LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 38
Ilang linggo ko na ring ginagawang habit yung sinusundo siya pagkatapos ng shift niya. Pinipigilan niya ako pero ako namaj itong matigas ang ulo. Si Boss Zac kinausap ako, lagi raw kasi akong late pumapasok at late umuuwi, tapos biglang tinanong sa akin kung dahil daw ba kay Doc. Nagulat ako kasi alam na rin niya? Si Jacob ay nangungulit na rin.
Balik na sa kakulitan si brad palibhasa ay ayos na ayos na sila ni Rachel. Gusto na ngang magpakasal kaagad. Nang magkabalikan naman 'yung dalawa ay hindi mo naman mapaghiwalay na lang, laging magkadikit eh.
Huling araw na 'to na susundo ako kay Martha ng madaling araw dahil next week ay balik na siya sa dati niyang shift, pang umaga na raw siya ulit. Pwede na kaming sabay mag almusal at maghapunan.
-
Saktong weekend at wala siyang shift, habang ako naman ay wala ring trabaho kaya inaya ko siyang mag almusal.
Pagpasok namin sa restaurant ay agad kong nakita si Esso na napatanga sa amin. Narinig ko naman na napamura si Chino, si Julian naman ay nakangisi na dahil mukhanh expected na niya na mangyayari ito. Si Jacob at si Rachel naman ay nakangiti rin na nakatingin sa amin.
"Sarado pa yata." Bulong ni Martha at pilit na hinihila ang braso ko palabas ng reataurant. Nguniti naman ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay.
"Okay lang, Martha. Ginagawa na talaga namin ito." Sabi ko at lumakad kami papunta sa may lamesa kung saan sila naka puwesto.
"Hi, Doctora." Sabi ni Julian at inabutan kami ng pinggan na dalawa.
"H-hi." Alanganing bati ni Martha at ngumiti rin sa kanila.
"Uhm, guys, si Martha nga pala." Pakilala ko kay Martha.
"Hi." Bati ni Rachel at siya ang naunang makipag hand shake kay Martha. "I'm Rachel." Pakilala pa niya hanggang sa nagsunud -sunod na ang pagpapakilala nila.
"Kambal si Esso at Chino." Sabi ko kay Martha.
"Talaga?" Tanong niya at tumungin doon sa dalawa, ngumiti naman at tumango yung dalawa kay Martha.
"Yes po Doktora, kakambal ko ang isang ito ayaw ko man." Sabi ni Esso at ngumisi lang si Chino, hindi pinatulan si Esso.
"That's cute." Sabi ni Martha at nakangiti rin siya doon sa dalawa.
"Si Esso at si Julian talaga ang may ari nitong restaurant. Kaming tatlo naman ay sampid lang dito." Sabi ko.
"Waiter sa gabi iyang si Jacob at si Pipo, itong si Chino nMan ang dishwasher." Si Julian ang may sabi.
"Really?" Tanong naman ni Martha na sa akin nakatingin. Tumango naman ako bilang sagot. "Wala ngang sweldo eh, napaka kuripot ng dalawang iyan."
"Ba? Bakit? Kayo kaya itong nag prisinta na magkakawang gawa dito sa restaurant." Depensa ni Julian.
"Kahit pa, dapat n'ung naging okay na restaurant nagpasweldo na kayo." Si Jacob naman ang sumagot.
"Sus, ngayon lang kayo nagreklamo na dalawa kung kailan may mga kasama kayo." Sabi ni Julian sa amin.
"De, paswelduhin mo na kami dahil mag aasawa na ako. Kwentahin mo yung dami ng taon na ipinag serbisyo namin dito, luging lugi na kami sa inyo, ipapa -labor ko na kayo." Sabi ni Jacob tapos umakbay siya kay Rachel na napapailing na lang.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...
