LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 20
"Baby tonight is your night and I will do you right, just make a wish on your night, anything that you ask I will give you the love of your life."
Lumalalim ang bawat paghinga naming dalawa. Humihigpit ang bawat pagkahawak niya sa'kin na tila nag aalinlangan kung kakabigin ba ako o hindi at ang paglunok namin ay halos nagkakasabay na.
Mainit na ang pakiramdam ko at alam kong gan'on din siya.
"Tessa." Bulong ko.
"Hmm." Sagot niya at ipinikit ang mga mata niya. Marahan ko siyang kinabig papalapit sa akin, ang haplos ko sa kanya ay unti unting dumidiin.
"I want you."
"I'll make love to you like you want me to and I'll hold you tight, baby all through the night."
"I know."
"I know I shouldn't but I desire you, Tessa, I desire you." Pag amin ko at unti -unting ibinaba ang mukha ko patungo sa kanya. I tugged her chin to meet her eyes. Kumikislap ang mga iyon at alam kong ganoon din ang sa akin. Nang tumango siya ng bahagya ay ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Muli akong napalunok bago sakupin ang labi niya.
Pinagapang ko ang kamay ko sa gilid ng katawan niya, habang ang mga kamay niya ay tumaas mula sa dibdib ko patungo sa batok ko at sa buhok ko.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa antisipasyon. Alam ko kung ano ang gusto ko.
"Pipo ..."
Naririnig ko ang warning bells sa isip ko pero nagpatuloy lamang ako at dinama ang katawan niya. Ang init ng balat niya ay parang tumutupok ng unti -unti sa akin. Bumagsak kaming dalawa sa sahig. Ako ang nasa ibabaw at siya sa ilalim, naglakbay ang mga kamay ko pababa sa hita niya at nagtagal doon habang ang mga labi ko ay bumaba na rin patungo naman sa leeg niya.
"Pipo ... we shouldn't."
"Hmm?"
Nagpatuloy lamang ako sa ginagawa ko. Ang paghaplos ko sa hita niya ay tumataas, may gustong patunguhan.
"Pipo, we should stop." Mariing sabi niya, may mahihinang pag ungol na nagmumula sa kanya pero kasunod niyon ay ang pagpigil niya sa'kin at hindi na niya kailangang ulitin pa para maintindihan ko.
"Shit, I'm sorry." Sabi ko at mabilis akong bumangon at tumalikod sa kanya. "I'm sorry kung naging mapusok ako, wala akong excuse." Sabi ko, naramdaman ko ang namumuong pawis sa noo ko. Tangina, baka iniisip na niya na napaka manyakis ko, baka ma basted ako ng biglaan dahil sa kapusukan ko.
"No, its okay, I didn't mean to tease you." Sabi niya sa mababang tinig. Bahagya rin siyang nakatalikod sa akin.
"You didn't. Ako itong nauna." Katahimikan.
Tumayo siya at pumunta sa kusina. Nakita ko siyang kumuha ng tubig mula sa ref. Lumingon siya sa'kin pero agad ding nag iwas ng tingin nang makita niyang nakatitig ako sa kanya at hindi ko napigilan na mapangiti. Alam ko na hindi lang ako ang nag iisang nahihirapan, alam ko ang epekto ko sa kanya at parang pangkiramdam ko bigla ay ang ganda kong lalaki.
Bumalik ako sa pag checheck ng test papers at mas lalo akong napangiti nang mag play ang isang kanta ng Backstreet Boys. Nang bumalik si Miss Tessa ay may dala siyang tubig para sa'kin. Mas kailangan kong maligo pero pwede na rin ang malamig na tubig. Kinuha ko ang ilang papel sa sahig at ipinatong iyon sa kandungan ko. Baka mahalata niya ang "ethics" ko.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...