LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 9
Nakahalumbaba si Miss Tessa doon sa lamesa, hindi siya umiimik at nakatulala lang siya, hindi rin naman siya lasing dahil nakakadalawang bote pa lang siya. Inuunahan ko na nga siyang uminom ng beer para di siya makarami. Kinakausap na naman niya ako kanina pero bigla siyang tumahimik kaya hindi na rin muna ako umimik.
"Sino yung lalaki kanina?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya.
"Huh?" Mumukat mukat pa siya na mukhang hindi naintindihan yung sinabi ko.
Huminga ako ng malalim at uminom mula sa baso ko.
"Nakita kita kanina habang naghihintay sa'yo sa playground, may kasama kang lalaki."
Tangina mga tanungan ko eh, parang interrogation lang, baka masabihan ako nito na wala akong pakialam.
"Ah, wala, kakilala ko lang."
Dead end. Kakilala raw.
"Ah, okay." Nasabi ko na lang, gusto ko pa sana siyang tanungin pero nahihiya naman ako, pakiramdam ko kasi hindi lang niya basta kakilala 'yung lalaki kanina. "Uwi na tayo, naka isang bucket na tayo." Yaya ko, bigla kasi akong na -awkward eh, parang dapat dumidistansya ako, teacher ko nga pala siya, kahit pa ba close na kami o baka naman ako lang 'yung nag iisip na close kami.
"Uuwi na agad? Ikaw nga umiinom nung beer eh, ang daya mo inuunahan mo ako. Akala mo ba hindi ko napapansin?" Sabi niya habang nakasulimpat ang mga mata sa'kin.
"Hindi ah, nagkataon lang na mabagal kang uminom ngayon, ang lalim ng iniisip mo." Katwiran ko, totoo naman ng bahagya ang palusot ko. Napatunayan ko na tama ako dahil hindi siya sumagot, tumayo na lang at inaya na akong umuwi. Hindi na rin naman ako nagtanong at sumunod na lang sa kanya.
-
"H'wag ng iinom dyan sa loob mag isa, may usapan tayo, Miss." Paalala ko sa kanya sa kasunduan namin.
"Naalala ko, hindi naman ako lasing." Ngumiti siya at binuksan ang pintuan ng bahay niya.
"Kaya nga pinapaalala ko lang kasi baka ituloy mo ang pag iinom dyan sa loob."
"Hindi na, matutulog na ako."
"Sige, good night po."
"Good night rin, Pipo. Thank you."
Frustrated akong umuwi sa bahay. Ang hirap magtanong sa taong hindi open, ang hirap ding manhimasok sa buhay ng may buhay. Gusto kong malaman yung mga iniisip niya at yung mga problema niya pero mukhang wala naman siyang planong mag share. Kung sabagay, hindi pa naman kami matagal na magkaibigan.
-
"Oy p're, kumain ka na ba?" Tanong agad ni Julian sa'kin nang makapasok ako ng bahay.
"Oo, salamat." Sabi ko tapos dumeretso ako sa ref at kumuha ng red horse mula doon.
"Napapadalas kang wala ah, mukhang may sikreto kang hindi sinasabi sa'min." Si Esso na kumuha rin ng beer sa ref, si Julian naman ay nakatingin at naghihintay ng sagot.
"Wala naman." Ngumiti ako sa kanila.
"Sus, wala raw, wala ring maniniwala sa'yo, palagi kang wala p're." Si Esso.
"Oo, palagi ka ngang wala, saan ka nag pupupunta?" Si Julian naman.
"Dyan lang, teka nasaan yung dalawa?" Tanong ko nang mapansin kong wala si Jacob at si Chino.
"Biglang binago ang usapan, may lihim talaga si brad akala mo naman ay hindi kaibigan kung makapag lihim." Si Esso, tapos lumakad na palabas ng kusina.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...