Chapter 12

8.1K 337 166
                                        

LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 12

Parang hindi nagulat si Tessa sa sinabi ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatitig sa kanya, yumuko siya at pumaling sa ibang direksyon.

"I -I know. Pero baka natutuwa ka lang sa'kin dahil teacher mo ako." Sabi niya at huminga siya ng malalim, sumandal siya sa nakabukas ng pintuan.

"Alam ko na hindi, kilala ko ang sarili ko at sigurado ako na gusto kita, sigurado ako sa feelings ko." Paliwanag ko, hindi ko iniaalis ang tingin ko sa kanya. Bumuntong hinga naman siya bago magsalita.

"Baka infatuated ka lang sa'kin."

"You're not listening, sabi ko sigurado ako na gusto kita at sa feelings ko." Ulit ko at may diin sa bawat salitang binitiwan ko.

"Well, thank you for your feelings, pero bakit ako? Ang dami dami mong kaklase at kasing edad na babae, bakit ako?" Tanong niya, may pagdududa pa rin sa tinig niya na tila humihiwa naman sa puso ko.

"Bakit hindi?" I countered. "Mabuti kang tao, inuuna mo ang iba kaysa sa sarili mo, maganda ang layunin mo, you have passion sa ginagawa mo, itinuturo mo ang lahat ng alam mo at hanggang sa makakaya mo sa amin, hindi ka madamot, you have quirks na lalong nagpapaganda sa'yo, marami akong reasons, reasons na hindi ko na mapangalanan, pinaka masaya ako kapag kasama kita."

"Thank you, Pipo."

"You're welcome." Nasabi ko na lang. Handa naman ako na hindi niya ibalik yung feelings ko, di naman siya required at alam ko na rin naman na iyon ang mangyayari, ang layu -layo ng agwat namin, eh, pero hindi naman ibig sabihin n'on ay titigil na ako sa pagkakagusto sa kanya. Huminga ako ng malalim bago muling magsalita. "So, see you tomorrow po, Miss Tessa, pumunta lang po ako rito para sabihin sa inyo ng personal ang feelings ko."

"I see. Thank you, Pipo."

"Sige po, mauuna na po ako sa inyo, magpahinga na po kayo." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at tumalikod na ako kaagad. Tangina, masakit pa rin pala kahit handa naman ako sa kalalabasan ng sinabi ko. Tangina, parang nagsisikip ang dibdib ko. Nagmadali akong makauwi sa apartment, parang gusto kong umiyak na hindi ko maintindihan, tangina, parang bata eh.

-

Pagdating ko sa bahay, nag a -I love you -han pa si Jacob at si Jacob sa cellphone, putangina, nakaka -bitter din pala talaga kapag ganito. Kumuha ako ng beer sa ref at naupo sa may veranda. Naroon si Chino na nagkakape, katabi si Esso na naglalaro sa PSP. Mukhang magkasundo ngayon ang dalawang 'to.

Huminga ako ng malalim at ininom ang laman ng bote ko.

Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko, nang kuhanin ko iyon ay message ni Miss Tessa ang naroon.

"Salamat, Pipo."

Anong dapat i-reply d'on? Aanhin ko ba ang salamat niya? Shit, nakakabaliw naman ang ganito.

"Walang anuman po, see you po bukas sa klase, wag sana kayong mailing sa'kin." Reply ko.

"Sure, see you tomorrow, good night."

"Good night po."

Pinatay ko na ang cellphone ko at muli akong napabuntong hininga. Bigo si Pipo.

Napansin kong nakatingin sa'kin si Chino habang umiinom ng kape, nang tingnan ko siya ay tinanguan niya ako, parang sinasabi sa'kin na alam na niya kung anong tinatakbo ng isip ko, may pagka -CIA talaga isang 'to. Ngumiti lamang naman ako kaysa magsabi. Maya -maya pa ay nakipag inuman na rin sila sa'kin, nang maubos ni Chino ang kape niya ay naglabas na rin siya ng beer para sa kanya at kay Esso at sinabayan ako.

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon