LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 43
Nagpunta kaminsa lugar na wala masyadong tao para nakapag usap kami. Halata naman kasi na naiilang si Tessa sa presensya nila Chino at hindi siya majapag kwento.
“I’m sorry sa ginawa ng asawa mo sa’yo, Miss, pero labas na ako sa kung ano man ang nangyayari sa inyo. Hindi ko alam kung ano ang reason niya pero palagay ko po ay mas dapat na siya ang kinakausap mo at hindi ako.” Mahinahong ko.
Tama ako nang isipin kong may problema siya.
“I can’t give him a child.” Sabi niya sa tinig na alam kong nagpipigil ng iyak. Hindi ako nakakibo, hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko.
“I’m sorry I’m saying this to you. I just think that -that our paths crossed again for a reason.” Sabi niya ulit at nagsimula na siyang humikbi.
“I’m sorry din pero wala akong maitutulong.”
Ngumiti siya at marahang tumango.
“I know, but I think at least I need to apologize to you and baka kailangan mo ng closure.” Sabi niya at ngumiti siya.
Huminga ako ng malalim bago ako sumagot.
“Okay na ‘yon, okay lang din naman na ako. Sa totoo lang narealize ko na hindi ko naman kailangan ng closure. Akala ko talaga noon ikaw lang yung magugustuhan ko, pero matagal lang pala siyang dumating.” Sabi ko sa kanya at ngumiti ako. Inisip ko si Martha.
“I see.” Sabi niya at ngumiti rin siya. “Perhaps we could be friends again.” Dugtong niya.
“Sure.” Sabi ko
“Let’s drink?” Yaya niya, bago pa ako makasagot ay nag order na siya ng maiinom. Dalawang bote lang ng beer iyon.
Pinag usapan namin yung mga nangyari noong college. May mga topic siyang gustong buksan, yung mga nangyari sa amin dati pero umiiwas ako.
Malungkot lang siguro siya talaga dahil sa nangyari sa kanya. Nasasaktan lamang din sita pero sa palagay ko ay maaayos pa naman nila ang relasyon nilang nag asawa. Mukha namang gusto ni Miss Tessa ang lalaking iyon.
“My husband cheated on me with a whore he met somewhere and he cheated on me again with another whore!” Sabi niya bigla. Nag order siya ng mas matapang na alak.
“Tama na ‘yan, Miss. Kailangan ko na ring umalis.” Sabi ko sa kanya at nakita ko ang biglang pagsimangot niya.
“Can’t we stay a little longer?” Tanong niya. Tumingin ako sa relo ko at napansin kong alas tres na ng madaling araw. Matagal pala kaming nakapag usap na dalawa.
“Sorry, Miss.” Sabi ko at tumayo na ako. Tumayo na rin siya at magkasunod kaming lumabas. Ipinara ko siya ng taxi at tumango lang ako sa kanya.
“Thank you, Peter Paul.” Sabi niya, sasakay na sana siya ng taxi nang biglang napaupo siya sa may gilid ng kalsada at nagsimula siyang magsuka.
Napa buntong hininga ako at iniabot ko ang panyo ko sa kanya.
“I’m sorry.” Sabi niya ulit nang matapos siya.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...