LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 7
Nag aalinlangan ako kung anong gagawin ko kay Miss Tessa, pantay na ang paghinga niya, indikasyon na tulog na siyang talaga. Hindi ko alam kung bubuhatin ko ba siya para ihiga sa sofa o ikukuha ko na lang siya ng unan na ilalagay ko sa gilid ng mukha niya? Mas pinili ko yung huli dahil mas safe, dapat doon tayo sa laging safe, mahirap na kasing maka disgrasya. Matapos ng ginawa ko ay napaisip ako ng kasunod kong gagawin, nahihiya akong makialam sa gamit niya kaya mas pinili ko na walang gawin maliban sa ipag init siya ng tubig, baka kailanganin niya iyon mamaya pag gising niya.
Naglalakad ako pauwi nang mag ring ang cellphone ko, si Chino iyon at nagtatanong kung nasaan na raw ba ako, nang sabihin kong pauwi na ako ay wala namang ibang sinabi kundi "Sige".
Si Chino pa lang ang gising sa kanila nang dumating ako sa bahay, hindi siya nagtanong sa'kin at tinanguan lamang niya ako. Dumeretso naman ako sa banyo at naligo ng mabilis, nang makita ko ang kama ko ay para akong na -magnet at automatic na dumapa doon.
-
Mabilis akong napabangon nang sa panaginip ko ay nasa ibabaw ko si Miss Tessa at gumagawa kami ng milagro. Pagmulat ko ay unan ang nakapatong sa'kin, naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko dahil sa panaginip ko, tangina bakit ba gumising pa ako eh ang saya ng panaginip ko. Pagyuko ko sa sarili ko ay naitakip ko lang ang unan sa mukha ko, tigas ang ethics ni brad.
Tahimik ang buong bahay, mukhang walang tao. Baka may klase ang mga 'yon. Nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko ay alas tres na ng hapon, may klase kami ng ala -una ni Jacob pero kokopya na lang ako ng notes sa kanya, tiyak na sinabi na sinabi na rin naman n'on sa prof namin na masama ang pakiramdam ko, ganoon naman palagi eh, takipan dapat para ayos pa rin ang image, di kami pwedeng sabay na absent ni Jacob dahil ang unang sinasabi ng prof ay naglasing lang daw kami sigurado.
Bumangon na ako at kumain, may luto si Julian na nakalagay sa ref, iniinit ko na lang iyon.
Si Miss Tessa kaya, kumusta? Baka may hangover 'yon, parang mas marami pa kasi siyang nainom kaysa sa'kin, baka pagkagising pa niya eh uminom na naman siya ng alak. Kinuha ko ang cellphone ko sa kwarto at nag send ng message sa facebook account niya.
"Hello, Miss Tessa, kumusta na po kayo? Kumain na po ba kayo?"
"Hello rin, Pipo. I'm sorry about last night and thank you."
Hindi ako nakakibo agad sa sinabi niya, dumumi yung isip ko, parang may iba kaming ginawa kagabi ah, kung iba ang makakabasa nito baka kung ano rin ang isipin nila na ginawa namin.
"Wala po 'yon, ayos ka na po ba?" Reply ko sa kanya.
"Ayos na ako, salamat."
"Nasaan po kayo?"
"Nasa bahay pa ako, wala akong klase ngayon, ikaw ba, nasaan ka?"
"Nasa bahay din po, absent po ako. Hehe."
"Kasalanan ko ba? I'm sorry, Pipo."
"Di naman po, ayos lang, kumain na po kayo?"
"Sa susunod 'wag ka mag absent. Hindi pa ako kumakain pero kakain na ako, kumain ka na rin, Pipo."
"Hindi naman po talaga ako pala-absent. Kain na po kayo, tapos na ako."
"Sige, Pipo, talk to you later." Sabi niya tapos nag offline na siya, gayunpaman ay nag reply pa rin ako sa kanya. Busy talaga pagkatao niya.
"Sige po, Miss."
Nagtimpla ako ng kape at lumabas sa may veranda, pag upo ko doon sa gilid ay nakita ko si Jacob at si Rachel na naglalakad. Nagsindi ako ng yosi at binati silang dalawa. Kumaway sa 'kin si Rachel habang nakabungisngis na sa'kin si Jacob. Nang maka akyat sila ay sinabi ni Jacob na hinahanap daw ako ng mga prof namin pero nagawan na niya ng paraan, ang sinabing dahilan ng magaling na ito ay dumating daw ang mama ko kaya hindi ako nakapasok. Binili naman daw ng teacher namin yung sinabi niya, buti na lang din dahil patanga -tangang magsinungaling ang isang 'to kung minsan.

BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...