Chapter 27

7.6K 311 265
                                    

LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 27

Maghapon ko ng tinatawagan si Miss Tessa pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nakapatay ang cell niya at hindi rin siya sumasagot sa mga messages ko.

Parang sasabog ang ulo ko sa tuwing nakikita ko sa isip ko yung tagpo kanina sa restaurant. Kahit anong sabi ko sa isip ko na baka namamalikmata lamang ako ay hindi pwede dahil maging sila Jacob ay iyon ang sinabi: May kasama siya.

Nagpasya akong pumunta sa apartment niya. Patay ang ilaw doon, indikasyon na walang tao.

Napatingin ako sa relo ko at nakita kong ​pasado ​alas nueve na ng gabi. Muli kong naikuyom ang mga palad ko.

Naupo ako sa may hagdan para hintayin siya, mas madali ko siyang makikita kung doon ako maghihintay.

-

Natanaw kong may tumigil na kotse sa may di kalayuan. Bumaba yung lalaki at pinagbuksan ng pintuan si Tessa. Muli kong naiyukom ang palad ko, hindi nakaligtas sa mga mata ko ang halik na ginawa ng kung sino mang gago kay Tessa. Gusto kong magwala.

Nanatili akong nakamasid sa kanila. At ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko na para bang minamaso.

Nang umalis na yung lalaki ay naglakad na si Tessa papasok ng building at napatigil siya nang makita niya ako.

"What are you doing here?" Malamig na tanong niya sa'kin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"You know, you saw us." Sabi ni Tessa. Nakatingin siya sa malayo at nanginginig ang kamay niya habang pinipilit na itago iyon sa akin. "You're not suppose to be here, dapat ay nasa Dubai ka pa." Dagdag niya. "Pero hindi na mahalaga iyon, nakita mo na, well yes, wala akong itatanggi." Pumatak yung luha niya habang nagsasalita siya at hindi ko napigilan ang sarili ko na kabigin siya at ikulong sa bisig ko para aluin siya.

"Shh, it's okay." Mahinang bulong ko.

"It's not okay!" Sabi niya at tuluyang humagulhol.

"Don't be like this, Pipo. I am cheating on you, I am cheating on both of you!" Napaupo siya sa may hagdan at umiyak lamang doon. "This will never be okay, I am the worst, cheating is never okay."

"Tessa ..."

"I'm sorry, Pipo. Alam kong hindi sapat ang sorry ko, I took advantage of you, alam kong mali una pa lang at hindi dapat pero nagsawalang kibo ako." Sabi pa niya sa pagitan ng bawat paghikbi niya.

"I don't care." Mariing sabi ko at napatunghay siya sa akin.

"What are you saying?" Parang naguguluhang tanong niya, nakakunot siya at namumula ang maganda niyang mukha.

"I don't care, wala akong nakita, wala akong alam." Dagdag ko.

"Pipo, no, hindi mo kailangang gawin 'to, you should be mad at me, why are you doing this?" Muli siyang humagulhol at naitakip niya ang mga kamay niya sa mukha niya.

"I know, but I'm not. Use me, wala akong pakialam but I'm staying."

"No Pipo, don't do this." Humagulhol siyang muli.

"Yes, Tessa."

"Sira ka ba? Niloloko kita! I am cheating on you, why are you doing this? I am cheating on you, Pipo. Hindi mo ba ako naiintindihan? You're mad."

"Sira na talaga ako and yes I am mad, I am madly in love with you, Tessa, so I'm staying."

"Pipo, no."

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon