LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 45
Halos maya’t maya akong tumatawag kay Martha habang nasa Dubai ako. Mabilis lang naman yung mga tawag ko dahil pareho kaming may inaasikasong trabaho.
Nagpapasalamat na rin ako kay Doc Erin at kay Franz dahil inihahatid nila pauwi si Martha. Bago rin kasi ako umalis ay nagpunta kami nila Doc Erin. Inihatid din ako sa airport ni Martha. Nakakatawa kasi parang ang tagal kong mawawala eh halos dalawang linggo lang naman kami.
Hindi na sumama si Jacob kahit isinasama siya ni Boss. Ang katwiran ay ikakasal na raw kasi siya kaya sa kanyang bride lamang daw siya. Tangina, parang tanga. Pinagalitan ni Rachel pero wala pa rin. Hindi nagpaawat.
Sa restaurant ay ibinilin ko rin si Martha na pakainin nila palagi. Pinahahatiran daw nila Julian ng pagkain sa ospital para raw hindi na ako mangulit pa. Sinaway ako ni Martha at sinabing hindi ko na raw kailangan pang gawin iyon, nakakahiya rin daw kasi kila Esso. Ang sabi niya ay doon siya kumakain ng almusal at hapunan dahil palagi naman daw siyang inaaya ni Rachel at Jacob na doon na kumain para may kasabay siya. Pang morning shift na kasi siya ulit.
Parang nag papa cute naman si Esso at si Julian sa ibang doctor at nurses ng ospital. Ang sabi kasi nila ay sila pa mismo ang nagdadala ng pagkain doon. Dadali na naman ang dalawang iyon. Walang katigil tigil sa paglilikot.
-
Lumipas yung buong linggo at nag message sa akin sila Esso na nagpunta raw sa restaurant si Miss Tessa at hinahanap ako. Sabi nila ay buti na lang daw at wala si Martha nang nagpunta si Tessa. Tinatanong nila kung sasabihin daw ba nila kay Martha o hindi. Naligalig naman ako ng bahagya dahil tiyak na magagalit na naman si Martha pero baka mas lalo lang din siyang magalit kung hindi ko sasabihin sa kanya.
Iniisip ko rin na baka masaktan si Martha at iyon ang pinaka ayaw kong mangyari.
Nabigla raw si Esso sa tanong ni Miss Tessa kung nasaan ako kaya nasabi raw niya ang totoo na nasa business trip kami sa Dubai. Nagkagulatan sila nang makita si Miss Tessa roon, ang sabi ni Julian ay nagsalita raw si Esso kay Miss Tessa na hindi magandang tingnan para sa isang may asawa ang pumupunta sa ibang lalaki. Hindi naman daw nag react si Miss Tessa.
Nakaramdam ako ng kaba sa mga ikwinento nila. Nag usap na kami ni Miss Tessa at ang alam ko ay malinaw na sa kanya na magkaibigan lang kami. Hindi naman sa nag iisip ako ng ibang bagay na may malisya pero mas mabuti na ang maingat at ang nasa tama. Higit sa lahat ay ayaw kong masaktan ang mahal ko.
-
“Babe, I have something to tell you.” Sabi ko jay Martha habang kausap siya sa telepono.
“Hmm? What is it?” Sabi niya, kauuwi lamang niya galing sa restaurant.
Huminga muna ako ng malalim bago ko sabihin sa kanya. Rinig ko sa tenga ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi ko ipagkakaila na kabado ako.
“Ang sabi nila Esso ay nagpunta raw sa restaurant si Miss Tessa at hinahanap ako, hindi nila alam kung papaano sasabihin sa iyo kaya sa akin nila sinabi.”
Katahimikan.
“Martha?” Tawag ko nang hindi siya tumugon.
“Hayaan na natin ‘yon. Hayaan na natin siya, ayaw ko siyang pag usapan lalo na at malayo ka, kapag umuwi ka na lang. Ayokong mag aaway pa tayo, pagdating mo na tayo nag away para malambing din natin ang isa’t isa kaagad.” Deretsong sabi niya at hindi ko napigilan ang pag ngiti.
“I love you.” Sabi ko.
“I love you too. Come home soon, sobrang miss ka na namin ni Darcy.” Sagot niya.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...