Chapter 2

14.1K 419 99
                                    

LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 2

Ininom ko pa ulit yung isang bote ng beer, inagaw ko na yung iniinom ni Chino. Si Camille naman humawak sa braso ko, hindi ko inalis yung pagkakahawak niya sa'kin pero wala akong maramdaman, nakatutok ang mga mata ko sa braso ni Miss Charlie na malapit sa'kin, tangina nangangati akong hawakan siya. Nag iwas na ako ng tingin at inintindi ko na lang si Camille kahit wala akong naiintindihan sa sinasabi niya, naging alerto naman bigla ang sistema ko nang muling kumuha si Miss Tessa ng crackers at literal na napamura ako nang bahagyang magdikit ang mga braso namin. Ang dulas, este ang kinis at tangina ang bilis ng pangyayari nakalayo na agad ang braso niya, gusto ko pa. Mabilis kong kinuha ang kaha ng yosi para sana kumuha ng isang stick pero wala na pa lang laman. Tangina, ano ba 'to? May naninigas yata sa'kin.

"P're, bili lang akong yosi." Paalam ko sa kanila, pero parang wala ng nakaintindi sa'kin, parang lahat ng tao doon ay lasing na, si Camille sa tabi ko ay kausap na yung isa niyang katabi sa kanan nang tumayo ako, hindi ko na rin makita sila Esso at Julian, pati si Rachel at si Jacob, tsk, iiskor na kaya si brad? Si Chino na lang at si Baste ang matibay doon at patuloy pa rin na umiinom pero mukhang kahit nag uusap ay hindi na rin nagkakaintindihan, tawanan na lang ng tawanan eh.

Lumabas ako at naglakad papunta doon sa tindahan, ang kaso sarado na, nag paikot -ikot ako at naghanap ng bukas pang tindahan, malayu -layo rin sa 7Eleven at sa Mini Stop itong kila Baste kasi eh, pero mukhang no choice ako kundi ang maglakad papunta doon.

Bahagya ko ng maimulat yung mata ko pero yosing -yosi na ako, kung anu -ano ng nakikita ko, Ligtas naman akong nakabili ng yosi at nakabalik din naman ako kila Baste, pero bago ako pumasok doon sa gate ay parang nakita ko si Camille na umalis na, hindi ko kilala kung sino ang kasama niya pero naglakad na sila papunta sa ibang direksyon, hindi ko na pinansin dahil di rin naman ako sigurado kung si Camille nga ba ang nakita ko.

Ang tibay talaga ni Chino at ni Baste, aapat na silang nandoon sa table, wala na rin si Miss Tessa doon at nakahinga na ako ng maluwag. Inilapag ko yung yosi ko sa lamesa at dumertso na muna ako sa banyo, ibinaba ko ang zipper ko para mag jingle all the way, pikit na ako halos dahil antok na talaga ako.

Napamulat ako nang may biglang bumukas ang pintuan ng banyo at dumeretso sa lababo. Naririnig ko na nagtatawag na siya ng uwak at marahan akong napatingin sa kanya. Si Miss Tessa na nakatuon sa lababo, nagtama ang mga mata namin at walang ni -isa man ang umimik sa'min, mabagal siyang nagbaba ng tingin at sinundan ko naman ang mga mata niya at napamulagat ako nang mapagtanto ko kung nasaan ang mga mata niya.

"Shit, shit, shit." Mura ko habang mabilis akong tumalikod at isinara ang zipper ko, tangina nakakahiya!

Pagharap ko wala na si Miss Tessa at nakasara na yung pinto. Tangina, totoo bang nangyari 'yon o lasing na lang din talaga ako. Lumabas na ako at hinanap ko si Miss Tessa. Nakita ko siya sa labas, naka upo siya sa upuan niya kanina. Nandoon pa rin si Baste at Chino pero mas mukhang lasing na si Baste, tangina ang lakas ni Chino.

Naupo ako sa tabi ni Miss Tessa. Nang mapansin niyang ako ang nasa tabi niya ay mabilis niyang kinuha ang isang bote ng red horse sa lamesa at tinungga ako laman noon.

"H -hi, Miss Tessa." Simula ko.

"Hello Peter Paul."

"P -Pipo na lang."

"Okay."

Silence.

Tangina ang awkward. Wala naman akong sasabihin eh, alangan namang sabihin ko na : "Kamusta ang "ethics" ko? Nakita niyo po ba?"

"May exam po ba bukas? Baka absent ako, may hangover." Alangan kong sabi at alangan din akong ngumiti sa kanya.

"Walang exam bukas Pipo, next week pa kayo naka schedule."

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon