LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 17
Hindi ako magkaigi sa pagbubukas lang ng pinto dahil ang kulit ng babaeng ito at kung anu -ano pa ang sinasabi.
"Bakit ang tagal? Ipapasok mo lang naman ah." Sabi niya tapos hinampas ako sa likod.
Tangina, ano ba kasi ito? Iba ang itinatakbo ng isip ko sa mga sinasabi niya.
"Wag kang malikot, baka iba ang maipasok ko." Sagot ko sa kanya.
"Ako na nga!" Sabi niya tapos bumaba siya at inagaw ang susi mula sa akin, yung mga mata niya nanlilisik sa'kin, tangina, nakakakilabot na nakaka ano. Napalunok ako sa tingin niyang iyon sa'kin. "Para tatlong susi lang ang pagpipilian mo hindi ka pa magkaigi sa pagbubukas?"
Tangina, napa face palm ako. Tatlong susi nga lang naman ang pagpipilian ko.
Itinulak niya pabukas yung pintuan at agad ko siyang inalalayan dahil nawawalan pa rin siya ng balanse. Iniupo ko siya sa sofa at mabilis na pumunta sa kusina para ikuha siya ng tubig.
"Ayaw ko n'an, may beer pa r'yan, iyon ang mas gusto ko."
"Hindi pwede, lasing ka na nga, eh." Pagbabawal ko sa kanya, pero nanghaba bigla ang labi niya at sumimangot na parang nagmamaktol na bata.
"Ngayon na lang ulit ako uminom kasi diba sabi mo uminom lang ako kapag ikaw ang kasama ko? Ginagawa ko na 'yon, kaya sige na, pumayag ka na, kumuha ka rin ng sa'yo para dalawa tayo."
Bumuntong hininga ako at bumalik sa kusina, kumuha ako ng dalawang bote ng beer sa ref. Pagbalik ko sa sala ay nakahiga na sa sahig si Tessa. Tulog na yata.
"Hey?" Tawag ko sa kanya, ipinatong ko ang dala kong beer sa centre table.
"Hmm?" Sagot niya at nagmulat ng mata, naupo siya at sumandal sa sofa.
"Kaya pa? Mukhang antok na antok ka na talaga."
"Kaya ko pa." Sagot niya at inabot ang beer sa lamesa at agad na tinungga iyon. "Hindi pa naman bukas eh!" Sabi niya at iniabot sa'kin ang bote niya.
"Ikaw eh, inom ka ng inom." Natatawang sabi ko at binuksan iyon gamit ang ngipin ko.
"Paano 'yan? Ang galing." Sabi niya at ginaya ako, mabilis ko namang inagaw yung isang bote sa kanya.
"Tsk tsk, wag na, baka matanggal pa yang ngipin mo, gawain lang ng mga eksperto 'to." Sabi ko at muli niya akong sinimangutan, ininom na lang niya yung laman ng boteng nabuksan ko na.
Uminom kaming pareho at lalo yata siyang kumulit. Nakatitig naman ako sa kanya at para akong adik na tuwang tuwa sa bawat kilos niya.
"Quit staring." Sabi niya sa'kin.
"Ayaw ko nga, ang cute cute mo kaya." Sabi ko lang.
"You really like me?"
"Yes." Mabilis na sagot ko.
Lasing siya, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano, she reached out for me, hinawakan niya ang mukha ko at ang sumunod niyang ginawa ay nakapagpatigil ng mundo ko.
Hinalikan niya ako.
"Wait, Tessa ..." Awat ko sa kanya, lumayo ako sa kanya kahit nakailang sukli na rin ako sa halik niya, na realize ko na panay din naman ang halik ko at nakahawak na rin ako sa bewang niya, tangina, isa't kalahating nag take advantage rin naman.
"Bakit?"
"Lasing ka, hindi mo alam ang ginagawa mo." Sabi ko, tumayo ako.
"Anong hindi alam? Ewan ko sa'yo." Sabi niya at ininom niyang muli ang laman ng bote niya, kinuha ko naman ang bote ko at ininom ko na rin 'yon, kailangan ko 'yon. Nang maubos ko ang laman ng bote ko ay napansin kong nakahiga na ulit sa sahig si Tessa, tuluyan na yatang nakatulog.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romantizm[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...
