Chapter 47

8.9K 375 39
                                    

LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 47

Ilang araw ng hindi nagpapakita si Martha sa akin, ito na naman siya sa pagtatago at pag iwas sa akin.  Pero natutuwa ako sa kahit papaano ay nag rerespond siya sa mga messages ko, hindi nga lang siya sumasagot sa tawag ko.

Tuwing umaga ay hindi ako nakakalimot na mag message ng “Good morning” sa kanya. Isang reply lang palagi ang narereceive ko mula sa kanya pero mas mabuti na iyon kaysa sa wala.

Nag punta ako sa ospital para muling doon siya abangan pero hindi ko siya makita. Nahihiya naman akong nagtanong kaya naupo na lamang ako doon sa may waiting area.

Nakaupo ako roon nang lumaapit sa akin si Doc Erin.

“Hey, what’s up?” Sabi ni Doc Erin.

“Doc Erin? Hi.” Bati ko sa kanya at tumayo ako mula sa kinauupuan ko.

“Wala si Martha rito, pa -two weeks na. Tapos na ang internship nila. Anong meron sa inyong dalawa at hindi mo alam?” Tanong ni Doc Erin at hinila ako palabas.

“Anong problema niyo? Magsabi ka ng totoo.” Sabi ni Doc Erin at pinaningkitan ako ng mata. “Ang sabi ni Martha ay mag f-focus lang daw siya muna sa exams niya kaya hindi kayo masyado nagkikita, but I doubt it.” Sabi niya.

“’Yun ba ang sabi niya?” Napabuntong hininga ako at naisuklay ko ang daliri ko sa buhok ko. “Hiwalay na kami, Doc.” Sabi ko at nakita ko ang pagsinghap ni Doc Erin.

“Sabi ko na eh, kaya pala pati ako iniiwasan niya.” Sabi niya at humalukipkip siya. “Hindi na ako magtatanong ng dahilan o kung ano man ang nangyari sa inyo, but seeing you here means that you’re still not over her. Ayaw niyang makipag usap sa akin tungkol sa’yo so that also means na hindi pa rin siya tapos sa’yo.” Bumuntong hininga si Doc Erin bago muling nagsalita. “Bahala kayong dalawa malalaki na kayo. I’ll give you a bonus since you are nice. I really like you for my sister, please take care of her.” Sabi ni Doc Erin at tinapik ako sa braso.

Nagpaalam na ako sa kanya na aalis na ako.

-

Nang bumukas ang elevator ay malakas ang naging pagtibok ng puso ko. Parang tumigil din ang oras dahil sumakay doon si Martha. Natigilan din siyang katulad ko nang makita ako.

Galing ako sa parking kaya hindi kami nagkita sa lobby.

Nang akala kong lalabas siya nang elevator ay eksaktong sumara iyon. Nakita ko siyang mariing napapikit pero hinayaan na niya iyon. Lima kami sa loob ng elevator pero pakiramdam ko ay wala akong ibang nakikita kundi siya lamang.

Nang maiwan kami sa loob ay lumapit ako sa kanya. Hindi naman siya lumayo at sinamantala ko iyon para hagipin ang kamay niya pero iniiwas niya iyon. Hindi na naman ako nagpilit pang hawakan ang kamay niya.

“I missed you so darn much, Martha.” Mahinang sabi ko. Hindi naman siya nagsalita at nag iwas siya ng tingin. Nagpatuloy ako sa pagsasalita. “Gusto kong malaman mo na hindi ako matatapos sa’yo at wala akong planong kalimutan ka, tayo pa rin. Umaasa ako at aasa pa rin hanggang sa dumating ang araw na tanggapin mo na akong muli. Naniniwala ako naa tayo pa rin.”

May sasabihin pa sana ako pero bumukas na ang pintuan sa floor niya.

“Mahal kita, Martha.” Pahabol ko bago siya tuluyang lumabas ng elevator. Para namang sinipa ng kabayo ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kaboh niyon nang lingunin niya ako habang papasara na ang elevator.

Tangina, sulyap lang niya buong buo na ang araw ko.

Parang nabuhayan ako ng matinding pag asa nang lingunin niya ako. Nakangiti na lang ako hanggang sa makarating ako sa floor ko.

Lovely Little LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon