Chapter 14

7.9K 341 196
                                    


LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 14

Napalunok pa ako ng isa pa. Hindi sumasagot si Miss Tessa, nakatitig lang din siya sa'kin kaya sinunod ko kung ano ang sa palagay ko ang ninanais naming dalawa. Unti -unting bumaba ang mukha ko patungo sa kanya, malapit nang magtagpo ang mga labi namin nang tumawa siya.

"Oh my God, I'm sorry, I didn't mean to." Sabi niya hanggang sa patuloy pa rin siyang tumatawa. Napabuntong hininga ako at sumandal na lamang sa kinakaupuan ko. "Sorry, hindi ko napigilang tumawa, hindi ko naman sinasadya." Dugtong niya, hindi pa rin tumutigil sa pagtawa. "I mean, ano ba naman ang naiisip ko, estudyante kita."

Okay, that's it. I'm out.

Tumayo na ako. Putangina, estudyante nga lang pala ako. Yung kilig ko kanina parang nawala.

"Sige, uuwi na po ako, Miss."

"Huh? Uuwi ka na?"

"Opo, Miss." Sabi ko tapos dumeretso na ako sa pintuan.

"Teka, saglit lang." Sabi niya tapos hinabol niya ako at hinawakan sa braso, tumingin naman ako sa kamay niya na nasa braso ko at inalis iyon.

"H'wag mo na akong hawakan dahil estudyante mo lang naman ako."

Tangina, pumitik na si Peter Paul.

"Sandali, galit ka ba?" Tanong niya habang nakatingala siya sa'kin.

"Pinapaasa mo lang ba ako, Tessa?"

Hindi siya nakasagot at yumuko siya. Hindi na rin naman ako para tumayo lamang doon at maghintay ng sagot niya. Tama na siguro, nakakagago na. Hinawakan ko ang seradura at pinihit iyon pero sa isang iglap ay natagpuan ko ang sarili ko na nakasandal sa pintuan at tila tinakasan ng hininga.

-

Ang isang kamay niya ay nakahawak sa pisngi ko, habang ang isa naman ay nakapanguyapit sa balikat ko at ang mga labi niya ay nasa mga labi ko. Alam kong nanlalaki ang mga mata ko at ikinurap kurap ko ang mga iyon, bago pa ako makapag isip ng susunod kong gagawin at nakatalikod na sa'kin si Tessa.

"Sige, ingat ka pauwi." Sabi niya tapos ay dumeretso siya sa kusina at muling humarap sa laptop niya.

Automatic namang kumilos ang mga paa ko papunta sa kanya, pero maski nasa harapan na niya ako ay parang wala siyang nakikita.

"Tessa" Tawag ko sa kanya pero wala akong nakuhang response kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "You kissed me." Nang sinabi ko iyon ay muli niyang kinagat ang ibabang labi niya at napangiti na ako.

"Uuwi ka na diba?" Tanong niya sa'kin.

"Sinong may sabi?" Kibit balikat kong sabi tapos ay bumalik na ako sa pagkakaupo sa tabi niya.

"Ikaw, nakasimangot ka na nga kanina eh, pinapaasa lang naman kita diba?" Nakaraas ang kilay niya sa'kin at pinipigilan ko ang sarili ko na matawa. Yumuko ako at itinuon ang noo sa balikat niya.

"Okay lang kahit pinapaasa mo lang ako, aasa pa rin ako."

"Sira."

-

Hindi ko na alam kung anong oras si Tessa natapos sa ginagawa niya, lumipat kami sa may sofa at doon siya nagpatuloy. Nagising akong nakahiga sa sahig at nakakumot. Naaamoy ko ang bacon at sinangag. Napangiti ako, naaalala ko pa nang una akong makatulog din dito. Lasing ako n'on at, shit. Bumangon ako ng mabilis at tiningnan ang ibabang bahagi ng katawan ko, tangina yung "ethics" ko. Naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko, ito na naman ako at ang "ethics" ko, nakakahiya.

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon