Chapter 28

8K 338 253
                                    

LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 28

Bumili ako ng bulaklak doon sa flower shop na katabi ng restaurant. Simula noong opening ng restaurant ay hindi pa ako kinakausap ulit ni Tessa. Ang tawag ko at mga messages ko ay walang nakukuhang responds mula sa kanya. Iniwan ko iyong bulaklak sa labas ng pintuan ng apartment niya at umalis na rin ako kaagad.

Nakita ko siya sa labas ng university nang sadyain ko siya r'on pero hindi ako lumapit nang makita kong nakangiti siyang may kausap sa cellphone. Iyon ba ang dahilan kung bakit noon ay palaging hirap akong ma-contact siya? Sinisisi at minumura ko pa mga telco.

Pumasok lang ako sa office at inabala ang sarili ko sa bawat utos sa akin ni Boss Zac. Nang mag lunch break ay pinuntahan ako ni Jacob sa lamesa ko.

"P're tara mag sisig, may sisig daw sa pantry."

Sisig. Putanginang sisig yan. Parang biglang kumirot yung puso ko nnang marinig yung sisig.

"Ayoko ng sisig p're, mahirap nguyain, masakit ngipin ko." Sabi ko lang kay Jacob, tangina, nagsinungaling na naman.

"Oh? Siya sige, marami pa namang pagpipilian dyan. Kung nahihirapan ka sa sisig eh mag sinigang ka na lang at may sabaw pa, di naman dapat mahirap ang pagkain." Makahulugang sabi ni Jacob tapos ay nauna na siyang maglakad papunta sa pantry at sumunod lang ako. Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

-

"Ayos ka lang, Pips?" Tanong ni Boss Zac sa'kin pagkatapos naming mag meeting.

"Okay naman ako, Boss, bakit?" Sagot ko lang. Nasa conference room pa rin kami at inaayos ko yung mga files ko. Kasama rin namin yung ibang mga engineers na mas matatanda na kaysa sa amin.

"Para kasing may kakaiba sa'yo, parang kung nasaan ang isip mo." Sabi ni Boss. Nakaupo pa rin siya doon sa nasa kabiserang upuan.

"May pinag dadaanan yata ang puso niya, na basted yata." Singit ni Jacob tapos humalakhak si Boss.

"Na -basted? Wag kasi sa iisang babae lang, saka wag kang manligaw, date lang ng date. Saka na kayo magi sip ng mga ganyan dahil bata pa naman kayo." Sabi ni Boss.

"Eh si Miss Sadie, Boss?" Balik tanong ko.

"What? Kasama siya sa aking mga conquest." Sabi niya tapos kumindat pa.

"Kaya hindi kayo pinapansin at laging galit sa inyo eh, alam niyang puro kayo kalokohan." Sabi ko.

"Bibigay din 'yon. Kasama sa flirting yang laging nag aaway. Init na init na rin sa'kin 'yon, kapag bumigay 'yon sa'kin para kaming bulkan na sasabog parehas dahil nakakainit na rin ng ulo pagiging suplada niya." Sabi ni Boss tapos tumayo na mula sa kinauupuan niya. "Kayong dalawa huwag muna kayong masyadong seryoso sa mga babae na 'yan, napakarami niyo pang makikilala, tikman niyo lahat." Pahabol niya saka lumabas sa conference room. Sumang-ayon naman sa kanya yung mga may edad ng engineers d'on at napag kaisahan pa kami. Hindi na naman nakaimik si Jacob dahil alam sa office yung naging break up nila ni Rachel, nakita na kasi si Rachel n'ung iba naming kasama noong panahon na intern pa lang kami.

Tangina mga payo ni Boss eh, matatawa ka na lang.

-

Pinauna ko si Jacob na pumunta sa restaurant, pumunta ako ulit sa university para makita si Tessa pero tangina, tangina talaga. Yung lalaki kasama niya, magkasabay silang lumabas ng gate ng university at magka holding hands pa. Putangina.

Hinintay lang ba ako ni Tessa na maka graduate? Akala ko ba sabi niya after ko maka graduate? Anong after maka graduate?

Hiramin ko kaya yung sasakyan sa office at sagasaan ko 'tong lalaking 'to? Naiyukom ko ang palad ko bago ako magpasyang umalis na rin at pumunta sa restaurant.

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon