LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 37
Hindi ako umalis sa ospital kahit na ayaw daw akong kausapin ni Martha. Naghintay ako r’on sa may waiting area at ilang beses ko ng nakita na dumaan si Martha pero hindi niya yata ako napapansin dahil nasa may bandang likuran ako.
Ilang saglit lang ay muling lumapit sa akin si Doc Erin at tumayo naman ako. Ngumiti siya sa akin at ganoon din naman ako sa kanya.
“Huwag ka raw makulit sabi ni Martha, pero tanong ko lang ha. Anong relasyon niyo ng kapatid ko? At bakit ayaw ka niyang kausap? Nag break ba kayo? Another thing is, naiirita ako kapag ginagawa niyo akong messenger so kunyari na lang na pinaalis kita, pero wait ka lang dyan dahil patapos na ang shift niya in fifteen minutes.”
“Huh?” Sa dami ng sinabi niya ay hindi ko alam kung alin ang una kong sasagutin.
“Itinatanong ko kung anong relasyon niyo?” Ulit niya.
“Wala pa kaming relasyon.” Sagot ko.
“Pa? I see, sige lang. Ipapa-background check kita sa asawa ko. Ano ngang full name mo?” Tanong ni Doc Erin at naglabas ng ballpen at papel mula sa bulsa ng coat niya.
“Huh? Ah eh, Peter Paul Rodriguez” Mabilis kong sagot.
“I see. Thank you, Pipo. Hintayin mo na lang si Martha, wag mo na lang sabihin na pinaghintay kita.”
Tumango na lang ako at muli akong naupo roon sa waiting area habang si Doc Erin ay lumakad na palayo.
-
Lumabas si Martha at nagulat siya nang makita akong nasa mismong harapan ng quarters. Nakabihis na siya at hindi na naka scrub suit. Sa likod niya ay si Doc Erin na nilagpasan kami pareho na parang hindi kami nakita.
“Ate, pasabay na ako.” Sabi ni Martha kay Doc Erin.
“Hindi na, mukhang may sundo ka naman.” Sabi ni Doc Erin at dere-deretsong lumabas. Sa may exit ay nakita namin doon na may sasakyan na nakatigil at nakababa ang bintana, baka iyong lalaki sa driver seat ang asawa ni Doc Erin. Parang nakakatakot ng bahagya yung asawa ni Doc, balbas sarado.
“Mag taxi lang muna tayo dahil hindi pa ayos ang sasakyan ko, nasa casa pa hanggang ngayon eh.” Sabi ko kay Martha na pinipilit namang iwasan na naman ako ng tingin. Nauna na siyang lumabas at sumunod naman ako sa kanya.
Pumara ako ng taxi at pinauna ko siyang sumakay. Nang pagkasakay namin ay kumulo ang sikmura ako na ikinangiwi ko. Tangina, nakakahiya.
“Gutom ka na ba?” Tanong ni Martha sa akin. Kinakausap niya ako pero hindi siya tumitingin sa akin.
“Medyo, hindi pa kasi ako kumakain.” Pag amin ko.
“Dinalhan mo ako ng pagkain pero hindi ka pa pala kumakain.” Sabi niya. Mahina iyon pero wala sa tono niya ang sinusungitan ako. Mas parang mahihiya siya sa akin.
“Okay lang ‘yon.” Sabi ko at tiningnan siya.
“Salamat sa pagkain. Mukhang hindi ka na galit sa akin.” Bulong niya habang nakatingin pa rin sa labas. Hinawakan ko siya sa siko para palingunin sa akin. Pumaling lang siya pero hindi siy tumingin. Gayunpaman ay nagpatuloy ako sa sasabihin ko sa kanya.
“Hindi naman ako nagalit sa’yo eh.” Paliwanag ko. Huminga ako ng malalim bago ituloy ang sinasabi ko. “Sorry kung ganoon ang reaction ko noong nakaraan, kung na -offend kita, hindi ko sinasadya.”
“Manong, dito na lang kami bababa.” Sabi ni Martha bigla sa driver at napatingin na lang ako sa labas. Nasa may tapat kami ng McDonald’s di kalayuan sa building, mga quince minuto ang layo kung lalakarin mo.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...
