LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 46
Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang marinig ko ang sinabi ni Martha.
"What? Martha?" Tanong ko pa rin kahit alam ko at malinaw kong narinig kung ano ang sinabi niya.
"I said let's break up." Sabi ni Martha. Matatag ang boses niya pero trinaydor siya ng mga mata niya.
"Hindi, Martha, huwag nating gawin 'to?" Sabi ko at hinawakan si Martha sa kamay. Hindi siya umiwas sa pagkakataong ito pero malungkot siyang ngumiti.
"I think this is for the best."
"Martha, no, don't do this." Pakiusap ko sa kanya at hinagip ko na ang pareho niyang kamay.
Naroon kami sa labas ng emergency room ng ospital kung saan intern si Martha, marami roon ang nakakakilala sa kanya. Lumayo kami ng bahagya at pinag uusapan namin ito, tangina, pulbos na talaga yung puso ko.
"Maybe we should sort things out on our own, yung sa'yo, yung sa inyo ... sa inyo ni Tessa." Gumaralgal muli ang boses niya at akma ko siyang yayakapin pero umatras siya.
"Martha, ayoko, hindi tayo maghihiwalay." Sabi ko.
"I need to sort things out myself, Pipo. Kung kaya ko ba 'tong tiisin para sa'yo at para sa sarili ko? Kung kaya ko ba na may nakikisali? Kaya ko bang magtiis ng sakit? Kaya ko bang makipag agawan? Kaya ko ba? Kaya ko bang ibaba ng sobra ang sarili ko? And yes, siguro para sa'yo ay tapos na, but for her?" Tuluyan ng pumatak yung luha niya.
"Martha, I'm so sorry. Let's not break up, please. Ayoko. We can sort things out together, hindi ba ganoon naman talaga dapat?" Sabi ko at sinakop ng dalawang kamay ko ang pingi niya, pinawi ko ang nga luhang naroon.
"Yes, Pipo. I know and I don't want to do this too pero I think this is better for both us. May mga hang ups tayo na kailangang ayusin mag isa. I mean if we're really for each other then sa huli tayo pa rin."
"Martha."
"Let's part ways for now, Pipo. Isa pa I've been distracted dahil sa atin, hindi ako makapag focus, and I don't think I could trust you right now. Pakiramdam ko pagod na pagod ako."
"Martha, listen. Wala kaming relasyon."
"Pipo, gusto ko na lang nagpahinga muna, let's break up." Ulit niya at inalis ang magkakahawak ko sa kanya.
"Martha, no."
Eksaktong tinawag kami ng Doctor na tumingin kay Tessa. Tumango siya kay Martha at ganoon din ito. Nang lumapit ako sa Doctor ay hindi sumunod si Martha. Naglakad na siya palabas ng ospital.
"Martha."
Hahabulin ko sana siya nang muli akong tawagin ng doctor at ipinaliwanag sa akin ang nangyari kay Tessa.
Lumunok naman ako para pigilan yung nagbabadyang luha sa nga mata ko.
-
Pagkagaling ko sa ospital ay dumeretso ako sa bahay ni Martha. Matagal akong kumatok at naghintay doon pero hindi siya lumabas, hindi rin siya sumasagot. Maski sa cellphone niya ay walang sumasagot. Naririnig ko lang si Darcy sa loob na tinatahol ako. Para akong adik na kinakausap si Darcy na nasa kabilang panig ng pintuan.
"Darcy, alagaan mo si Martha, okay? Always check on her. We both love her so wag kang matigas ang ulo sa kanya."
Tahol lang ulit ang isinagot sa akin ni Darcy. Kung may makakakita man sa akin at makakarinig kay Darcy ay siguradong iisipin nila na baka nag d-droga ako. Nakalupagi ako sa harap ng pintuan at nakikipag usap sa asi na nasa kabilang bahagi ng pintuan.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...