Chapter 21

7.9K 317 178
                                    


LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 21

Byahe pa lang namin papunta kila Chino ay nakakainggit na si Jacob at si Rachel. Hindi ako makatawag o makapag text man lang kay Miss kasi katabi ko ang walang iba kung hindi si detective Chino. Ni hindi man lang ako maka simple ng pag contact eh. Ibinaba ko ang brightness ng cellphone ko pero ako naman ang nahirapan dahil masyadong maliwanag ang paligid.

Nang makarating kami sa bahay nung kambal ay nag excuse kaagad ako at naghanap ng banyo pagkatapos kaming salubungin at batiin ng mama nila. Kunwari jingle na jingle na ako pero tatawag lang talaga ako kay Miss Tessa.

Tangina, gumagaling ako sa pagsisinungaling ah.

"Hi, Miss. Sana nandito ka rin." Bungad ko kaagad sa kanya.

"Bakit? Di ka ba masaya r'yan?" Tanong niya.

"Hindi naman sa hindi ako masaya rito, ang kaso mas okay sana kung kasama kita, na -mimiss na nga kita kaagad eh."

Totoo iyong sinabi ko, okay naman dito at nag eenjoy ako na kasama sila Jacob pero parang ngayon ko lang din naramdaman na may kulang. Mas gusto kong si Miss Tessa yung kasama ko at ngayon lang ito nangyari sa'kin.

Lumabas na ako ng banyo at bumalik sa hapag. Habang kumakain kami ay nag kwento yung mama nila Esso at Chino. May binabanggit silang "Pia" at habang pinag uusapan ay nakasimangot lang si Esso. Ayon kay Julian at kay Chino ay may gusto raw kay Esso si Pia pero ayaw naman daw ni Esso.

"Irog talaga ni Esso si Pia n'ung high school." Sabi ni Julian

"Gago, hindi kaya." Sabi ni Esso at nakasimangot pa rin.

"Okay lang 'yan p're, bagay naman kayo eh." Pang aasar lalo ni Julian at nakakatawa ako dahil umikot lang ang mga mata ni Esso na para bang bagut na bagot siya sa usapan.

Nakakaintriga rin naman dahil hindi naman si Esso umaayaw sa babae pero parang ayaw niya nga kay Pia, mukha rin siyang hindi kumportableng pag usapan si Pia. Hindi na lang ako nakisali dahil baka bigla akong bawian at baka ma -corner na naman ako at maubusan na rin ako ng excuse.

-

Nang matapos kaming kumain ay nag punta na kami sa mga kwarto namin, magkakasama kami ni Jacob at Julian, habang si Esso at Chino ay nasa mga kwarto nila. Nahiga ako sa kama at naisip ko na naman si Miss Tessa at ang malambot na kama, mas okay talaga kung magksama kami.

Idinial ko ang number niya pero busy tone ang narinig ko. Napabuntong hininga ako, baka may kausap siyang importante. Nag type na lang ako ng message sa kanya bago ako nagpasyang matulog na muna dahil wala pa kaming tulog lahat.

"Hi, Miss, matutulog muna ako, I miss you."

-

Nagising ako dahil sa parang may nagwiwisik ng tubig sa'kin. Naulan ba? Nasa labas ba ako? Pagmulat ko ay agad kong nakita si Esso na may dalang water gun at binabaril kami.

"Tangina, ano 'yon?" Si Jacob na napabalikwas ng bangon.

"Esso, tado ka." Si Julian

"Tagal niyo eh, tara na, kayong tatlo na lang hinihintay namin eh, si Rachel kanina pang nasa ibaba eh, katulong na nila Mama paghahanda ng tanghalian." Sabi ni Esso tapos nagsimula na naman sa pamamaril niya.

"Tangina ka." Hindi ko napigilang sabihin, sa mukha pa kasi ang talagang target niya. Ang gago talaga eh. Bumangon na ako at ganoon din si Jacob at si Julian.

"Bilisan niyo tapos magpalit na rin kayo, mag swimming tayo mamaya kapag taib na, hibas pa kasi eh." Sabi ni Esso. Hindi talaga niya kami nilubayan hanggang hindi pa kami bumababa.

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon