Chapter 35

8.8K 354 224
                                        

LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 35

Maaga akong pumunta sa restaurant para di ko makasabay si Martha sa elevator o makita siya sa lobby. Hindi sa ayaw ko siyang makita, ang kaso lang ay hindi pa ako nakakabawi ng tuluyan sa panaginip ko.

Muli akong napamura sa isip ko nang maalala ko ang mga nangyari sa lintik na panaginip lang pala. 

Pagdating ko sa restaurant ay si Jacob lang ulit ang wala. Mukhang dumadalas na kay Rachel sumasama ang isang iyon. Hindi man magsabi ay alam na naman namin.

“Narito na pala si Pipong kabit.” Sabi ni  Julian. Nagtawanan naman si Chino at Esso na parehong nasa may counter at nagkakape.

“Gago, hindi ako kabit.” Depensa ko.

“Hindi raw siya kabit.” Sabi ni Julian doon sa dalawa.

“Sige, hindi ka pa kabit pero may plano kang maging kabit.” Sabi naman ni Esso. Napailing ako at lumapit sa counter, kumuha na rin ako ng kape at hinayinaan ang sarili ko ng almusal.

“Wala rin akong planong maging kabit.” Sabi ko sa kanilang tatlo.

“Si Jacob kumusta? Mukhang nangangamoy balikan na sila ni Rachel ah.” Si Chino.

“Oo, palagay ko rin.” Sagot ko lang.

“Lagi niyo pa rin iparinig kay Jacob na type ni Julian si Rachel saka yung pustahan natin na di naman tunay para galingan pa ni brad.” Sabi ni Esso at sumangayon naman kami.

“At ikaw naman, huwag kang magiging kabit, mahiya ka sa mga santong ipinangalan sa’yo ng nanay mo. Wala pang alam si Jacob dito dahil hindi naman nagpapakita, pero kapag nalaman n’on yari ka dahil siguradong isusumbong ka n’on sa nanay mo.” Sabi naman ni Julian.

“Wala naman kasi akong plano na maging kabit.” Ulit ko.

“Gusto mo ba ng date? May kilala ako.” Tanong ni Chino sa’kin.

“Wag na p’re.”

“Hindi nga? Baka gusto mo may ipapakilala ako sa’yo.”

“Wag na nga, kaya ko namang umatikha ng sarili ko.”

“Naks, sige kailangan may naatikha ka na bago pumasok ang kasunod na buwan.” Si Esso iyon at nag high five pa yung kambal.

“Tangina, isang linggo na lang bago mag kasunod na buwan!” Reklamo ko.

“Basta kayang -kaya mo yan, kapag wala ka naipakita i-date mo yung kakilala ko.” Si Chino. Napailing na lang ako, napakarami nilang kalokohan.

-

“Pipo.” Narinig kong may tumawag sa akin. Nang lumingon ako ay napalunok ako. Si Martha na naka casual lamang na bihis. Naka pantalon siyang maong at naka sneakers na puti, maging ang polo niya ay puti rin. Ang ganda rin ng ngiti niya sa’kin.

Bumukas yung elevator pero hindi ko nagawang pumasok dahil hindi rin humakbang papasok si Martha.

“H-hey.” Muling nanariwa sa isip ko yung panaginip ko. Tangina, ang awkwars ng pakiramdam ko bigla at binanas din ako. Kapag iniiwasan mo makikita mo, kapag hinahanap mo di mo makita. Pambihira naman.

“Kumain ka na?” Tanong niya at inilabas ang lipstick niya at nag apply niyon.

“Ah, oo.” Sabi ko at nang akmang tatalikod ako ay hinawakan niya ako sa braso at pinaharap sa kanya.

“Ako hindi pa, samahan mo ako.” Sabi ni Martha. She’s extra friendly today. Mukhang maganda ang mood ni Doktora pero kailangan kong dumistansya dahil hanggang ngayon ay madumi ang isip ko.

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon