Chapter 18

7.7K 333 133
                                    


LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 18

Nang medyo lasing na sila Jacob ay tumawag na ako kay Miss Tessa, medyo may tama na rin ako pero hindi ko talaga nilakasan. Ang problema ko ay si Chino, tangina, napakahirap itumba ng isang 'to. Para talagang di ako masyadong mahalata ay nag banyo na ako at doon ko na kinausap si baby girl.

"Umiinom ka ba?" Tanong niya sa'kin.

"I miss you, gusto ko ng pumunta r'yan." Sagot ko.

"Wrong answer, umiinom ka ba?" Tanong niya ulit sa'kin.

"Konti lang, baby."

"Konti lang? Sige nga sabihin mo sa'kin kung ano ang iniinom niyo?" Tanong niya sa tonong malilintikan ka kapag hindi ka nagsabi ng totoo.

"Alfonso po, saka red horse." Mahinang pag amin ko at narinig ko ang pagbuntong hininga niya at naiimagine ko na pinag taasan niya ako ng kilay.

"Sinong kasama mo na umiinom dyan?"

"Sila Jacob lang, kami -kami lang." Sabi ko.

"Wala naman kayong ibang nakakainuman diba?" Tanong niya ulit.

"Wala po, Miss."

"Good, h'wag ka na masyadong uminom ha, hindi mo rin ako kasama, dapat patas tayo, kung ako bawal maglasing kapag wala ka dapat ikaw din hindi pwede kapag wala ako."

Tangina, ang sarap naman marinig n'on.

"Wag mong sinasabi sa'kin yan, baka masugod kita r'yan kahit dis oras na ng gabi." Prangkang sabi ko.

"Bakit naman? Anong nagawa ko at susugurin mo ako rito?"

"Pinapasaya mo ako, saka hindi mawala sa isip ko yung halik mo, yung halik natin, tangina ang saya ko dahil d'on."

"Urgh! 'Wag mo ngang ipaalala sa'kin 'yan! Nakakahiya." Sabi niya.

"Bakit? Wala ka namang dapat ikahiya sa'kin, sa ating dalawa lang naman 'yon."

"Kahit na, nakakahiya pa rin dahil teacher mo ako."

"Gagraduate na ako at sinisigurado ko 'yon, isa pa nirerespeto pa rin naman kita bilang teacher ko."

"Alam ko naman 'yon, pero ..." Hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya at ako naman ang napabuntong hininga.

"It's okay so don't worry. Hindi naman ako nagmamadali, hindi rin naman kita pinipilit pero sana maniwala ka sa'kin na nirerespeto kita, malaki ang paghanga ko sa'yo noon hanggang ngayon at walang magbabago d'on." Paliwanag ko, ayoko rin naman na mailang siya at umiwas sa'kin.

"Thank you, Pipo."

"I love you too, Tessa."

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Pinutol ko na muna ang tawag ko sa kanya at lumabas na muna sa banyo dahil baka makahalata na yung mga kainuman ko sa labas. Nag text na lang muna kami ni Miss Tessa sa isa't isa hanggang sa kanya kanya ng nahiga sila Esso at naiwan na akong mag isa sa veranda. Tangina, medyo matagal din dahil ang lalakas naman ng mga 'to, hindi basta basta mapatumba. Nang mag decide nga silang matulog na ay parang mga wala lang, deretso pa rin ang tindigan, si Julian at Jacob nagawa pang ligpitin yung pinag inuman namin, si Chino naman nakapaglaro pa ng isa sa loob habang may ka -skype na namang kung sino si Esso, tangina, nanunuod na yata ng cam show ang isang 'yon. Nang mawala na sila sa veranda ay noon ko na lamang tinawagan ulit si Tessa at hanggang alas quatro ng umaga na naman yata kaming dalawa na magkausap.

-

Nag uusap na yung mga loko kung saan kami pupunta sa sem break, parang gusto nila pumunta ulit kila Chino at Esso. Parang interesado rin si Rachel na pumunta r'on sa lugar ng kambal, pero si Jacob halatang mas gustong iuwi si Rachel sa kanila. Partly kasalanan ko dahil ako ang nag message agad sa Nanay niya na may girlfriend na siya.

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon