LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 3
Nakahiga na ako ng matagal doon sa kwarto pero hindi ako makatulog, parang mabigat yung katawan ko pero hindi ako makaramdam ng antok.
"Oy, saan kayo galing?" Narinig kong tanong ni Chino, baka nandyan na sila.
"Secret." Boses ni Esso. Bumangon ako at nakisali sa kanila doon sa labas.
"Gutom na ako." Si Julian naman na dumeretso kaagad sa kusina at nagbukas ng ref.
"Ako rin." Boses naman ni Jacob na nandoon sa may pintuan ng banyo, aba at magkakasama pala ang tatlong ito.
"Jacob, p're, naka puntos ka na ba?" Tanong ko.
"Yan yan, gusto ko ring malaman 'yan." Si Chino.
"Huwag ako ang kulitin niyo, may nakita akong kasama mo kagabi, Pipo, di ko lang nahitsurahan kung sino pero may kasama ka kagabi." Ganti ni Jacob sa'kin, tumingin naman sa'kin si Chino.
"P're akala mo lang 'yan, sumunod lang ako kay Camille kagabi pero di ko na inabutan, bumagsak na ako sa kalye." Sagot ko naman agad.
"Hindi p're, ikaw 'yon." Pilit ni Jacob.
"Baka nga ako 'yon p're, kaso ay hindi ko nga inabot si Camille." Sagot ko lang.
"Tangina kasi netong si Pipo kapag nag iinom eh, hindi nagtitira ng pang uwi, kung saan na abutin lagi." Si Julian.
"Oo nga, laging bigay todo mag inom." Si Chino.
Buti na lang binili na nila yung alibi ko, tangina nga naman kasi, hindi nagtitira ng pang uwi.
Imbes na matulog ako ay napaupo na lang kaming lahat sa mesa at nag usap doon, pinag diskatahan namin si Jacob dahil hindi na naman pala naka puntos kay Rachel kahit pa ba magdamag na niyang kasama. Kakaawa si brad.
-
Alas sinco yung klase namin ni Jacob kay Miss Tessa at hindi ko alam kung papasok ako o hindi, nahihiya ako, ethics pa mandin ang subject namin mamaya, baka maisip niya yung ethics ko.
"Oy p're tara." Sabi ni Jacob.
Tsk, bahala na.
Pagdating namin sa classroom, hindi ako umupo sa usual na inuupuan namin ni Jacob, doon ako pumwesto sa may bandang likuran, sumunod naman si Jacob sa'kin.
"Tangina, inaantok pa ako." Sabi ko.
"Alas sinco p're, inaantok ka pa?" Tanong ni Jacob sa'kin, hindi kumbinsido yung pagkakasabi niya.
"Oo p're, antok pa ako." Pinanindigan ko na lang yung sinabi ko at hindi na naman siya umimik.
Pumasok na si Miss Tessa, naka itim na ulit siya, nung isang gabi ko lang yata siya nakita na nakaputi. Nag attendance kami sa kanya at isa -isa niya kaming tinawag, pero nang tawagin niya ang pangalan ko ay nag taas lang ako ng kamay at hindi tumingin sa kanya, tangina na a-awkward ako.
Natapos yung klase na nakikinig lang ako pero nakayuko lang ako sa klase at nag t -take down notes. Umuna na ako kay Jacob dahil pupuntahan pa raw niya si Rachel sa library.
Naglalakad ako palabas ng gate nang mag ring ang cellphone, si Julian iyon at nagpapabili siya ng paminta at bawang, mag aadobo raw siya. Sinaglit ko lang sa may talipapa malapit sa apartment yung pinapabili niya sa'kin.
"Peter Paul." Narinig kong may tumawag sa'kin, si Miss Tessa 'yon, tangina naiisip ko na naman yung ethics ko.
"Ah, hello po, Miss Tessa." Alanganin kong bati.
![](https://img.wattpad.com/cover/121234734-288-k181048.jpg)
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...