LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 34
Hindi ako pwedeng magkamali, si Tessa nga ang nakita ko. Tumalikod na siya at nakita kong may kasama siyang ilan na mga babae. Nang makita ko silang papalabas ng club ay mabilis kong ibinaba yung bote ng beer at sumunod sa kanya.
"Tessa."
Hindi niya yata ako narinig dahil hindi siya tumingin. Hinagip ko ang braso niya para pigilan siyang lumakad. Napatingin sa amin ang mga kasama niya.
"Hello, Mr. Rodriguez." Bati niya sa akin. Tangina, para akong inihampas sa pader nang marinig kong muli ang boses niya. "He used to be my student." Sabi niya doon sa mga kasama niya. Nag paalam ang mgaa ito sa kanya na uuna na, hihintayin na lamang daw nila si Tessa sa may parking lot.
"Tessa." Ulit ko sa pangalan niya at hindi ko binitawan ang braso niya.
"Hi, how are you, Mr. Rodriguez?" Tanong niya sa akin at inalis ang pagkakahawak ko sa kanya, nag iwas din siya ng tingin at humalukipkip.
"I'm okay, ikaw? I heard you're married now." Sabi ko at tiningnan siya.
"Yes, I'm married now, how about you? Any plans for settling down?"
Napalunok ako, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya ba ako? Malungkot pa ako? Sari -sari yung emosyon na hindi ko mapangalanan.
"Wala pa sa ngayon." Pag amin ko. "Anyway, where's your husband?" Tanong ko, bago pa siya makasagot ay nag ring ang cellphone niya. Imwinestra ko naman ang kamay ko para sagutin niya iyon.
"Yes, yes. Susunod na ako." Sabi niya at ibinaba na rin agad yung cellphone niya at apologetic na tumingin sa akin. "I'm sorry, I have to go." Sabi niya at tumalikod sa akin, hinagip ko naman muli ang braso niya para pigilan siya.
"Can I see you again?" Tanong ko sa kanya.
"I'll see you when I see you." Sabi niya at alanganing ngumiti, inalis ulit pagkakahawak ko sa kanya.
Ibig sabihin ay hindi.
Naiyukom ko ang palad ko at nag ngalit ang mga bagang ko habang pinapanuod siya lumalayo na naman sa akin. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay tumawid na ako ng kalsada at umuwi na.
Sa bahay ay ibinabad ko ang sarili sa ilalim ng dutsa.
Nang matapos akong maligo ay saka ko naalala si Martha. Tangina! Nakalimutan kong kasama ko si Martha, nakakahiya!
Mabilis akong nagbihis at bumaba papunta sa unit niya.
Walang tumutugon nang dumating ako sa tapat ng pintuan niya.
"Martha!" Tawag ko. Narinig kong tumatahol si Darcy mul sa kabilang panig ng pintuan.
"Martha, I'm sorry." Tumigil ang pagtahol ni Darcy, siguro ay dahil naroon na rin si Martha sa may pintuan pero hindi pa rin niya binuksan iyon.
"Look, I'm really sorry. May nangyari lang, I saw someone, hindi ko naman intensyon na iwanan ka r'on." Sabi ko. Mga ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan. Nakatayo roon si Martha at naka pakahalukikip sa akin. Hindi ko naman napigilan ang pagtaas babaa ng tingin ko sa kanya.
Maiksi ulit ang shorts niya at naka tank top siyang tirante lamang, kita ko rin ang strap ng bra niyang kulay itim. Kahit may shoal siya ay naaninag ko na kaagad at napansin ang lahat ng iyon. Putangina, umurong na yata ang dila ko. Ganito ba talaga siya kapag nasa bahay lang? Ang sexy. Hindi siya payat, may laman siya sa mga tamang bahagi at pinagpala siya sa parteng dibdib niya talaga.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...