LOVELY, LITTLE, LONELY
Chapter 31
Nang magising ako kinabukasan ay masakit ang ulo ko. Para na namang minamartilyo yung bungo ko. Sinasabi ko na nga ba at hindi ako dapat uminom ng marami kagabi. Hindi ko na rin matandaan kung papaanong ako ay nakauwi dito sa bahay, ang alam ko lang ay sumakay ako ng taxi.
Madali akong pumasok sa banyo para maligo nang mapansin kong pasado alas otso na. May meeting pa kami mamayang alas nueve kasama yung mga NGOs. Nang lumabas ako ng kwarto ay nagulat ako nang makita ko yung lamesa sa kusina. May mga pagkain na nakahayin doon. Nang lapitan ko ay may note doon.
"It seems that your shoulder is okay now and that's good.
By the way, chicken soup, eggs and fruit juice
can help you treat your hangover. Eat well."
P.S. My name is not Tessa.
– Martha
Napailing ako at nahilot ko ang sentido ko. Hindi ko maalala yung nangyari kagabi, baka nakasalubong ko siya or nakasabay sa elevator at tinawag siyang "Tessa", tangina, nakakahiya.
Naupo ako at kinain yung pagkain na nakahayin. Umuusok pa yung chicken soup kaya sigurado akong kakaalis lamang niya. Napapikit ako nang matikman ko yung chicken soup. Pwedeng ilaban sa chicken soup ni Julian.
Tangina, nakakahiya talaga kung tinawag ko siya sa ibang pangalan pero ipinaghanda niya pa rin ako ng almusal at pang tanggal hangover. Gaano na ba karami ang nainom ko kagabi para walang maalala at tawagin siyang "Tessa"?
Naisip ko si Miss Tessa. Ayaw ko siyang sisihin kung bakit ako naaksidente, wala naman kasi talaga siyang kinalaman doon. Pero mukha naman siyang masaya at mukha rin naman na mahal niya yung lalaki, pinakasalan niya nga eh.
Ayaw ko man at mali man pero naiisip ko pa rin hanggang ngayon na sana kami na lang. Umiling na ako. Ayaw ko ng mag isip dahil baka abutin ako ng bukas.
Mabilis akong kumain at lumabas na, hindi ko na hinugasan yung pinggan, iniwan ko na r'on sa sink at bumaba na ako, mag ba -baka sakali na makikita ko siya, aabot pa rin naman ako sa meeting namin, ipapanalangin ko na lang n asana ay walang traffic.
Naglakas loob na akong itanong sa guwardiya kung nakalabas na si Martha, ang kaso ay hindi sila sigurado. Wala naman akong nagawa kaya naghintay na lang ako. Nang lumipas ang labin -limang minuto ay nagpasya na lamang ako na umalis na. Sigurado naman ako na makikita ko siya ulit.
-
Nang dumating ako sa office ay wala pa naman yung mga NGOs. Pumasok ako sa conference room at humila ng upuan sa tabi ni Jacob. Si Jacob, parang tanga, naka sunglasses sa loob ng opisina, pero parang nainggit ako bigla dahil naliliwanagan ako sa ilaw.
"Mukhang may hangover pa kayong dalawa ah." Sabi ni Boss Zac sa amin.
"Di boss, konti lang naman 'yon." Sagot ko lang, parang hindi naman naniniwala si boss na kaunti lang ang ininom namin.
"Pa -reserve pala kami mamaya ni Misis sa resto niyo, gusto raw niyang kumain ng pasta r'on." Pag iiba ni boss sa usapan.
"Ah sige boss, anong oras?" Tanong ko at kinuha ko na ang cellphone ko sa bulsa para mag message kila Julian tungkol sa reservation ni Boss.
"Mga alas - siete."
Dapat nga lang ang reservation kung alas siete ng gabi pupunta sa restaurant dahil medyo mahirap makakuha ng pwesto kapag ganoong oras. Maraming kaagaw.
BINABASA MO ANG
Lovely Little Lonely
Romance[Mature Content] BLACKWATER SERIES 2 Peter Paul "Pipo" Rodriguez is the silent one, the Mr. Nobody and the man in the shadows but still never fails to enjoy his youthful days with his greatest set of friends, until a sudden feeling of strong emotion...
