LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 30
Hindi rin naman nag tagal at bumalik din ako sa trabaho, dalawang araw lang akong namahinga talaga. Masakit pa yung balikat ko pero hindi ko naman inaalis yung sling kaya pwede na akong nagtrabaho.
Sa dalawang araw na nasa bahay ako ay palagi akong may hatid na pagkain. Tangina, para akong may pa -room service kila Julian. Pero si Jacob at si Chino na lang ang pumupunta dahil abala sa restaurant.
Wala rin pinatrabaho si Boss masyado, puro papel binigay sa'kin, hindi muna ako isinama sa mga lalabas sa field.
-
Nang umuwi ako galing trabaho at dumeretso sa restaurant ay pinalayas ako nila Esso. Umuwi na raw muna ako at magpahinga. Kinagalitan pa nila ako dahil sa pagpasok ko sa trabaho.
"Saan ka galing?" Narinig kong may nagsalita sa likuran ko habang naghihintay sa pagbukas ng elevator. Nang lumingon ako ay si Martha ang nasa likod.
"Sa trabaho, Doc. Ikaw?" Sagot ko lang sa kanya.
"Sa ospital. Maayos ka na ba?" Tanong niya ulit sa akin.
"Oo, Doc. Ayos na ako."
Bumukas na yung pintuan ng elevator at pumasok na kaming dalawa, ako na yung pumindot para sa floor para sa aming dalawa.
"Ah, okay." Sabi lang niya tapos hindi na niya ako kinausap, parang hindi na naman ako kilala. Adik din talaga isang 'to, indifferent sa mga tao eh, naturingang doctor. "Nga pala, may pain reliever ka pa ba?"
"Meron pa naman yata." Sabi ko.
"Ah sige." Sabi niya at tumango -tango siya tapos hindi na ulit siya nagsalita. Weirdo eh.
Nang sumapit kami sa floor niya ay hindi man lang niya ako nilingon nang bababa na siya. Napailing na lang ako sa ugali niya eh. Siguro ay wala siyang ibang iniisip kung hindi yung propesyon niya, kasi parang ayaw niyang makipag usap kung hindi rin naman related sa kanya at sa ginagawa mo yung sinasabi mo.
-
Kumakain ako ng napakaraming padala ni Julian sa akin nang tumunog ang doorbell. Nagulat ako nang makita ko sa intercom kung sino ang nasa labas.
Si Martha iyon. Mabilis kong binuksan ang pintuan para salubungin siya.
"Hi, here." Sabi niya at may iniabot sa akin na maliit na container. "Be sure to take it after your meals or take it with milk para di ma -irritate yung stomach mo."
"Ah, pasok muna ka kaya muna?" Sabi ko sa kanya at nilakihan ang bukas ng pintuan ko. Bigla -bigla na lang susulpot at bigla na lamang din magsasalita. Direct to the point, walang paligoy -ligoy. I found myself amuse.
"Hindi na, dinala ko lang talaga iyan sa'yo, ang sabi mo kasi kanina ay "yata", hindi ka sigurado kung may pain reliever ka pa para sa balikat mo." Sabi lang niya.
"Kumain ka na?" Pagbabago ko sa usapan.
"Sa bahay na, sige." Sabi niya, tatalikod na siya pero hinawakan ko siya sa siko. "Bakit? Sumasakit ba balikat mo?" Tanong niya kaagad sa akin.
"Medyo, kumikirot kapag itinataas ko." Sabi ko.
"Patingin ako." Sabi niya at lumapit siya sa akin at bahagya akong pinayuko para maabot niya ang balikat ko.
"Pumasok ka kaya muna para makaupo ako at hindi tayo mangalay na pareho dito sa may pinto?" Sabi ko habang nakangiti sa kanya.
"Right." Sabi lang niya at pumasok na rin sa loob.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romansa[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...
