test nang maging pasyente niya ako.

Ibang klase. Napapailing na lang ako pero ramdam ko yung galak sa puso ko.

-

Nang magising ako ay nakita ko na hindi pa natutulog si Martha, nag aaral pa rin siya. Nang matulog kasi ako ay nag aaral na siya at binubuklat ang napakarami niyang libro.

Lumapit ako sa kanya at yumakap ako mula sa likuran niya.

“Good morning.” Bati ko at hinalikan siya sa balikat.

“Good morning din, breakfast?” Akma siyang tatayo pero pinigil ko siya.

“Ako na, mag aral ka na lang muna.” Sabi ko. Tumango naman siya at inilabas ang notebook niya mula sa loob ng drawer niya at napakunot ako nang makita ko iyon. Pamilyar iyon sa akin. Kinuha ko iyon at sinipat sipat ko.

Parang alam ko itong notebook na ito.

“Why? Something’s wrong?” Tanong niya sa akin.

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon