LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 42
Nahirapan akong makatulog ng dahil kay Miss Tessa. Hindi ko alam kung bakit ngayon at parang may kailangan siya sa akin. Kung bakit parang hindi nagkataon lang sa tuwing nagkikita kami? Kung bakit ako naguguluhan ng ganito.
Malinaw sa akin ang feelings ko, ang hindi ko maunawaan ay ang mga dahilan. Ayaw kong mag isip ng masama.
Kilala ko naman ang sarili ko at alam kong hindi ito yung damdaming may malisya. Pero hindi ko maialis sa akin ang mag alala para kay Miss Tessa.
Bakit?
Habang nakahiga ako ay naisip ko rin naman si Martha, gusto ko siyang yakapin. Iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya na may bumabagabag sa akin. Pero baka naman masaktan ko siya kapag sinabi ko ito sa kanya.
Napa buntong hininga ako at nagpilit na matulog. Mas maigi pa siguro kung hindi na lang muna ako mag iisip at nag focus na lamang ako sa ibang bagay.
-
“Good morning, Engineer Muscle, have a nice day ahead, I love you.” Message iyon ni Martha. Napangiti ako at idinial ang number niya. Tatlong ring lamang iyon at sumagot na kaagad siya.
“Hello.” Sabi niya at alam kong nakangiti siya.
“It’s 131771.” Sabi ko sa kanya.
“What’s that for? Password ng ATM card mo?” Tanong ni Martha at alam kong nakangiti pa rin siya.
“Yeah at password din dito sa bahay.” Sabi ko at narinig ko ang pag singhap niya.
“Oh, we’re already in that stage now?” Tanong niya, naiimagine kong nakataas na ang kilay niya ngayon sa akin.
“Come here, I miss you.” Sabi ko at ang kasunod ko ng narinig ay ang busy tone.
-
Narinig kong bumukas ang pintuan at natanaw ko si Martha na pumasok. Dumeretso siya sa kwarto at sumampa sa kama.
Marahan ko siyang hinila at ipinaluob siya sa bisig ko.
“I missed you.” Sabi ko at hinalikan siya sa sintido. “Parang ang tagal kitang hindi kasama.”
“I missed you too.” Sagot niya at tinunghay ako, ipinaikot niya sa akin ang nga braso niya at sumiksik sa akin.
“Breakfast?” Tanong ko sa kanya.
“Sure. Let me cook something for you.” Sabi ni Martha at agad ding bumangon. Ayaw ko pa sanang bumangon pero tumayo na rin ako at sumunod sa kanya sa kusina.
Naupo ako sa counter at hinayaan siyang maglabas mula sa ref. Nagkasya ako sa panunuod sa kanya, hindi siya nilubayan ng nga mata ko. May mga sandaling titingin siya sa akin para lamang ngitian ako. Para naman akong teenager dahil sa kada pagkakataon na ngingiti siya ay may tumatambol sa puso ko.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya mula sa likuran at hinawi ang buhok niya, marahan ko siyang hinalikan sa balikat niya.
“I love you.” Bulong ko sa kanya.
“I know, I love you too.” Sabi niya at tinapik ang braso ko.
“I really like your smell, Doktora.” Sabi ko at inamoy ang leeg niya.
“Hmm, amoy bawang na ako ngayon.” Sabi niya at inilapit sa ilong ko yung bawang na hinihilis niya at tumawa siya. Natawa na lang din ako sa ginawa niya.
Ang kulit niya. Yung kulit na nakakatuwa, yung kulit sobrang hahanap hanapin mo.
“Okay lang kahit amoy bawang o sibuyas ka pa, Doktora, sisinghutin pa rin kita.” Sabi ko at tinawanan lang niya ako.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Storie d'amore[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...
