LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 6
Naubos namin ni Miss Tessa yung isang bucket na beer at nag order pa kami ng isa pa at isa pa, halos tig isa't kalahating bucket kami at nag order na siya ng sisig at iba pa doon sa kinainan namin, tangina, naging inuman na yung celebration namin.
Tawang -tawa ako nang iwanan niya yung cellphone niya at yung bag niya doon sa personnel ng café kasi nagpasama siya sa'kin na mag withdraw kasi kinapos na rin yung allowance ko, nakakahiya. Buti na lang at kilala na rin siya nung mga staff doon, pero kahit sinabi ng mga staff na okay na ay ibinigay pa rin talaga niya mga gamit niya, buti na lang din at may malapit na ATM doon, di na namin kinailangang maglakad pa ulit ng malayo.
Nakataas na yung binti niya sa arm rest ng upuan at nakasandal siya sa kabilang panig ng upuan, at nakatingala sa langit, may hawak na bote sa kanang kamay niya at yosi na nakaipit sa labi niya. Ang ganda ganda niya sa paningin ko, kaya naman pala maraming nagkaka gusto sa kanyang estudyante, pero ang side niyang ito ay akin lamang, ayokong i-share sa iba at ayokong makita ng iba, baka isa lang din ako sa mga may crush kay Miss Tessa pero feeling ko rin ay itinuturing ko na rin siyang kaibigan. Para kaming adik na nagbibilang ng bituin doon, sayang at walang buwan. Nag h-hum siya ng kanta na hindi ko alam, pero maganda ang melody.
"Ano pong title niyan?" Tanong ko sa kanya.
"Star Mile" Simpleng sagot niya tapos pumikit siya.
"Ngayon ko lang narinig yan."
"You had and lost the one thing you kept in a safe place. Remember the face of the girl who had made you her own and how you left her alone." Sabi niya
"Lyrics po ba 'yan?" Tanong ko.
"Oo. It's beautiful but sad."
"Parang ikaw, Miss." Sabi ko, she chuckled then dumeretso na siya ng upo at kumain siya ng sisig at saka uminom ng beer.
-
Alas dos na yata kami ng madaling araw umalis doon, kung hindi pa kasi nagsabi yung manager na magsasara na sila ay baka kung hanggang anong oras kaming dalawa na nakaupo doon.
Inihatid ko siya pauwi dahil malapit lang naman. Pagdating namin sa apartment niya ay mayroong bulaklak sa may pintuan niya, kasama ng mga bulaklak ang dalawang kahon. Ang isa ay tiyak akong cake ang laman, habang ang isa naman ay regalo. Parang biglang na blangko yung expression ni Miss Tessa, naiyukom ko ang palad ko, parang alam na naming pareho kung kanino nanggaling ang mga iyon.
Ako na ang nagkusang kumuha ng dalawang kahon at ng bulaklak para mabuksan niya ang pintuan.
"Thank you, Pipo."
"Sige po, tulungan ko na kayong ipasok 'to."
Nang ipatong ko yung bulaklak sa lamesa ay napansin kong mabilis siyang tumalikod sa'kin at ilang sandali lang ay narinig ko siyang humikbi.
"Miss?" Tawag ko sa kanya, at mabilis niyang pinahid yung luha niya at narinig ko siyang suminghot.
"Thank you, Pipo, gusto mo ng cake?" Tanong niya sa'kin at kumuha siya ng platito at tinidor doon sa lagayan niya. Hindi ko alam kung dapat na ba akong umalis para makaiyak siya, hindi ko kasi alam, baka kasi gusto niyang mapag isa pero ayaw ko naman siyang iwanan, mas malulungkot kasi siya kapag umalis ako.
"Sige po." Sabi ko at naupo ako doon sa may kusina, naupo naman siya sa harap ko at binuksan niya yung kahon ng cake. Nag slice siya ng dalawa at naupo na rin siya.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...