Chapter 5

9.6K 333 88
                                    

LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 5

Regular classes na ulit dahil tapos na ang exams, etong katabi ko tangina yung ngiti dahil ang gaganda ng scores pero gaya ng inaasahan ay napagalitan nga siya ni Rachel dahil sa score niya sa Ethics. Ayos din naman grades namin.

Narealise ko na excited akong pumasok sa subject ni Miss Tessa. Mga ilang araw ko rin kasi siyang hindi nakita mula noong gabi na tinulungan ko siyang mag check ng test papers.

Sabay kami ni Jacob pero madalas nauuna na ako sa kanya kapag pumupunta pa siya kay Rachel.

"Bango ni Miss Tessa." Narinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko, nakaramdam ako ng inis. Parang ayoko kasi na may ibang nagsasabi n'on.

Naupo ako sa pwesto ko pero hindi ko nilubayan ng tingin yung kaklase ko na nagsabi n'on hanggang sa matapos yung klase namin.

Nilakasan ko naman ang loob ko at sumunod kay Miss Tessa nang lumabas na siya ng classroom, umuna na rin naman si Jacob dahil naghihintay daw sa Tum's si Rachel.

"Hello, Miss." Bati ko kay Miss Tessa.

"Hello, Pipo, may atraso ba sa'yo si Santos at parang masama ang tingin mo sa kanya kanina sa klase?" Tanong niya sa'kin. Tangina napansin pa pala ni Miss Tessa 'yon.

"Ah, wala naman po, nayayabangan lang talaga ako sa mukha ng isang 'yon."

Ngumiti lang siya sa sinabi ko

"Saan ka pupunta? Uuwi ka na?" Tanong niya sa'kin.

"Dadaan pa ako sa library, may titingnan akong journal." Sagot ko.

"Tamang -tama, sabay na tayo, doon din ang punta ko, ibabalik ko itong hiniram ko."

-

Wala na masyadong tao sa library dahil malapit na magsara, hinanap ko lang saglit yung journal na kailangan ko at ibinalik lang ni Miss Tessa yung hiniram niyang libro tapos humiram ulit siya ng panibagong libro.

"Nasaan ang ka -group mo sa thesis? Bakit parang nag iisa kang gumagawa?" Tanong niya sa'kin.

"Ah, ewan ko, nakakailang usap na kami pero di pa rin naman tumutulong eh, hahayaan ko na at baka masuntok ko lang 'yon."

"Bayolente pala si Mr. Rodriguez." Sabi niya tapos ngumiti lang siya.

"Hindi po." Tanggi ko. "Hindi ko na nga po pinapansin para iwas away na rin, saka baka ako pa ang mabangasan, magagalit ang nanay ko kapag nasaktan ang anak niya."

"Mama's boy pala, hindi bayolente."

"Hindi rin." Baka mapauwi ako sa'min 'non ng wala sa oras, may bantay pa naman ako dito." Sabi ko.

"Sino? Si Jacob?"

"Hindi, may kapatid ako dito, Miss, first year."

"Talaga? Baka maging estudyante ko sila next sem, anong pangalan niya saka, anong department niya?"

"Nasa Arts and Sciences po, Claire Rodriguez."

"Sige, tatandaan ko, baka maging students ko sila, sasabihin ko sa kapatid mo isumbong ka sa nanay niyo kasi bayolente ka." Biro niya sa'kin.

"Hindi magsusumbong 'yon, Miss. Nasa akin ang loyalty n'on, dahil kapag isinumbong niya ako ay isusumbong ko rin siya kaya hindi 'yon mag ta-traydor sa'kin, Miss."

"Aba, talaga nga naman, hindi ka mabuting kuya." Sabi niya

"Hindi po ah, iginagawa ko nga 'yon ng assignment kapag di niya alam, pero syempre mas madalas si Jacob ang nagsasagot."

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon