LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 23
"Anong nangyayari?" Tanong ko kila Jacob nang magising ako. Tinanghali ako ng gising sa sobrang saya ko nang nagdaang gabi. Para akong inilulutang sa ere dahil doon sa kiss na ibinigay sa akin ni Miss Tessa.
Napansin kong parang mapula ang mata ni Jacob, si Chino naman nakahubad baro pero may dalang kumot at nakataas ang paa sa may veranda, si Esso ay naka polo pa, parang kahapon niya pa suot 'yon, gusot na eh. Parehong nagkakape at nagyoyosi yung kambal.
"Wala na si Rachel, umalis na." Si Esso ang sumagot sa tanong ko matapos niyang bumuga ng usok.
"O? Saan nagpunta? Kailan ang balik?" Tanong ko ulit at nakihigop ng kape sa kanya.
"Australia." Si Chino naman.
"Ang layo, babakasyon?"
"Hindi. Wala ng balikan yata, hinakot na raw lahat ng gamit niya sa apartment, sabi ni Maya." Si Esso ulit at napatigil ako sa pag higop doon sa kape at mabilis na napabaling kay Jacob.
"Ha? Tangina, wala ng balikan? Papaano si Jacob?" Hindi ko napigilang sabihin. Walang sumagot sa kanila ni isa, nakatingin lang kami lahat kay Jacob, yung kambal parehong napahithit na lang sa yosi nila.
Pumasok si Jacob, maliligo lang daw siya. Naiwan kami nila Chino sa labas na wala pa ring umiimik sa amin.
Wala ni isa sa amin ang nag expect ng ganito. Okay naman si Rachel eh, lahat kami boto sa kanya. Ayaw namin siyang husgahan sa pag alis niya dahil siguradong may dahilan siya. Baka nagkataon lang na hindi niya nasabi kay Jacob dahil nga busy sila at may pinagdadaanan pa sila, nakikisali pa si Andrea.
Baka kinain na rin si Rachel ng pag oover think niya, pero kawawa naman si Jacob. Naiwan na naman si Brad. Pero palagay namin pareho lang silang nasasaktan dahil kita naman namin kung gaano nila ka gusto ang isa't isa. Si Rachel na ang tapang na tao pero pag si Jacob ang usapan lumalambot siya, hindi lang namin alam kung aware si Jacob d'on.
-
Matapos ng almusal na hindi namin nalasahan ay pumasok lang kami sa internship, deretso pa rin pero tangina, si Jacob parang alive but dead inside. Kakaawa eh. Mas malala siya ngayon kumpara noong sila ni Andrea ang nag break. Noong sila kasi ni Andrea malungkot lang siya, pero ngayon galit siya. Gan'on pa rin naman siya sa'min pero sa ibang bagay parang naging 360 degree ang pananaw niya sa buhay. Nag pasya kami nila Chino na wag na naming ungkatin pa yung nangyari kay Jacob at kay Rachel, hahayaan na lang muna namin si Jacob na mag move on. Dati kasi kwento siya ng kwento tugkol kay Andrea at sa mga nangyari sa kanila, mga memories nilang dalawa, pero ngayong sa kanila ni Rachel, hindi siya nag sasalita, parang walang nangyari, parang walang Rachel na dumating sa buhay niya.
"Miss, wala na si Jacob at Rachel." Sabi ko kay Miss Tessa at bigla siyang napatigil sa pag tipa niya sa keyboard.
"Huh?"
"Wala na po si Jacob at Rachel, break na, tapos umalis pa si Rachel." Pagpapatuloy ko. Hindi umimik si Miss Tessa pero nakita ko kaagad na kagaya namin ay bigla siyang nalungkot.
"Totoo? Hindi nga?" Pag kukumpirma niya.
"Opo, Miss, nag pa -Australia na raw si Rachel tapos wala na raw balikan."
Pareho kaming napabuntong hininga na lang ni Miss. Hindi na rin namin masyadong pinag usapan pa yung hiwalayan nung dalawa kasi nakakahawa lang ng lungkot.
Nang gabing iyon ay lumabas kaming dalawa, nagpunta kami ulit sa mga pinupuntahan namin dati, kumain kami ng sisig tapos uminom ulit ng beer. Habang nainom siya ay pinapanuod ko siya, may kakaiba sa kanya na di ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...
