Chapter 13

7.9K 330 140
                                    

LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 13

May ilang linggo na rin akong palagiang nangungulit kay Tessa, halos gabi gabi ko siyang tinatawagan at pinagpupuyatan, puyat warrior si Miss eh. Alam ko napapansin na rin ako nila Jacob na lagi akong may kausap sa gabi, kinukulit na rin nila ako minsan pero nananatili akong walang imik. Mabuti na 'yung hindi nila nalalaman at yayariin lang kami ng mga 'to, isa pa ay iniisip ko ang kapakanan at reputasyon ni Miss Tessa.

Pumapasok din ako sa klase niya ng walang palya, maski sa lahat ng klase ko, sabi niya kasi ay dapat ko raw pagbutihin ang pag aaral ko lalo na at graduating na ako, nakinig naman ako sa kanya kaya talagang ginagalingan ko. Tinutulungan niya na rin ako sa thesis namin pero simplehan lang. Inaabangan ko siya minsan kapag pupunta siya ng library para di masyadong halata na bumubuntot ako sa kanya.

Syota na nga halos ang trato ko sa kanya, siya lang naman ang hindi pa, pero natutuwa ako kapag hinahayaan niya akong kulitin siya lalung lalo na kapag kaming dalawa na lang. Hindi na kami nag yoyosi sa play ground, kumakain na lang kami ng stick -o, substitute namin sa yosi, pero napapayosi pa rin ako sa apartment minsan, hindi ko lang sinasabi sa kanya. Mahirap din kasi pigilan lalo na kapag sasabayan ako nila Chino, tangina, isa pa mga 'yon, wala na yata kaming mga baga.

Medyo nakakasundo na rin at nakakasama ni Miss si Jacob dahil kapag nakikita niya kaming magkasama ni Jacob ay sumasabay siya sa'min maglakad or kumain, hinahayaan ko silang mag usap na dalawa habang nakikinig lang ako sa kanila, sumasali rin naman ako sa usapan pero mas nakikinig lamang ako. Nakakasama niya na rin minsan sila Chino pero pare -pareho kami na tahimik lang kasi nga ay teacher sa university si Miss, si Esso medyo nakikisali sa usapan pero nakakatawa kasi may itinatago pa pa lang hiya ang walangyang 'to. Si Rachel at si Jacob ang pinaka nakakausap ni Miss.

Hindi ko siya inihahatid kapag kumpleto ang tropa, ang ginagawa namin ay kaming lahat ang naghahatid sa kanya, ayoko rin naman kasing makahalata sila.

-

Umuwi ako sa bahay isang hapon, si Jacob na magaling nag absent kaya lahat ng teacher sa akin siya hinahanap, kay Miss Tessa ko lang sinabi ang totoo na dinidiskartehan ni Jacob si Rachel ng matindi, may pakay si brad.

Pinagtatawanan lang niya mga kwento ko sa kanya lalo na kapag tungkol sa mga kaibigan ko, kine-kwento niya rin sa akin ang tungkol sa iba niyang mga kaibigan, naaalala niya raw yung mga kaibigan niya sa mga kalokohan namin. Natutuwa ako kasi parang ang komportable na rin niya na kausap ako, nakikipag kulitan na rin talaga siya sa'kin, may panahon din na siya pa ang nauunang tumawag sa'kin. Madalas na rin talaga kaming lumalabas at tuwang tuwa naman talaga ako.

Inaasar ako nila Jacob na may syinosyota na raw ako dahil nga lagi raw akong may kausap, tulad ng dati ay hindi pa rin ako umiimik, pangiti ngiti lang.

-

Hinintay ko siya pauwi kahit wala kaming klase at pasimple akong susunod sa kanya sa labas ng school hanggang sa kaming dalawa na lang ulit.

Naramdaman ko ang pagpatak ng ulan at mabilis siyang naglabas ng payong, lumapit naman ako sa kanya at kinuha ang payong sa kanya at hinawakan iyon. Pang isang tao lang ang payong niya at bigla akong napa -Thank You kay Lord.

Nang lumakas iyon ay automatic akong napa akbay sa kanya at kinabig siyang papalapit sa'kin.

"Ay sorry." Sabi ko sa kanya pero tangina, hindi ko inalis yung pagkakaakbay ko sa kanya.

"Kunwari ka pa." Sabi niya sa'kin.

"Hindi ah, pero paakbay na rin talaga ako, Miss. Minsan lang naman 'to sasamantalahin ko na." Pag amin ko. Hindi niya ako sinaway at ngumiti lang din siya sa'kin.

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon